Chapter 19

13 3 7
                                    

CHAPTER 19

(Richard's P.O.V)

MATAMLAY akong napabuntonghininga nang maiparada ko na sa harapan ng bahay ang kotse ni Mama. Magmula nang umalis ako sa condo unit kanina ni Mandy ay hindi na maalis sa isip ko ang narinig kong pag-uusap nila ni Gala.

Naalimpungatan ako nang medyo nangalay ang braso kong nakalaylay na sa couch. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Napabaling ako sa kusina nang marinig ko ang boses nina Mandy at Gala. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya nanatili na lang muna akong nakahiga at nagpanggap na natutulog pa rin. Natuklasan ko na ang tungkol sa sakit ko ang pinag-uusapan nila. Kinabahan ako bigla.

"May tanong ako sa 'yo, Mandy. I hope you'll give me an honest answer," sabi ni Gala. "Kung nalaman mo ba noon na mamamatay si Ethan, mamahalin mo pa rin ba siya?"

Sandaling hindi nakaimik si Mandy. Dumilat ako at tiningnan siya. Bakas sa mukha niya ang gulat sa tanong ni Gala. "I... I loved him... and I still do," Mandy's voice cracked. "Wala akong pinagsisisihan, Gala. Mamahalin ko pa rin siya nang buong puso," sabi niya pagkatapos, nginitian niya si Gala.

"Then, I guess alam mo na kung ano ang sagot ko," sabi ni Gala patungkol sa tanong ni Mandy sa kaniya kanina kung sigurado na ba siya sa plano niyang papasukin ako sa buhay niya.

"Pero Gala magkaiba tayo ng sitwasyon. Pareho kayong mahihirapan ni Chad at sa huli, sigurado akong ikaw ang pinakamasasaktan. Okay lang ba sa 'yo 'yon?" nag-aalalang sabi ni Mandy. Bakas sa boses nito at ekspresyon ng mukha ang pagkadisgusto sa ideya na magiging kami ni Gala balang araw. Well, naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan niya. Kahit ako ay tutol din sa kahibangan ni Gala.

I looked at Gala and saw her wearing a sad smile.

"Alam kong hindi pa kasintibay ng pagmamahal mo kay Ethan ang nararamdaman ko para kay Chad. I'm not even sure kung pagmamahal na bang matatawag 'tong nararamdaman ko para sa kaniya.

"Pero ang malinaw lang sa 'kin ngayon, Mandy, masaya ako kapag kasama ko siya. Ibang klaseng fulfillment ang nararamdaman ko kapag napapatawa ko siya," ani Gala. "Kung sakali man na mahalin ko rin si Chad kagaya ng klase ng pagmamahal na inilaan mo kay Ethan, then I'm willing to give up my own happiness just to make his life less painful," dagdag pa niya and in just a split second, her face became brighter which made my heartbeat increased to an impossible rate. "I've been in situations na mas pinili kong sukuan ang sarili ko dahil sa mga pangit na nangyari sa buhay ko. At sobrang pangit sa pakiramdam niyon. Maraming panahon ang nasayang at kahit gaano man ako nagsisisi ngayon, hindi ko na maibabalik iyon. Ayaw kong maranasan iyon ng ibang tao. Ayaw kong mangyari iyon kay Chad."

Napakunot ako, gulat sa mga narinig. Hindi ko akalain na sa likod ng masasayang ngiti ni Gala ay may nagtatagong masasamang alaala mula sa kaniyang nakaraan. Ano kaya ang mga iyon?

"It will be hard, Gala. It will be hard," sabi ni Mandy.

"I know but I'm strong enough to face that kind of challenge. You know me, Mandy. Once I made up my mind, no one can stop me. Kahit nga si Chad hindi ako maawat eh."

Gusto kong maintindihan ang laman ng isip ni Gala. Sa dinamirami ng pwede niyang magustuhan bakit ako pa?

Inaamin ko na nagsisimula na rin akong magustuhan si Gala... Or maybe matagal ko na talaga siyang gusto subalit pilit ko lamang itinatanggi iyon. It felt so good knowing that the person you like likes you as well. However, mali na patulan ko ang kahibangang nararamdaman ko. Hindi ako ang tamang tao para sa kaniya. Ayokong saktan ang sarili ko at mas lalo nang ayokong masaktan siya. Kung ipagpapatuloy namin itong nararamdaman namin sa isa't isa ay tiyak kong mauulit ang kung anumang masamang nangyari sa kaniya noon. Kailangan ko nang seryosohin ang paglayo sa kaniya. Nabuhay naman kami dati nang tahimik at maayos kahit hindi kami magkasama kaya I'm sure eventually makakabawi rin kami. We just need to go on with our lives and focus on our own paths.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon