Chapter 5

44 7 11
                                    

CHAPTER 5

(Galina's P.O.V)

"PAANO Gala kung patay na talaga si Richard?" tanong ni Mimi habang pinupunasan niya ng tissue ang mga luha sa kaniyang pisngi. This girl is overreacting. I'm sure umuwi lang iyon si Richard sa kanila. Why would she think na patay na ito dahil lang sa hindi na ito bumalik sa apartment?

Nagpalitan kami ng tingin ni Earl. Kararating lang nito galing sa kaniyang trabaho, sa call center. Sumabay na ito sa amin ni Mimi na mag-dinner nang marinig na pinag-uusapan namin si Richard.

"Masyado ka lang advance mag-isip, Mimi," sabi ko habang ginagalaw-galaw ang pagkain sa pinggan ko gamit ang tinidor. Hindi ko alam kung bakit ko ba iyon sinabi kahit na hindi ko pa naman talaga alam ang buong detalye ng mga nangyari rito sa apartment habang wala ako. Maybe iyon lang ang gusto kong paniwalaan.

Ayon kay Mimi, natagpuan daw ni Earl noong Sabado si Richard na walang malay sa CR. Pagkatapos itong maisugod sa ospital, hindi na ito bumalik at wala na rin silang balita. Kahit daw ang landlady namin ay hindi na alam kung nasaan na ito.

Pero para sa akin, I think there's a big chance na kinuha na ito ng pamilya niya kaya hindi na ito bumalik dito sa apartment. Kasi nga may sakit ito.

"Wala ka kasi rito, Gala eh." Umayos ng upo si Mimi bago bumaling sa 'kin. She's desperate to make me believe what she's saying is true. "No'ng inilabas ni Earl si Richard sa CR, kakaiba 'yong hitsura niya!"

"Gaano kakakaiba?" I grinned trying to lighten the mood. "Mas gumuwapo ba?"

Minura ako ni Mimi at inis na inirapan. "I'm serious, Gala... Malinaw pa sa alaala ko 'yong hitsura niya. Nang ilabas siya ni Earl, naliligo siya sa sariling pawis at wala ng kakulay-kulay ang balat. Mukha ngang hindi na siya humihinga."

Kaagad na naglaho ang ngiti ko. I stared at her for a second and then lumipat ang tingin ko kay Earl. My eyes are asking him if what she's saying is true.

Alanganin ang ngiting umiling-iling si Earl. "Huwag ka masyadong magpapaniwala kay Mimi. Magtiwala ka buhay pa 'yong Richy mo," sagot niya sabay inom ng tubig. "Kahit papaano'y kilala rin naman natin si Richard. We all know na masyado siyang private at malihim sa personal na buhay."

What he said was right. But for some reason it seems like I can't trust his words. He looks uneasy and unconfident.

"How sure are you? We don't even know kung nasaan siya ngayon," seryosong tanong ni Mimi kay Earl. "Wala ka kasi kahapon dito Earl eh. Hindi mo nakita ang lahat."

"May nangyari na naman kahapon?" nakakunot at halos magkasabay naming tanong ni Earl.

"Pumunta rito ang mama ni Richard at kinuha na lahat ng mga gamit niya..." Biglang tumingin-tingin sa paligid si Mimi na tila ba nag-iingat na hindi siya marinig ng iba. And then she continued. "Gusto ko sanang kumustahin sa kaniya si Richard kaso napansin kong balisa siya. Tapos heto pa ha, narinig ko siyang umiiyak sa loob ng kwarto ni Richard. Nang sumilip ako, nakita ko siyang nakasubsob sa kama habang yakap-yakap 'yong puting shirt ni Richard. Ano sa tingin niyo ang ibig sabihin n'on?"

Nagkatinginan ulit kami ni Earl. Natahimik kami pareho. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko rin ay isusuka ko ang mga kinain ko. Tuluyan na akong nilamon ng pag-aalala.

Patay na ba talaga si Richard? But why?

"May number ba kayo ni Richard? What about social media? Alam niyo ba ang account niya?" tanong ko pero pareho lang silang umiling. "Wala na ba talaga tayong ibang paraan para malaman kung okay lang siya?"

Bumuntonghininga si Mimi. "Wala, kahit nga si Madame walang ideya eh," patungkol niya sa landlady namin.

Pagkatapos niyon ay binalot na kami ng katahimikan. Para akong mapapraning dahil sa pananahimik nila. So, that's it? Mag-se-settle na lang kami sa conclusion na patay na si Richard? I don't want to believe it. I'm not that close to him pero bumibigat ang dibdib ko kapag iniisip kong wala na siya.

"Seryoso ka ba kay Richard o biro lang talaga para sa 'yo ang lahat ng mga nangyari nitong nakaraan?" biglang tanong sa akin ni Earl.

Napalunok ako at nag-isip... Of course not! I was just fooling around!

"Hindi noh! I was just messing up with him. That's all."

"Then, bakit para ka nang broken hearted diyan?" may bahid panunuksong tanong nito.

"I knew it! I've seen this so many times! Marami talagang nahuhulog diyan sa mga ganiyang klaseng biruan," sabad naman ni Mimi na mukhang nakabawi na sa lungkot.

"I'm not broken hearted, okay? I'm just worried. Hello? Ka-boardmate natin si Richard. Hindi ba natural lang na mag-alala ako? Tayo!" katwiran ko na kaagad namang sinang-ayunan kuno ni Earl. Napasimangot ako nang magtinginan sila ni Mimi nang may kabuluhan. I know they're implying something. "Diyan na nga kayo!" singhal ko sabay tayo at nagmartsa palabas ng bahay.

*****

"THIS is crazy! Nasaan na ba talaga ang lalaking 'yon?" Naiinis kong ipinatong ang cell phone ko sa table na pinagkakainan namin ni Earl. Sinundan ako nito sa fastfood chain nang umalis ako ng apartment. Hindi na raw sumama si Mimi dahil matutulog na ito.

"Wala pa rin?" tanong ni Earl matapos sumubo ng fries.

Halos hindi ko nagagalaw ang pagkain ko dahil kanina pa ako scroll ng scroll sa social media. Hinahanap si Richard. "Negative," I answered.

Kung saan-saang social media platforms ko na siya hinanap pero hindi ko pa rin siya mahanap. Richy naman, are you really dead?

Dinampot ko ulit ang phone ko at kunot-noong sinulyapan si Earl.

"Sure ka ba, Earl? Richard Dela Merced talaga ang complete name ni Richy?"

"Oo nga," tinatamad na sagot nito habang nilalantakan naman ngayon ang fried chicken.

Kinalkal ko ulit ang social media ko at sinimulang hanapin ulit si Richard. I don't know but I just can't give up.

"Kainis! Bakit ang daming Richard Dela Merced?" reklamo ko nang bumungad sa akin ang napakaraming Richard Dela Merced.

Inisa-isa ko ang mga profile na may pangalang Richard Dela Merced at legit na nakakawindang ang mga nakita ko. May mga matatanda, may bakla, at mayroong mukhang serial killer.

Bagsak ang mga balikat at mabigat ang hiningang ibinaba ko na ulit ang phone ko at itinuon na lang atensyon sa pagkain.

"Just forget about him, Gala. Mag-move on ka na."

Move on? Why do I have to do that?

"Earl, hindi nga ako broken. I'm just sad. Kayo ba hindi? Mas matagal ninyo siyang nakasama kumpara sa 'kin ah."

Saglit na binitiwan ni Earl ang kaniyang kutsara't tinidor pagkatapos, seryoso akong tiningan.

"Nalulungkot din naman ako siyempre. Pero ganito kasi 'yon, Gala... Hindi naman kami masyadong na-attach sa kaniya. Mailap siya sa 'min kaya hindi namin siya naka-close. Ikaw lang naman 'tong nakakasundo niya sa 'tin eh."

"Nakakasundo? Nagpapatawa ka ba? Eh, lagi nga akong sinusungitan n'on!"

"That's it! Sa 'yo na mismo galing. Sinusungitan ka lang ni Richard, so, huwag mo na siyang alalahanin masyado. Just go on with your life," sabi ni Earl, saka nagpatuloy na uli sa pagkain. "Stop acting like you're in love with him."

Inismiran ko si Earl at hindi na nagsalita pa. I don't want to argue with his nonsense anymore. In love? Kalokohan!

Bakit ba kasi ako nag-aaksaya ng oras sa pag-iisip sa kaniya eh wala naman kaming koneksyon sa isa't isa? What's wrong with me?

Umiling-iling ako at sinubukan nang palisin si Richard sa isip ko. Fine, this will be the last time na iisipin kita, Richard. Wala kang karapatan na mag-stay sa utak ko. Isa ka lang estranghero na nakidaan sa buhay ko. At iyon lang iyon. Period.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon