Chapter 9

39 8 11
                                    

CHAPTER 9

(Richard's P.O.V)

"I'M SORRY, can you say that again, dear?" alanganin ang ngiting tanong ni Mama kay Galina.

Tiningnan ko nang masama si Gala at sinenyasan na manahimik na ngunit hindi ulit siya nakinig.

"I like your son," ulit niya sa sinabi kanina at this time tumuro pa siya sa akin. "I like him."

Laglag ang pangang nagpalipat-lipat ang tingin ni Mama sa amin pagkatapos, tumangu-tango siya at natawa. "You're indeed a funny girl, Gala."

Nakangiti namang umiling-iling si Gala. "Seryoso po ako, Tita. Gusto ko si Chad," sabi niya dahilan para unti-unting maglaho ang ngiti ni Mama.

Nagtatanong ang tinging bumaling sa akin si Mama.

"Don't listen to her, she's crazy," sabi ko, saka bumaling kay Gala at pinandilatan ito.

"Yeah, crazy for you," hirit naman niya.

"Shut up, Gala!" inis kong singhal. Napatingin ako kay Mama nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. Inilingan niya ako bago bumaling kay Gala.

"Umm... Gala, aware ka ba sa kondisyon ni Chad?" matipid at nag-aalangan ang ngiting tanong niya.

Mabilis namang tumango si Gala. "Opo, and ilang araw ko ring pinag-isipan ito. You're son got my interest. I want to know him more regardless of his illness."

"Gala, tama na," pikit-matang saway ko sa kaniya habang nakapatong ang aking siko sa mesa at sapo ang aking noo.

"Tita, hihingin ko sana ang permiso niyo para ligawan ko si Chad," sabi pa ni Gala kay Mama.

Napaawang na namang muli ang bibig ni Mama dahil sa mga kabaliwang lumalabas sa bibig ni Gala. Tiningnan ako ni Mama na para bang sinasabing magsalita ako. Kinuha niya ang isang basong tubig sa tabi at deretsong ininom iyon.

Hindi ko na alam ang dapat ko pang sabihin para tumahimik si Gala. Liligawan? Ako? Ano'ng klaseng kabaliwan ba ang tumama sa utak niya?

"Sigurado ka na ba, Gala?" tanong ni Mama.

"Ma, talaga bang paniniwalaan mo ang kahibangan niya?" inis kong tanong kay Mama bago ako bumaling kay Gala. "Hindi pa ba sapat sa'yo, Gala, na ako lang ang pinagtitripan mo? Pati ba naman ang pamilya ko plano mo pang idamay?"

Inirapan ako ni Gala. "Alam mong hindi ako nagbibiro, Chad," seryoso niyang sabi pagkatapos, tiningnan niya si Mama. "Huwag po kayong mag-alala, Tita Cora. Kung hindi po kayo payag hindi naman ako magpupumilit. I'm just doing this kasi sa tingin-tingin ko, wala naman pong plano 'yang anak mo na ligawan ako. So, I've decided to do it myself... Pero sana bago niyo po ako tanggihan, bigyan niyo ako ng chance...

"I'm funny and intelligent. I also have a pleasing personality po. Hardworking, mapagtimpi, at mapagtiis. Kayang-kaya ko pong pagpasensyahan ang kasungitan ng anak niyo. Promise, hindi po kayo magsisisi kung papayagan niyo ako."

"Gala, please, just leave." Mariin ko siyang tiningnan sa mga mata. "Ayoko sa'yo."

Tiningnan ako ni Gala nang may kakaibang ngiti sa labi. "Saka mo na sabihin 'yan kapag nakilala mo na talaga ako."

Buwisit talaga ang babaeng 'to.

"Alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol dito, Gala?" nag-aalalang tanong ni Mama kay Gala.

"Matagal na pong patay ang parents ko and kung buhay man sila ngayon, hindi rin nila ako mapipigilan sa desisyon ko." Seryosong tiningnan ni Gala si Mama. "Ayaw niyo rin ba sa akin, Tita?"

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon