Chapter 38

2 2 0
                                    

CHAPTER 38

"SA DAMI ng mga pelikulang showing ngayon, bakit ang movie na 'to ang napili mo?" tanong ni Galina kay Richard habang hinihintay nilang maluto ang biniling popcorn. Isinandal niya ang ulo sa braso ng kasintahan at tiningala ito. "I didn't know you're into drama."

Richard stared at her and studied every features of her face. The corner of his mouth turned up when her nose crinkled.

Halos sabay silang napalingon sa snack bar nang tawagin sila ng attendant para sa in-order nila. Nang matanggap ang kanilang snacks ay dumiretso na sila sa loob ng cinema.

Habang nasa loob, napansin ni Galina ang pagiging tahimik ni Richard. Pinakiramdaman niya muna ito ngunit nang hindi na siya makatiis, pinisil niya na ito sa braso upang kunin ang atensyon nito.

"Uy, bakit ang tahimik mo?"

"Because I'm watching," Richard responded with his eyes glued on the screen.

Naguguluhan man sa inaasta ni Richard, tumango na lamang siya at ibinalik na ulit ang mata sa big screen.

Habang nanonood, unti-unti nang napagtanto ni Galina ang kakatwang ikinikilos ng kasintahan dahil na rin sa tema ng kanilang pinanonood.

Ang pelikulang pinili ni Richard ay tungkol sa dalawang magkasintahan na wagas na nagmamahalan. Subalit dahil sa taglay na malubhang sakit ng bidang babae ay nagpasya itong makipaghiwalay sa kasintahan at magpakalayo-layo.

"I'm bored. Lumabas na tayo," malamig niyang sabi. Hindi na niya hinintay ang tugon ni Richard at nauna nang lumabas ng sinehan. Nang makalabas ay marahas niyang nilingon si Richard nang sumunod na rin ito. "Why are you doing this?" inis niyang tanong. Tinitigan niya ito subalit wala siyang natanggap na tugon. Seryoso lamang din itong nakatitig sa kaniya. "Ano? Tititigan mo na lang ba ako? Sagutin mo ako. Bakit ka nagkakaganiyan?"

"Sumama ka na sa kuya mo, Gala," walang kaemo-emosyong wika ni Richard.

Napaawang ang bibig niya. Mariin siyang pumikit at itinakip ang palad sa mga mata pagkatapos, bumuntong-hininga. "You met him? Kailan? Ano'ng mga sinabi niya?"

A vein appeared on Richard's temple as he closed his eyes. "Hindi na mahalaga kung ano man ang mga sinabi niya sa akin, Gala."

"He already told you about my story, huh," tumatangu-tango niyang sabi. Sigurado siya na inunahan na siya ng kapatid sa pagsabi rito sa mga nangyari sa kaniya noon. Naiirita siya. "Mabuti pa umuwi na lang tayo. Wala na ako sa mood." Tumalikod na siya dahil ayaw niyang magtalo pa sila ni Richard. Subalit napaharap siya ulit dito nang tinawag siya nito. "Enough, Chad! Hindi ako sasama sa kaniya." Matalim ang mga titig na ipinukol niya dahilan para matahimik ito. "Alam kong marami akong dapat ipaliwanag sa 'yo tungkol sa nakaraan ko but let's just discuss about it some other time. At kung ano man 'yang mga linyang hinanda mo para sa pakikipaghiwalay sa akin, kalimutan mo na. I'm not going to break up with you. Kakalimutan kong nangyari ito, okay?" garalgal ang boses na sabi niya. Naluluha siya sa sobrang inis. Kita niya sa mga mata ni Richard na marami pa itong gustong sabihin kaya inilingan niya ito upang pigilin. "Isa pa, bakit ba pinangungunahan niyo ako sa pagdedesisyon sa buhay ko? Kaya ko ang sarili ko!" pasigaw niyang sabi, saka nagmartsa na paalis.

*****

"NAKAKAINIS ka, Kuya!" Ibinagsak ni Galina ang katawan sa malaki at malambot na kama ng kaniyang Kuya Hiro. Pagkaalis ng sinehan dumiretso siya sa hotel na tinutuluyan ng kapatid para komprontahin ito. Mukhang hindi rin naman ito nagulat sa bigla niyang pagdating.

"Mas naiinis ako sa 'yo, Gala!" singhal naman ng Kuya niya na kasalukuyang nakaupo sa mahabang sofa, sa tapat ng kama. "Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo? Mabuti pa 'yong boyfriend mo marunong makaintindi."

Gigil siyang bumangon at sinamaan ito ng tingin. "So, nagdesisyon ka na talagang maging kontrabida sa love story namin?" Gigil siyang napatili, saka muling nahiga at nagpagulong-gulong. "I hate you!"

Habang nagmamaktol, walang kamalay-malay si Galina sa totoong tumatakbo sa isip ni Hiro habang pinagmamasdan siya.

Batid ni Hiro ang mga pagbabago sa mga ikinikilos ni Galina. Buhay na buhay na ito ngayong tingnan kumpara noon na palagi na lamang nagkukubli sa mga pekeng ngiti sa labi. Ngayon ay tiyak niyang tunay ang mga ipinapakita nitong emosyon sa kaniya. At sigurado siya na si Richard ang dahilan ng pagbabagong nakikita niya.

Ilang araw niyang pinag-isipan ang tungkol sa namamagitan kina Galina at Richard. Hindi niya maiwasang makonsensya sa panghahadlang sa dalawa lalo pa't noong nagkausap sila ni Richard, naramdaman niyang mabuting tao naman ito at higit sa lahat napapasaya nito ang kaniyang kapatid. Subalit sa kabila n'on, hindi niya pa rin maiwasang mag-alala sa posibleng kaharapin ng mga ito pagdating ng araw.

"Can't you just trust me, Kuya?"

Nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Hiro at sumandal sa sofa. "I'm leaving next week."

"Hindi ako sasama," tugon ni Galina habang nakasubsob ang mukha sa kama.

"Huwag kang magpapasaway habang wala ako."

"Ayoko ngang suma—" Natigilan si Galina at agad na nag-angat ng mukha. Kumukurap-kurap na bumaling ito kay Hiro. "Hindi mo na ako isasama? Bakit?" Gumapang ito patungo sa dulo ng kama at masusing sinuri ang hitsura ni Hiro upang tiyakin kung nagbibiro ba ito.

"Mag-aral ka nang mabuti, huwag puro puso. Tawagan mo ako bago ka matutulog. Kumain ka sa tamang oras. Higit sa lahat, lagi mong tatandaan na mag-girlfriend at boyfriend pa lang kayo at hindi mag-asawa, kaya huwag kayong gagawa ng... ng... Basta iyon na 'yon!"

Agad na nagliwanag ang mukha ni Galina at hindi napigilang mapatakbo sa Kuya Hiro niya at yumakap. "Thank you!" malambing niyang sabi pagkatapos, paulit-ulit na hinalikan sa magkabilang pisngi ang kapatid.

Gunulo-gulo naman ni Hiro ang buhok ni Galina. Hindi ito tiyak sa naging desisyon pero nagpasya itong sumugal. "Can I really trust you, Gala?"

"Of course!" Inalis ni Galina ang kamay ni Hiro na nakapatong pa rin sa ulo niya.

"Just promise me one thing. Be okay."

"I will be," tugon ni Galina, saka nakipag-pinky swear. Inihilig niya ang ulo sa balikat ni Hiro at ipinulupot ang mga braso sa braso nito. "Nagustuhan mo siya, noh?"

Tumango si Hiro. "He's a decent man. Unfortunately, masyadong maiksi ang oras na binigay sa kaniya," he uttered with quiet empathy.

"I-e-extend ko ang buhay niya. I'll make sure to make him laugh everyday. Laughter is the best medicine, remember?" Galina said enthusiastically.

Matipid na ngumiti si Hiro at inakbayan si Galina. "You really need to work hard on that. Mukhang ang hirap pa namang patawanin ng boyfriend mo."

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon