Chapter 32

3 2 0
                                    

CHAPTER 32

IBINAGSAK ni Richard ang katawan sa kaniyang kama at tinitigan ang kulay puting kisame ng kaniyang silid. Katatapos lamang nilang mag-usap ni Galina sa cell phone at sobrang lakas nang kabog ng kaniyang dibdib. Hindi siya makapaniwala na sila na. He is happy but still he can't help but feel guilty.

Dalawang araw doon sa Madieson Heights si Galina. Natuklasan niya na ang dahilan pala ng pag-uwi nito roon ay dahil sa death anniversary ng mga magulang nito na magkasunod na namatay.

Nagtataka siya sa dahilan kung bakit magkasunod na namatay ang mga magulang nito subalit mas pinili niya na lamang na huwag magtanong sa pangamba na baka hindi pa lubos na naghihilom ang sugat nito sa pagkamatay ng mga magulang.

Tumagilid siya nang pagkakahiga—paharap sa pintuan— at nakitang nakatayo roon ang Mama Cora niya.

"Dinner's ready," nakangiting wika ng ina.

Nakangiti niya itong tinanguan. "Susunod na lang po ako."

"Okay, sumunod ka kaagad. Hindi na masarap ang pagkain kapag lumamig." Tumalikod na ito pero tinawag niya ito ulit.

"Ma." Nilingon siya nito. Naupo siya at sandaling nag-isip-isip. "Girlfriend ko na po si Gala," nag-aalangan niyang imporma rito.

Her mom smiled. "I know. Gala called this morning. I'm so proud of you, son."

*****

GALINA was too busy typing on her phone that she didn't noticed her brother quietly observing her unusual behavior.

"Sino'ng ka-text mo at todo ka kung makangiti ngayon?" Hiro's forehead wrinkled as she stared at her.

"Eyes on the road, Kuya. Baka sumunod na tayo kina Mama't Papa," sabi niya sa kapatid na siyang nagmamaneho ng kotse. Tutok na tutok pa rin ang mga mata niya sa cell phone. Hindi niya maawat ang sarili sa pagngiti habang ka-text si Richard.

Pauwi na sila galing sementeryo. Matapos linisin ang mga puntod ng kanilang mga magulang at maglagay ng mga sariwang bulaklak ay umalis din sila agad.

"Umamin ka nga, Gala. May boyfriend ka na ba?"

Ibinaba ni Galina ang cell phone at seryosong nilingon ang kaniyang Kuya Hiro. "Actually, live-in na kami."

"What?!" Biglang napa-preno ang kuya niya dahilan para muntik na siyang sumubsob sa wind shield kung hindi lang siya naka-seatbelt.

"Oh my God!" Nasapo niya ang dibdib. "I was just joking! What's wrong with you?"

Napasimangot nang husto ang Kuya niya at tinuro siya. "Don't ever do that again, Galina. You almost gave me a heart attack!" inis at pasigaw na sabi nito, saka muli nang pinaandar ang sasakyan dahil bumubusina na ang nakasunod sa kanilang mga sasakyan.

"Pero totoo na may boyfriend na ako, Kuya."

Hiro glanced at her and smirked. "Hindi mo na ako mauuto, Gala."

Natawa siya nang pagak. "May boyfriend nga ako... And he have cancer."

Umiling si Hiro. "Not now, Gala. Kung pinaiiral mo na naman 'yang imagination mo bilang writer, mas mabuti pa sigurong isulat mo na lang 'yan.

"I am dead serious."

Her brother fell silent for a moment. He cleared his throat as he glanced at her. "Hindi ka nagbibiro?"

"No."

Huminga ito nang malalim at mas naging mariin ang pagkakahawak sa manibela. Nakita niya ang paglitaw ng tensyon sa panga nito. "So, may cancer siya. What type of cancer?"

"Leukemia."

"Ano'ng stage?"

She shrugged. "Wala siyang ibang bukambibig kundi mamamatay na siya," sabi niya. Hindi man tuwirang sabihin ng kaniyang kuya, kitang-kita niya sa mga mata nito ang labis na pagtutol. "I know what you're thinking."

"I'm your brother, Gala! Hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala!" Tumaas na naman ang boses nito.

"Gosh! Stop shouting." Bumaling siya sa bintana at tiningnan ang mga gusaling nadadaanan nila. "Malaki na ako, Kuya. I can handle this."

Kilala na siya ng Kuya Hiro niya. Alam nito na once na magdesisyon siya, hindi na siya mapipigilan ng kahit na sinuman. Gano'n pa man, tiyak niyang mag-iisip pa rin ito ng paraan para pigilan siya.

"Ano'ng oras ka aalis?" pag-iiba nito ng usapan.

"Okay ka na? Hindi ka na kontra?" kunot-noong tanong niya.

Nagpakawala ito ng malalim na buntonghininga. "I'm not okay. I will never be okay. Hindi ako payag sa relasyon niyo, Gala."

"I'm not asking for your approval, Kuya. I'm just informing you na may boyfriend na ang kapatid mo. He's a good person kaya wala kang dapat ipag-alala."

"I don't care kahit gaano pa siya kabait, Gala! Wala akong pakialam kahit mala-santo pa siya sa kabaitan! The point is he's sick and he's dying!"

"What's wrong with dying? You know what? Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumasok sa isang relasyon. Pinaparamdam niyo sa kaniya na hindi siya worth it mahalin. Bakit kayo ganiyan?"

"Look, you might think I'm the bad guy here pero one day maiisip mo kung bakit ko sinasabi 'to. You're being reckless."

"I'm twenty-two years old. I'm not a baby anymore. Hayaan mo na ako sa gusto ko, Kuya," she glared at him. "Isa pa, isipin mo kung nagkabaliktad kami ng sitwasyon. Paano kung ako 'yong may sakit? Hindi ko ba deserve magmahal at mahalin?"

"But that's not the situation, Gala. Kapatid kita at kailangan kitang protektahan..." Frustrated na naisuklay ng Kuya niya ang mga daliri sa buhok bago muling ibinalik ang kamay sa manibela. "You're basically asking me to watch you do something that might hurt you. Gala, hindi ako basta tutunganga lang dito at hahayaan kang gawin iyon. For God's sake, mag-isip ka nga."

"I like him."

"No, you don't. What you're feeling right now is just infatuation... or pity."

"My gosh, hindi ako bumalik ng Duncan Mills dahil sa crush ko lang siya or dahil sa naaawa ako sa kaniya. I'm not a teen-ager."

"But you're acting like one. Gusto mo bang maulit 'yong nangyari sa 'yo noon?"

Napairap siya nang maalala ang mga ginawa niya noon nang mawala ang parents nila. Bumuntonghininga siya at napailing. "Hindi na mauulit 'yon. I'm stronger now."

"Stronger my a*s... Kapatid kita, Gala. Kilalang-kilala kita."

"Oh, do you?" sarkastikong sabi niya.

Kagat ang ibabang labi na napailing ang kuya niya. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako pumayag na sa Duncan Mills ka mag-aral."

"Kung alam ko lang na mag-re-react ka ng ganiyan, hindi ko na sana sinabi na may boyfriend na ako," bumubulong-bulong niyang sabi. "Masyado kayong mapanghusga. Bakit parang sinasarado niyo na ang posibilad na pwede pa siyang gumaling? Ang lulupit niyo naman."

Umiling-iling si Hiro. Tila sarado na ang isip nito. Wala na itong pakialam kahit magmukha itong masama sa mata ng iba basta ang mahalaga lang rito ay maprotektahan siya. "I will never be at ease hanggat hindi ko pa nakikilala nang personal 'yang boyfriend mo."

"I won't let you meet him."

"Gala!" galit na nilingon siya ng kapatid. "Talaga bang paiiralin mo 'yang katigasan ng ulo mo?!"

"Kung matigas ang ulo ko, mas matigas 'yang puso mo, Kuya..." Tinitigan niya ito nang mariin sa mga mata. "I don't want you to meet him because he's going to get hurt. Ako pa nga lang na nakakita niyang reaksyon mo nasasaktan na, siya pa kaya? Don't meet him kung gusto mong okay lang tayo, Kuya."

Nakaawang ang bibig na tiningnan siya ng kuya niya. Basang-basa sa mukha nito ang pagkadismaya. "Are you threatening me?"

Tumango siya. "I am. Kilala mo ako, Kuya. Lahat ng sinasabi ko, tinutupad ko."

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon