Chapter 16

19 5 2
                                    

CHAPTER 16

TAHIMIK lamang sina Richard at Galina habang magkatabing nakasakay sa bus. Sumama kay Richard si Galina dahil gusto nitong sorpresahin ang kaniyang ina at kapatid na si Chary.

Mas pinili ni Richard na maupo sa tabi ng bintana upang makalanghap ng hangin at para na rin ituon ang mga mata sa labas. Pilit niya kasing iniiwasan na magtama ang mga mata nila ni Galina sa takot na baka matunugan nito ang kakatwang nangyayari sa kaniya. Ngayon pa nga lang na magkatabi lang sila sa upuan ay halos kumawala na ang puso niya, paano pa kaya kung magkakatitigan sila nang mas malapitan?

Bigla siyang napausog nang magbanggaan ang mga siko nila ni Galina. Libu-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kaniyang katawan dahil do'n. Natutop niya ang tapat ng kaniyang dibdib sa pangamba na baka marinig iyon ni Galina. Hindi niya maiwasang mapamura sa isipan dahil sa hindi niya maipaliwanag na nangyayari sa sarili.

"Ayos ka lang?" biglang tanong ni Galina. Nilingon niya ito at napansin ang pag-aalala sa mukha nito. Nagulat siya nang walang pasabi nitong idinampi ang palad sa kaniyang noo. "Bakit ka pinagpapawisan?! Namumutla ka rin!" gulat na tanong pa nito.

He absentmindedly touched Galina's hand and held it for a moment. Then reality hits him. He immediately let go of her hand and casually avoided his gaze with her. "Okay lang ako."

Agad na humaba ang nguso ni Galina. "Naiinis ka ba sa 'kin dahil sa university niyo ako nag-enroll?"

"Bakit nga ba dito mo pa sa 'min naisipang mag-enroll? Marami namang paaralan doon sa inyo ah," sabi niya nang hindi man lang ito nililingon.

"Ano'ng klaseng tanong 'yan? Talaga bang hindi mo alam or nagmamaang-maangan ka lang? Kailangan ba talagang sabihin ko pa sa 'yo word for word?" Galina crossed her arms tightly. "My God, Richy! I thought you're smart!" nakairap nitong sabi. Saglit naman itong tiningnan ni Richard bago muling itinuon ang tingin sa labas ng bintana. "Wala na 'tong atrasan, Chad. Enrolled na ako," dagdag pa ni Galina, saka inihilig ang ulo sa braso ni Richard. Tiningala siya nito. "Hindi ka ba talaga masaya na dito na ako mag-aaral? Gano'n na lang ba talaga katindi ang pagkaayaw mo sa akin?"

Pigil-hininga namang tinitigan ni Richard si Galina sa mga mata. "Bakit kailangan mong itanong 'yong obvious?" nagtatapang-tapangan niyang sabi.

Padabog na umupo nang tuwid si Galina at inirapan siya. "I'm telling you, pagsisisihan mo itong mga araw na pinagtatabuyan mo ako, Chad. Mark my word."

"You wish," pilit siyang ngumisi sa kabila ng matinding epekto sa kaniya ng presensya nito. Nagulat siya nang bigla na lang umangat sa upuan si Galina at humarap sa kaniya. Inilapit nito ang mukha sa kaniya at ibinalandra ang tila nanunudyo nitong ngisi. Napasiksik naman siya sa tabi ng bintana dahil sa sobrang lapit na nito sa kaniya.

"Kung ayaw mo talaga sa akin, bakit ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib mo?" tumataas-taas ang mga kilay na tanong ni Galina.

Napalunok siya. Gano'n ba kalakas ang tibok ng puso niya para marinig nito?

Tinulak niya si Galina dahilan para mapaupo ulit ito. "A-an-ano bang kalokohan 'yang sinasabi mo?!" Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi.

Humalakhak naman si Galina at kinurot siya sa pisngi. "You're so cute!"

"Tumahimik ka nga. Pinagtitinginan na tayo ng ibang mga pasahero," saway niya subalit hindi ito nagpaawat.

Sobrang natutuwa si Galina habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ni Richard. Ang totoo'y binibiro niya lamang ito subalit dahil sa naging reaksiyon nito ay mas ginanahan pa siyang asarin ito.

Malambing niyang kinurot-kurot ulit ang pisngi ni Richard. "Come on, Richy. Don't be shy. Normal lang 'yang nararamdaman mo." Sumandal uli siya rito. "We call that infatuation."

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon