Chapter 44

4 2 0
                                    

CHAPTER 44

NAPAHINTO si Galina sa paglalakad nang makita si Richard na nagbabasa sa loob ng library. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na walang pasok ngayon ang Elementary Department kaya tiyak niyang hindi ganoon ka-busy ngayon ang kasintahan.

Nagpasya siyang pumasok sa loob at naupo sa kasalungat nitong table.

Habang pinanonood ito na wala pa ring kamalay-malay sa presensya niya, hindi niya maiwasang alalahanin ang tungkol sa kondisyon nito.

Magmula noong insidenteng hinimatay si Richard ay napadalas na ang pananakit ng ulo at likod nito. Dahil dito, mas naghigpit na sila ng ina nito sa pagbabantay, lalong-lalo na sa check-ups at sa pagpapainom sa mga gamot nito.

Malapit na ang oras ng susunod niyang klase subalit imbes na magmadaling pumunta sa classroom ay nagpasya siyang lapitan si Richard.

"What are you reading?" tanong niya bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi nito.

"Why are you here? Hindi ba may pasok ka ngayon?" balik na tanong sa kaniya ni Richard na nakatuon lamang ang mga mata sa librong binabasa.

"Wanna hang out with me?"

Nakakunot na isinara ni Richard ang libro at bumaling sa kaniya. "There you go again. Katatapos lang ng suspension mo tapos ngayon mag-ka-cutting ka na naman."

"Wanna hang out with me?" ulit niya at hindi man lang pinansin ang pangaral ni Richard.

"Magagalit ang kuya kapag nalaman niya na panay bulakbol ka lang. Magsipag ka naman sa studies mo, Gala." Marahas na bumuntonghininga si Richard pagkatapos, napatitig sa libro. Pagkaraan ng sandaling pananahimik, isinilid na nito sa bag ang libro at muli siyang tiningnan. Nakasimangot subalit may ibang mensaheng ipinahihiwatig ang mga mata. "Saan ba tayo pupunta?"

*****

"PWEDE namang doon na lang tayo sa convenience store sa tapat ng university bumili ng ice cream, bakit dito pa sa mall?" nakakunot na tanong ni Richard habang pinanonood si Galina sa pagkain. Sa halip na sagutin siya, iginala lang ni Galina ang paningin sa mga food stall sa gilid ng food court upang maghanap ng pwede pa nilang makain. Kinatok niya ang mesa sa pagitan nila upang kunin ang atensyon nito. "Gala? Are you listening?"

"Ano'ng gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa kaniya nito.

May ngisi sa labi na napasandal siya sa kinauupuang bench na yari sa bakal. Dismayado. "Nakikinig ka nga."

Napaangat siya ng tingin nang biglang tumayo si Galina. "Pupunta lang ako ng restroom. Dapat pagbalik ko nakapag-decide ka na kung ano'ng kakainin natin." Pagkatapos, iniwan na siya nito.

Napailing na lamang siya habang sapo ang noo.

*****

PALABAS na si Galina sa cubicle nang may narinig siyang umiiyak sa katabi niyang cubicle. Gusto niya sanang tanungin kung ayos lang ba ito ngunit nagpasya siyang huwag na lamang makialam.

She was washing her hands at the sink when the other cubicle finally opened. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang ang ina ni Richard ang lumabas doon.

"Tita Cora?" Agad niyang nilapitan ang ginang na labis na namumugto ang mga mata.

Sa isang iglap, bigla itong napaluhod at humagulhol nang makita siya. Napansin niya ang hawak nitong brown envelope. May tatak iyon ng pangalan ng ospital kung saan nila pinatitingnan si Richard. Yumakap sa kaniya si Cora. "Gala, ano'ng gagawin natin?"

*****

HINDI na mapakali si Richard sa kinauupuan habang iginagala ang paningin. Halos kinse minutos na ang lumipas mula nang nagpaalam si Galina na pupunta ng banyo subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Sinubukan niya itong tawagan subalit hindi rin ito sumasagot.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon