Chapter 14

22 7 16
                                    

CHAPTER 14

(Galina's P.O.V)

SOBRANG lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatayo sa tapat ng nakasaradong pinto ng silid ni Lolo. Kahapon pa siya naiuwi ni Kuya Hiro galing ospital. Medyo okay na raw ito kaya pinalabas na ng mga doctor

Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. Napalingon sa akin si Lolo nang sumilip ako. Nakahiga siya sa kama habang nagbabasa ng libro.

"Hi." Tipid akong ngumiti. "Did you miss me?" Lumapit ako at naupo sa kaniyang tabi.

Ibang-iba na ang hitsura ni Lolo kumpara noong huling beses ko siyang nakita. Sobrang bumagsak ang pangangatawan niya.

"Gala," matamlay na sabi ni Lolo. Nalulungkot ako na bigla na lang nawala ang bagsik niya.

"Po?" Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Ibibigay mo na po ba sa 'kin ang mana ko?" biro ko dahilan para matawa siya nang mahina.

"Pilya ka talagang bata ka! Hindi pa ako mamamatay!"

Tumawa ako at yumakap sa kaniya. "Lo, stop ka na kasi sa paninigarilyo."

"Walang kinalaman ang paninigarilyo ko sa pagkakalaglag ko sa hagdan, Gala."

Mataman ko siyang tinitigan pagkatapos, inilingan. "Nalaglag ka sa hagdan because you fainted due to lung cancer na dulot ng paninigarilyo mo. See? Huwag ka na kasing magpalusot, Lo," nakasimangot kong sabi.

"Gala."

"Hmm?"

"Gusto ko bago ako mawala... Maayos ka na, ha?" sabi ni Lolo pagkatapos, bigla na lang binalot ng luha ang mga mata niya.

"Maayos naman ako ah," pabiro kong sagot habang pilit na pinipigilan ang sarili na maluha rin katulad niya. Hindi ako pwedeng maging mahina sa mga mata niya.

"Gusto kong magkaroon ka ng magandang kinabukasan," Lolo continued. "Gusto kong mag-aral ka ulit, Gala."

"Pero Lolo school isn't for me." Kumapit ako sa braso niya. "I'm sorry, I couldn't be what you wanted."

"Yan ang huling hihilingin ko sa 'yo, Gala," sabi pa ni Lolo nang hindi man lang pinansin ang sinabi ko. So, this is gonna be his last dying wish... This is so frustrating. "Gala, mangako ka."

"Umm... Pwede po bang iba na lang ang hilingin niyo? I can be a successful writer kung mas magsisipag pa ako," naiilang ang ngiting pakiusap ko.

"Galina," inis nang sabi ni Lolo. Napanguso na lang tuloy ako.

"Fine," pagsuko ko. Pinalungkot ko nang husto ang mukha ko. Baka sakaling magbago ang isip ni Grandpapa at maawa sa akin. Pero mali ako.

"Next semester, mag-enroll ka na," seryoso niyang sabi dahilan para mapabuntonghininga ako.

That was Lolo's plan. Unfortunately, he died bago pa man dumating ang next semester. I guess, school isn't really meant for me.

Nang bumalik ako rito sa amin, buong akala ko babalik pa ang dating lakas ni Lolo. Pero habang lumilipas ang mga buwan ay mas lalo pa siyang nanghina hanggang sa tuluyan na ngang bumigay ang katawan niya.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon