Chapter 41

3 2 0
                                    

CHAPTER 41

(Galina's P.O.V)

PAPASOK na ako sa entrance ng university nang napansin ko ang humaharurot na ambulansya palabas ng gate. Sa hindi malamang dahilan, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Nalihis ang atensyon ko mula roon sa dumaang ambulance nang biglang nag-vibrate ang cell phone ko sa bulsa ng suot kong black hoodie. Tumatawag si Kiko. I was about to take his call nang bigla na lang may bumangga sa likod ko dahilan para mabitawan ko ang cell phone ko.

"Watch where you're going, b***h!"

Nagpanting ang tainga ko nang marinig ang boses ng isang babae mula sa aking likuran. Bukod sa siya itong bumangga sa akin, ayaw ko sa lahat ang minumura ako.

I picked up my phone first before turning to her. I was a little bit surprised nang makita kong hindi siya nag-iisa. She's with Jabber who is obviously avoiding his gaze with mine.

Tinitigan ko ang mukha n'ong babae. Magmula sa eye shadows hanggang sa lipstick, pak na pak! Maganda siya pero pangit ang ugali.

"Una sa lahat, mas mukha kang b***h kumpara sa akin. Second, ikaw 'tong bumangga sa likod ko. Obviously, ikaw 'tong nakakakita sa akin dahil nasa likuran kita kaya huwag mong isisi sa akin kung hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo," matalas kong sabi at siniguro ko talagang mas mataas ang kilay ko sa kaniya.

"Tara na, Haley." At sa wakas nagsalita na si Jabber. Hinawakan niya sa braso ang malditang kasama subalit marahas nitong binawi iyon.

"Ano'ng gusto mong palabasin? Tanga ako?" Ngumisi ito and looks like she's about to rip my head off—

Napatili ako nang bigla niyang hinila ang naka-half bun kong buhok.

I don't like these kind of fights at all. Nakakawala ng class. But since nasuot na ako sa kahiya-hiyang sitwasyong 'to, I just can't let her beat me.

Fortunately, I haven't cut my nails yet kaya ito ang ginamit ko to attack her. I aim to scratch her arms pero ewan ko ba't parang sa akin yata kampi ang pagkakataon dahil sa mukha niya lahat tumatama ang mga kalmot ko.

Ipinulupot ni Jabber ang braso sa nagwawalang babae at pilit na inilayo sa akin.

Hindi ko mapigilang mapangisi nang makitang halos mangiyak-ngiyak siya sa pagpupumiglas mula kay Jabber. Gigil na gigil talaga siyang saktan ako.

"Tama na, Haley! Nakakahiya!" Pilit na pinakakalma ni Jabber ang babae na pilit pa rin akong inaabot.

Nasapo ko ang noo ko nang mapansin na maraming estudyante ang nanonood sa amin. Sobrang nakakahiya.

Nagpasya na akong umalis subalit huli na nang marinig ko ang malakas na pito ng guwardiya ng university.

*****

IMPIT akong napatili pagkalabas ng disciplinary office. Sobra akong naiinis. Hindi ako makapaniwala na kung kailan ako tumanda ay saka naman ako nagkaroon ng pangit na record.

Napalingon ulit ako sa office nang bumukas ulit ang pinto niyon. Lumabas na rin sina Jabber at ang kasama niyang bruha na pulang-pula ang mukha dahil sa mga kalmot ko. Sandali pa kaming nagtitigan nang matalim n'ong babae. Kung nakamamatay lamang ang titig, siguradong pareho na kaming bumulagta ngayon dito sa corridor.

"Ate Gala?"

Napalingon ako at nakita si Jackie. She was carrying some books in her left arm.

"Hey, Jackie," bati ko sa kaniya.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" Gulat na gulat siya nang makita ang hitsura ko.

Nahihiya akong tumawa. "Mahabang kwento." Sinulyapan ko sina Jabber na nakatayo pa rin sa tapat ng office at nakatingin pa rin sa akin.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon