Chapter 15

21 8 9
                                    

CHAPTER 15

NAPALUNOK at bahagyang naitaas ni Richard ang mga braso nang bigla siyang niyakap ni Galina. Rinig niya rin na may sinasabi si Milan subalit hindi niya iyon maintindihan dahil higit na nangingibabaw sa pandinig niya ang tunog ng nagririgodon niyang puso. Nalilito siya at hindi niya magawang pangalan ang kakatwang nararamdaman sa pagkakataong iyon.

"Akala ko talaga hindi na kita makikita..." Nakangiti siyang tiningala ni Galina habang nakapulupot pa rin ang mga braso nito sa baywang niya. "It's good to see you again, Chad,"

Naiilang na iniiwas ni Richard ang tingin at kumawala na sa yakap ni Galina. "Kumusta?" Sa dinamirami ng mga nais niyang sabihin kay Galina ay iyon lamang ang salitang lumabas sa bibig niya.

"I'm fine," sagot ni Galina, saka naupo sa bakanteng upuan, sa pagitan nila ni Milan. "Bakit ka nga pala nandito? Kilala mo si Lolo Celso?"

Naupo na ulit si Richard at tinuguan si Galina. "Lolo mo si Coach Celso?" tanong niya.

Tumango naman si Galina bilang sagot. "So, naging student ka pala niya. Small world!"

"Ano'ng ikinamatay ni Coach?" tanong ni Richard.

"Namatay siya dahil sa paninigarilyo," si Milan ang nagsalita. Pareho namang napalingon dito sina Galina at Richard. Nakakunot ang ilong na nginitian sila ni Milan. "He made a very big mistake. Imbes na 'yong filter ang mahithit niya, 'yong upos mismo ng sigarilyo ang nahigop niya. Tragic, isn't it?" sabi pa nito dahilan para humagalpak nang tawa si Galina. Nakipag-apir pa ito kay Milan at tumangu-tango na tila ba sumasang-ayon dito.

"Sigurado akong pauulanan ka ng sermon ni Lolo kung narinig niya 'yon," tumatawa namang sabi ni Galina kay Milan.

Nakaawang naman ang bibig na nagpalipat-lipat ang tingin ni Richard sa dalawa. Kahit kailan talaga ay hindi niya maiintindihan ang sense of humor ng mga ito. Napailing-iling na lamang siya at tinanaw ang kabaong na nasa loob ng bahay.

"I feel so bad for you, Coach Celso," umiiling-iling na bulong sa hangin ni Richard.

Kung anu-ano pa ang pinagkwentuhan nina Galina at Milan. Si Richard naman ay nakikinig lamang sa mga ito.

"Chad," tawag ni Galina kay Chad nang makatulog na sa tabi ang pinsang si Milan. Naglinya ito ng mga monoblock sa tabi at doon na nahiga.

"Bakit?" tanong ni Richard habang nilalantakan ang maning binigay sa kaniya ni Milan kanina.

"Aren't you wondering?" nakangiting tanong ni Galina.

Agad na namang napakunot ng noo si Richard. "Wondering about what?"

Nakairap namang pinagkrus ni Galina ang mga braso at taas ang kilay na tinitigan si Richard. "Everytime ba talaga na titingnan mo ako ay kailangang nakasimangot ka?" nakasimangot na tanong niya, saka napabuga ng hangin. "Anyway, mabalik tayo sa tanong ko. Hindi ka ba nagtataka?"

"Nagtataka nga saan?" Inip na tinitigan ni Richard si Galina. Habang lumilipas ang mga segundong nakatitig siya rito ay gano'n na lang ang pagbilis at paglakas ng tibok ng kaniyang puso. Napalunok siya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Bakit ba hindi niya na magawang makipagtitigan nang matagal dito?

"Dito. Hindi mo napansin? Palagi na lang tayong pinagtatagpo ni kamatayan," nakangiting sabi ni Galina sabay kindat kay Richard.

Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Richard. Baka naman tadhana ang ibig niyang sabihin?

"Kamatayan?" naguguluhang tanong ni Richard.

Galina nodded. "Oo, kamatayan. Noong una, do'n sa pinsan mong si Ethan. Tapos ngayon naman kay Lolo! Di ba? Maybe destined talaga tayo sa isa't isa." Tumingala ito at hinimas-himas ang baba na tila ba nag-iisip nang malalim. "Now I'm wondering kung kanino kayang burol tayo sunod na magkikita. Tingin mo, sinong sunod na mamamatay?"

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon