Chapter 31

2 2 0
                                    

CHAPTER 31

HIRO was enjoying his leisure time while reading the book her younger sister wrote. He paused when he suddenly heard the screeching sound of the door. He glanced to its direction. His eyes widened when he saw Galina came in.

"Akala ko bukas ka pa darating?" Tumayo siya mula sa sofang kinauupuan at sinalubong  ang kapatid nang mahigpit na yakap. "Naghapunan ka na ba?" tanong niya, saka hinawi ang buhok nitong bahagyang tumakip sa mukha.

"Ayaw mo n'on, Kuya? Mas matagal tayong makakapag-bonding," masiglang sabi ni Galina saka muling yumakap sa kaniya.

"Aba, bakit parang ang lambing mo naman yata ngayon? May ginawa ka na namang kalokohan noh?" Sinipat niya ang kabuuan ng kapatid at marahang kinurot sa magkabilang pisngi.

Agad namang napasimangot si Galina. "Grabe ka naman sa 'kin!" singhal nito, saka pabirong hinampas siya sa dibdib at tumawa. "Nagugutom na ako, Kuya," malambing nitong sabi.

Inakbayan niya ng kapatid at iginiya na papuntang kusina. "Tara at ipagluluto kita."

*****

TAHIMIK lamang na nakaupo si Galina sa hapag-kainan habang pinapanood ang Kuya Hiro niya na abala sa pagluluto ng paborito niyang sarili nitong recipe ng spaghetti.

"Kumusta ka rito, Kuya Hiro? Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang?" Nilaro niya ang mga kubyertos na nakalagay sa kaniyang pinggan.

"Hindi naman masyado. Madalas namang dumalaw si Lolo," pabirong tugon sa kaniya ng kapatid.

"Paano? Umalis si Lolo sa puntod niya tapos pumunta rito?" she mumbled. "Sana sinabi mong dalawin niya rin ako roon sa Duncan Mills," isinandal niya ang likod sa upuan at taas ang kilay na tiningnan ang kapatid.

Natatawang umiling-iling ang kuya niya. "Kumusta sa school? Hindi mo naman siguro sinasayang ang mga ipinapadala ko, ano? Naku Gala, talagang tatamaan ka sa akin kapag nagkagano'n."

Napangiwi siya nang biglang naging seryoso ang tono ng pananalita ng kuya niya. Mabait ito subalit halos kasing bagsik ng Lolo Celso niya kapag nagagalit.

"Parang maniniwala na akong dumadalaw talaga rito si Lolo. Mukhang nakasapi siya sa 'yo ngayon eh," she crossed her arms and heaved a sigh.

Tinatamad naman siyang nilingon ng Kuya Hiro niya. "I'm serious, Galina. Magseryoso ka na sa pag-aaral. Hindi ka na bata."

"Opo," she pouted.

Unti-unti na uling ngumiti ang kaniyang Kuya. "Good." Muli na nitong ibinalik ang atensyon sa pagluluto.

Pinasadahan ni Galina ng tingin ang buong kusina. Nagitla siya nang biglang nag-ring ang kaniyang cell phone sa bulsa ng kaniyang suot na denim shorts. A small smile curved on her lips when she saw Richard's face on the screen. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at inalala ang nangyari kanina sa bus station.

Hindi na maawat sa pagpatak ang mga luha ni Galina habang papaalis na ng terminal ang kaniyang sinasakyang bus.

"Neng, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa kaniya ng katabing matandang babae. "May masakit ba sa 'yo?"

Pinunas niya ang kaniyang mga luha at tiningnan ang matanda. Sasagutin niya na sana ito nang may naulinigan siya. Napalingon siya sa bintana at nakita si Richard sa labas.

"Gala!" sigaw ni Richard habang aligaga sa paghahanap sa kaniya sa mga bus na nakaparada.

Natutop niya ang kaniyang bibig at mas lalo pang napaiyak. Labis-labis na kaligayahan ang kaniyang nararamdaman. Buong akala niya ay hindi na talaga ito darating. She bit her lips to refrain herself from crying.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon