Chapter 39

4 2 0
                                    

CHAPTER 39

"WHY ARE you here?" Galina's eyes almost popped out when he saw Richard approaching from the entrance of the airport.

"Tinawagan ko siya." Napalingon siya sa kaniyang Kuya Hiro nang ito ang sumagot. Ngayon ang scheduled flight nito patungong America.

Nagpasya si Hiro na papuntahin si Richard nang sa gayon ay may kasama si Galina sa pag-uwi at higit sa lahat upang makahingi na rin ng paumanhin dahil sa inasta niya nang huling beses silang nagkita nito.

"Why?" Galina curiously asked as she stared at his brother with suspicion. Lumipat ang tingin niya kay Richard na hindi nagsasalita sa kaniyang tabi.

Pabiro naman siyang inirapan ng Kuya niya. "Hindi ko aawayin ang boyfriend mo. Huwag kang praning," anito.

"Okay." Bumuntonghininga siya pagkatapos, nagpaalam na pupunta muna ng restroom.

A deafening silence intervened between the two men when Galina left. Hiro's head was half turned towards the crowd while Richard kept his head down.

Hiro thought this is his chance to apologize. "I want to apologize from what I did last time na pumunta ako sa school niyo," he said while scanning the row of passengers sitting at the corner.

"Naiintindihan ko kung bakit mo nasabi ang mga iyon," Richard responded with a faint smile.

"Take care of her." Nakangiting nilingon ni Hiro si Richard.

"Bakit nagbago ang isip mo?" Curious na tiningnan ni Richard si Hiro.

"Ayokong maging hadlang sa kaligayahan ng kapatid ko. She is slowly recovering now and I know you are the reason behind it. Kung sakali man na dumating ang araw na pinangangambahan ko... That may be the right time for me to interfere." Hiro tapped Richard's shoulder. "Pasayahin mo ang kapatid ko sa abot ng makakaya mo."

Marahan namang tumango si Richard, saka matipid na ngumiti.

"Ako ba'ng pinag-uusapan niyo?" Bigla na lamang sumulpot si Galina sa pagitan ng dalawa at nakipag-abre siete sa mga ito.

"Sabihin mo sa akin Richard kapag nagpasaway 'tong si Gala habang wala ako." Pabirong pinitik ni Hiro sa noo si Galina.

"Makakaasa ka," nakangiti namang tugon ni Richard.

"Naku! Mukhang nagkakasundo na kayo, ah." Natutuwang pinagmasdan ni Galina ang dalawa bago siya bumaling sa kaniyang relo. "It's time! Let's go?"

Nang makasakay na ng eroplano si Hiro ay hindi na rin nagtagal pa sa airport sina Galina at Richard.

Habang naglalakad sa footpath sa tabi ng mga nakaparadang taxi ay nanatiling tahimik ang dalawa. Tila parehong nagtatantiyahan ang mga ito kung sino ang unang magsasalita.

"Bakit hindi mo ako tinawagan?" Pagbasag ni Galina sa nakakailang na katahimikan sa pagitan nila.

"I just thought we needed some time para mag-isip-isip," sagot ni Richard nang hindi siya tinitingnan.

Napakunot siya. "What do you mean? Iniisip mo bang makipaghiwalay sa akin?" tanong niya. Napahinto siya sa paglalakad nang malungkot ang ngiting nilingon siya ni Richard.

"Aaminin ko na naisip ko nga 'yan... Pero huwag kang mag-alala, nagdesisyon akong huwag gawin."

"Bakit?"

Tumayo sa harapan niya si Richard at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Kasi dalawa tayo sa relasyon na 'to. Kailangan ko ring i-consider ang mga opinyon mo."

Napanguso siya. "Mabuti naman at alam mo..." Bumuntonghininga siya, saka nagpatuloy. "Napag-uusapan na lang din naman natin ang tungkol diyan... I'll tell you now kung ano ang gusto kong mangyari. Gusto kong ipagpatuloy itong relationship natin," aniya, saka mahigpit na hinawakan ang kamay ni Richard. "Sana iyon din ang gusto mo."

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon