EPILOGUE

13 2 0
                                    

EPILOGUE

NATAHIMIK ang lahat pagkatapos marinig ang mahabang pagsasalaysay ni Richy sa kuwentong naging inspirasyon niya sa pakikipagbaka sa kaniyang sakit. Bakas ang lungkot sa mukha ng mga kasamahan niya samantalang siya naman ay hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi. Tiningnan niya si Mrs. Sol, nakangiti man ay mababakas pa rin ang lungkot at panghihinayang sa mga mata nito.

"So, she died after giving birth to her child?" mahina at nalulungkot na tanong ng isa sa mga kasamahan niya. Si Juvy, isa ring cancer patient.

Tiningnan niya ito at ang iba pa, saka nakangiting inilingan. "She lived. She's a fighter just like Richard. She raised her child well and they had lived their life happily and contented."

Pumuno sa loob ng silid ang sabay-sabay na pagbuntonghininga at tawa ng mga nakarinig sa kwento niya. Tuwang-tuwa ang mga ito na malamang buhay si Galina at nagpalakpakan.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Richy sa loob ng bulsa ng pantalon niya. Tiningnan niya iyon at nakitang may message siya mula sa kaniyang tito. Nasa labas na raw ito ng building para sunduin siya.

Bagama't hindi pa tapos ang kasiyahan ay nagpaalam na si Richy kay Mrs. Sol at sa mga kasamahan niya na aalis na. Hindi na rin naman siya pinigilan ng mga ito dahil naipaliwanag na niya na may isa pa siyang importanteng dapat puntahan.

Abot tainga ang ngiti ng kaniyang tito nang makita siyang lumabas na ng gusali. Sinalubong siya nito at sandaling niyakap.

"Kumusta? Nakapagpaalam ka ba nang maayos sa mga kaibigan mo?" tanong nito nang humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya.

Nakangiti niya itong tinanguan. "Opo, Tito. Masaya silang lahat para sa akin."

"That's nice," tumatangu-tango namang tugon nito sa kaniya. "Sige, tara na't kanina pa tayo hinihintay ng mommy mo sa sementeryo," nakangiti nitong dagdag pagkatapos, iginiya na siya patungo sa kotse.

Iyon ang plano nila para sa araw na iyon. Pagkatapos niya sa institution ay dadaan sila sa sementeryo. At pagkatapos naman doon, didiretso na sila ng tito niya sa airport. Sa araw din kasing iyon nakatakda ang flight nila papuntang America.

Habang nasa biyahe, hindi maawat ni Richy ang sarili sa pagngiti. Sabik na siyang kaharapin ang panibagong yugto ng buhay niya sa America. Sabik na siyang sumubok ng mga bagong bagay. Sabik na magkaroon ng mga bagong kaibigan.

Pagkaraan ng halos kalahating oras, narating na nila ang sementeryo. Pagkababa ng kotse ay awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ni Richy nang matanaw ang tatlong tao sa gitna ng malawak at kulay berdeng libingan. Presko rin ang hangin dahil maraming puno sa paligid.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya nang matanaw ang mommy niya. Bago pa man niya ito matawag ay lumingon na ito sa kanila ng tito niya at nakangiting kumaway.

Kahit na bahagya nang pumuti ang buhok at medyo may wrinkles na ay hindi pa rin iyon naging hadlang para hindi makita ang taglay nitong ganda.

"Biboy! Hiro! Kanina pa namin kayo hinihintay!" masaya at malakas nitong sabi. Sinenyasan sila nito ng tito niya na lumapit na. Nilingon na rin sila ng mga kasama nito.

Inakbayan siya ng Tito Hiro niya at sabay na silang lumapit sa kanila.

"Mommy Cora, 'di ba sabi ko Richy na lang po? Huwag nang Biboy," nakangiwi niyang sabi nang huminto sa harapan ng Mommy Cora niya—lola niya ito pero dahil sa nakakatanda raw ang lola ay mas gusto nitong tawaging mommy.

"Bakit naman? Biboy is fine. After all, you are our big boy now," tatawa-tawa namang sabi ng Tito Kiko niya na best friend ng mama niya. Inakbayan siya nito at ginulo-gulo ang buhok.

Iiling-iling namang natawa ang mommy niya. "Parehong-pareho talaga kayo ng papa mo. Ayaw na ayaw ninyong tinatawag sa palayaw na binigay sa inyo ng mama mo. Alam mo ba na sobrang naiinis ang papa mo kapag tinatawag siyang Richy ng mama mo?"

Natawa siya at tumango. Paulit-ulit iyong kinukuwento sa kaniya noon ng Mama niya.

"Madalas niya nga pong ikuwento 'yan noon," sagot niya pagkatapos, bumaling siya sa babaeng nakatayo sa tabi ng Tito Kiko niya. Nginitian niya ito. "You seem quiet."

"Ewan ko diyan sa Tita Chary mo, may importante raw na sasabihin. Sabi ko sabihin niya na sa akin pero saka na raw kapag kumpleto na tayo," ang mommy Cora niya ang sumagot. Bumaling ito kay Chary. "Ano ba 'yon?"

Nagkagat-labi naman ang Tita Chary niya at namumula ang pisngi na may kinalkal sa loob ng bag. Pagkaraan ng ilang sandali, may inilabas itong isang makapal na libro. Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila nang mabasa ang pamagat ng libro. End up with you.

"Yes, tama ang iniisip ninyo. Published author na ako!" tumitili at pumapadyak-padyak nitong balita sa kanila. Binati naman nila ito at niyakap.

Masaya si Richy para sa Tita Chary niya. Natupad na nito ang pangarap na maging isang published author.

"Salamat kay Ate Gala, siya ang naging inspirasyon ko para ituloy ko ang librong 'to..." Nakangiti at naluluha silang tiningnan isa-isa ng Tita Chary niya. "Sayang nga lang, hindi niya na nakita 'to."

Malungkot ang ngiting nagkatinginan silang lahat. Pagkatapos, yumuko sila at tiningnan ang puntod sa kanilang harapan. In loving memories of Richard Dela Merced and Galina Dela Merced.

Natahimik ang lahat at tila ba binalot sila ng kalungkutan.

Yumukod si Richy at nakangiting hinaplos ang larawan ng Mama at Papa niya sa lapida. "Huwag kayong malungkot. They're just sleeping."

Isang taon na ang nakararaan mula nang namahinga ang Mama Gala niya. Nakakalungkot pero alam niya na hanggang doon na lang talaga ang kaya ng mama niya. Katulad ng Papa niya, ginawa nito ang lahat para labanan ang sakit niya.

Galina did her best to become the kind of mother Richy deserves. Walang kapantay ang pagmamahal at pag-aaruga na inialay nito sa anak. She became his strength, his best friend, his comrade while battling with the same illness that took his father's life.

She smiles a lot to everyone. Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit ito gusto ng lahat. Subalit sa kabila ng sayang ipinapakita nito, ramdam ni Richy na may bahagi sa puso niya na taliwas sa emosyong ipinapakita niya sa kanila.

He knew that she misses him. He knew that she remembers his face, his voice, and every memory she had with him. And the more she remembers, the more her scars go deeper. Walang anuman o sinuman ang makapapawi sa sakit na nararamdaman niya. Hindi iyon kayang takpan kahit na ng pagmamahal ng sarili niyang anak. At hindi nga naglaon, dahil do'n ay tuluyan nang bumigay ang puso niya.

"Magaling na po ako, Ma... Pa," nakangiti subalit lumuluha na sabi ni Richy. Malungkot siya sa pagkawala ng mga magulang subalit pipilitin niyang maging masaya para sa mga ito. "Salamat po sa pagmamahal ninyo sa akin..." Mula sa Tito Kiko niya, kinuha niya ang dalawang bouquet ng mga puting rosas at inilapag ang mga iyon sa puntod ng mga magulang. Kasabay ng pagpahid niya sa mga luha, nginitian niya ang mga ito. "Happy wedding anniversary po... Hanggang sa muli nating pagkikita."

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon