Chapter 58

3 2 0
                                    

CHAPTER 58

"CONGRATULATIONS, Mrs. Dela Merced. You're pregnant!"

Paulit-ulit pa ring nag-e-echo sa utak ni Galina ang sinabi ng doctor na tumingin sa kaniya kanina nang dalhin siya ni Kiko sa ospital.

Dinama niya ang kaniyang tiyan. Hindi pa rin magawang i-absorb ng utak niya ang sitwasyon. Isang buwan na siyang buntis?

Matagal niya nang gustong magkaroon ng baby simula nang ikasal sila ni Richard ngunit ngayong nagdadalang tao na siya, bakit hindi siya natutuwa na karaniwang reaksyon ng mga babae na gusto nang magkaanak? Bakit sa halip na maging masaya, takot ang nararamdaman niya?

"I'm scared, Kiko," sabi ni Galina kay Kiko nang hindi ito tinitingnan. Tahimik lamang na nakatayo sa tagiliran ng kamang inuukupa niya sa emergency room si Kiko. Pinapakiramdaman siya.

Marahang pinisil ni Kiko ang balikat niya. "It's okay... First time mong magiging mommy kaya normal lang na matakot ka."

Bumaling siya sa lalaki at tiningala ito. "I hope you're right."

Sabay silang napalingon sa berdeng kurtina nang marahas na may naghawi niyon. Tumambad sa kanila ang humahangos na si Mama Cora. Nakaguhit sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

Kanina sa university, nang biglang nawalan ng malay si Galina ay tinawagan ni Kiko ang ginang at inimporma ito sa nangyari.

"Are you alright, dear? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito habang sinusuri si Galina.

Naluluhang tiningala ni Galina ang Mama Cora niya. "Ma..."

Mas lalo pang nag-alala ang ginang nang tuluyan nang umiyak si Galina. "Bakit? May masakit? Saan?" sunod-sunod nitong tanong saka bumaling kay Kiko. "Kiko, ano'ng problema kay Gala? Bakit siya umiiyak?"

Sumisinghot-singhot na ginagap ni Galina ang kamay ng hindi na mapakaling ginang. "Ma, buntis po ako."

Kasabay ng pag-awang ng bibig ng Mama Cora niya ang unti-unting pamumuo ang mga luha sa mata nito. Hindi ito makapaniwala sa narinig. "Say it again, Gala."

"Buntis po ako."

Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Hanggang sa bigla na lang siyang niyakap nito. Mas hinigpitan pa nito ang yakap sa kaniya nang maramdaman ang panginginig ng katawan niya.

"Shhh... it's okay, nandito ako. Hindi kita pababayaan."

Kumapit siya sa likod ng Mama Cora niya at isinubsob ang mukha sa balikat nito. Umiyak siya nang umiyak.

*****

["YOU'RE what?!"]

Napangiwi si Galina sa lakas ng boses ng Kuya Hiro niya sa kabilang linya. Ibinalik niya ang cell phone sa tainga nang sa tingin niya tumahimik na ito.

"I'm pregnant, Kuya. Magkakapamangkin ka na," ulit niya, saka sumandal sa pader sa labas ng silid ni Richard.

Sandaling natahimik ang kapatid pagkatapos, narinig niya ang pagsinghot-singhot nito. Tiyak niyang umiiyak na ito.

["I can't believe you're no longer a baby."]

Natawa naman siya nang mahina at napailing. "Matagal na, Kuya."

["Pasensya na, wala ako riyan para alalayan ka."]

"Okay lang ako. Nakaalalay naman palagi sa akin si Mama Cora," sabi niya. Pagkatapos, sandali uling natahimik ang kuya niya. May hinuha siya sa dahilan ng pananahimik nito. "Chad's doing fine, Kuya. Tuloy-tuloy siya sa pagpapagamot."

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon