Chapter 57

3 2 0
                                    

CHAPTER 57

HINDI mapakali at palakad-lakad si Jude sa harapan nina Kiko, Richard, at Galina. Pagkatapos ng mga narinig kanina sa palitan ng pag-uusap nina Galina at Richard, natahimik na ito.

"So... sinasabi niyo ba na mamamatay na si Richard?" tanong nito nang huminto sa tapat ng tatlo. Hindi pa rin ito makapaniwala na sa tagal ng panahong magkasama sila ni Richard, wala man lang siyang ideya na may malubhang sakit ito.

"Jude, narinig mo naman ang sinabi ni Richard kanina. Magpapagaling siya," sabi naman ni Kiko na nakatayo ngayon sa gilid ni Galina.

Nilingon ni Galina si Richard sa tabi, nakasandal ito sa headboard ng kama habang mahigpit na hawak ang kamay niya.

Mabigat ang hiningang nagpalipat-lipat ang tingin ni Jude sa kanilang tatlo. Nang huminto ang mga mata nito kay Richard, unti-unting namuo ang mga luha sa mata nito. Mabilis itong nag-iwas ng tingin at kinusot ang mga mata.

"Nakakainis kayo," anito, saka tiningnan sina Kiko at Galina. Namumula ang mga mata nito. "Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin? Ikaw, Kiko? Kailan mo pa alam na may sakit siya?"

Nakagat ni Kiko ang ibabang labi. Nakokonsensya ito sa paglilihim sa kaibigan. "Last sem."

Mas lalong napasimangot si Jude at nag-alburoto. "Last sem?! Tapos hindi man lang sumagi sa isip mo na sabihin sa akin?" Muling nanubig ang mga mata nito pagkatapos, isa-isa silang tiningnan. "Bakit itinago niyo 'to sa akin?" Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Jude. "Paanong sa ating lahat ako iyong walang alam sa totoong nangyayari? Akala ko ba tropa tayo?" hinanakit nito.

Parehong napayuko sina Kiko at Galina. Nakapapaso ang tingin sa kanila ng umiiyak na si Jude.

"Bago ka pa dumating sa buhay niya, Gala, kasama ko na siya. Bukod sa magkasama kami sa club, magkaklase rin kami ni Richard simula first year. Kaibigan ang turing ko sa kaniya kahit na ang sama ng ugali niya!" umaatungal na dagdag pa nito.

Nakokonsensya namang napayuko si Galina. Naaawa siya kay Jude. Pakiramdam niya ay naging unfair sila rito.

Sabay-sabay silang napalingon kay Richard nang bigla na lang itong natawa nang mahina.

"Huwag mo silang sisihin, Jude. Ako ang may gusto na huwag ipaalam sa iyo itong kondisyon ko."

Mas lalo namang napaluha si Jude. "Bakit naman? Kahit kailan ba talaga hindi mo ako nakita bilang isang kaibigan?"

Matipid ang ngiting tumungo si Richard. "Mabuti kang kaibigan, Jude, kahit na minsan nakakainis ka..." Nagpakawala ito ng buntonghininga saka nagpatuloy. "Hindi ko sinabi sa 'yo ang tungkol sa sakit ko kasi alam kong ganiyan ang magiging reaksyon mo. Ayaw ko sa lahat ang iniiyakan ako."

Dahil sa sinabi ni Richard ay mas lalo pang lumakas ang iyak ni Jude. Tatawa-tawa naman itong nilapitan ni Kiko at inakbayan.

"Ano ba naman 'yan, Jude? Tigilan mo na nga 'yang kakaatungal mo. Masagwa na ngang dati ang hitsura mo, mas pinasasagwa mo pa ngayon," biro ni Kiko para aluin ito.

Labis namang nagkandalukot-lukot ang mukha ni Jude. Sinamaan nito nang tingin si Kiko bago muling bumaling kay Richard. "Sino naman ang nagsabing ang sakit mo ang iniiyakan ko? Umiiyak ako kasi naiinis ako sa paglilihim niyong tatlo sa akin," palusot nito.

Ngingiti-ngiti namang nagkatinginan ang tatlo pagkatapos, sabay-sabay na iiling-iling na natawa.

"Kung 'yan ang magpapagaan ng loob mo, sige na, naniniwala na kami," sabi na lang ni Richard kay Jude.

*****

(Galina's P.O.V)

"MAG-IINGAT ka."

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon