Chapter 22

15 2 0
                                    

CHAPTER 22

HALOS magkandabuhol-buhol ang hininga at mga hakbang ni Richard sa pagtakbo palapit kay Jude na buhat-buhat ang walang malay na si Galina.

"Tawagin niyo si Kiko!" tarantang sigaw ni Jude nang maihiga si Galina sa dalampasigan. Napamura ito dahil hindi ito marunong mag-CPR. Itinapat nito ang daliri sa butas ng ilong ni Galina upang malaman kung humihinga pa ito. Nanlalaki ang mga matang tiningnan nito sina Cheyenne at Jackie nang walang naramdaman. "Patay na yata siya!" sabi niya dahilan para mas lalong mapaiyak ang dalawa.

Marahas na itinulak ni Richard si Jude sa tabi nang makalapit dito, saka dinaluhan si Gala. "Gala!" Marahas niyang niyugyog sa balikat si Galina at tinapik-tapik sa magkabilang pisngi subalit wala siyang natanggap na tugon mula rito. Namumutla ito at hindi humihinga. Mabilis niyang dinama ang palapulsuhan nito. Mahina na ang pagpintig niyon.

"Is she really dead?" Iyak nang iyak si Jackie habang nakayakap kay Cheyenne. "Kasalanan ko 'to! Hindi ko na dapat siya inaya na lumangoy!"

"H-hoy! Ano'ng nangyari?!" gulat na tanong ni Kiko nang datnan sila sa ganoong sitwasyon. Nabitawan nito ang mga pinamili at lumuhod sa tapat nina Richard at Galina.

Richard puts his hand on Galina's chest—center part—and places the other hand on top of it. He started to compress her chest by pushing hard—applying most of the pressure from his upper body weight.

"Come'n breathe!" he said as he continued pressing her chest. He tilted her head and pinched her nostrils shut. He gently lifted her chin forward to open her airway and covered her mouth with his. He gave her the first rescue breath. As he saw Galina's chest rose, he gave her another rescue breath and started to press her chest again several times. "Gala, please! Breathe!" He was at the urge of crying.

"Tumawag na tayo ng ambulansya!" Kinuha ni Kiko ang cell phone subalit bago pa man tuluyang makatawag ng saklolo ay narinig niya na ang pag-ubo ni Galina. Tuluyan silang nakahinga nang maluwag.

Naibuga ni Galina ang mga nainom na tubig alat. Napasinghap siya ng ilang ulit upang habulin ang hininga. Napadaing siya nang maramdam ang labis na pananakit ng dibdib. Pakiwari niya'y nagiba ang dibdib niya dahil dinaganan iyon ng isang bagay na pagkabigat-bigat.

Ikinurap-kurap niya ang mga mata nang maaninag ang ang isang tao sa kaniyang harapan. Nang tuluyan nang luminaw ang kaniyang paningin, bumungad sa kaniya ang mukha ni Richard na puno ng pag-aalala. Biglang nag-ulap ang kaniyang mga mata at nanginig ang mga labi. Naitakip niya ang mga palad sa kaniyang mukha at napaiyak. Hindi tiyak kung ang iniiyakan ba niya ay ang muntik niya nang pagkamatay o ang emosyong nakita niya sa mga mata ni Richard. Ilang sandali pa'y natagpuan niya ang sariling nakakulong sa mga bisig ni Richard. She felt safe in his arms. Tila pinawi niyon ang sakit na naramdaman niya sa mga masasakit na salitang binitiwan nito kanina. She can literally hear his wild heartbeats along with hers.

*****

"DID you try to kill yourself?" pagbasag ni Jude nang hindi na makatagal sa nakabibinging katahimikang namamagitan sa kanila. Nakaupo ito sa shotgun seat.

Agad na napalingon si Richard kay Galina, napapagitnaan nila ito ni Cheyenne sa passenger seat. Maging siya kasi'y nagtataka rin kung ano talaga ang nangyari kanina. Napalunok siya at natakot sa ideya na nagpakamatay ito dahil sa mga sinabi niya.

"Why would I kill myself?" malamig na tugon ni Galina kay Jude subalit kay Richard nakatuon ang mga mata niya. "Marami pa akong hindi natatapos na misyon sa mundong 'to."

"Nakita ko kayo ni Richard kanina. Mukhang nagtatalo kayo, eh, tapos nakita pa kitang umiyak no'ng umalis siya," sabi pa ni Jude.

"Hindi ako umiyak. Why would I cry?" pagsisinungaling ni Galina pagkatapos, isinandal ang ulo sa balikat ni Cheyenne at pumikit.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon