Chapter 54

3 2 0
                                    

CHAPTER 54

"MAG-IINGAT kayo, ha?" paalala ni Mama Cora, saka parehong niyakap nang mahigpit sina Richard at Galina na paalis na ngayon ng bahay para pumasok sa kanilang university. "Ma-mi-miss ko kayo."

Kumalas na si Richard sa pagkakayakap sa ina habang si Galina naman ay nanatili pa ring nakayakap dito. Sa tagal ng panahong naulila siya, ngayon lamang niya ulit naramdaman ang magkaroon ng magulang na nagmamahal sa kaniya.

"Si Mama talaga, uuwi naman po kami after ng klase namin," sabi ni Galina bago kumawala sa yakap ng ginang. Nagtaka siya nang makitang naluluha ito. Bago pa man siya makapagtanong ay mabilis na nitong kinusot ang mga mata at nakangiting tiningnan ulit sila ni Richard. Iginiya na sila nito sa kotse.

"Sige na, baka mahuli pa kayo."

Wala na siyang ibang nagawa kundi sumakay nang binuksan na ng asawa ang pinto ng kotse. Komportable siyang naupo sa shotgun seat. Nakangiti niyang pinasadahan ng tingin ang loob ng kanilang sasakyan. Nabili nila ang secondhand na kotse sa tito ni Kiko.

Napalingon siya kay Richard nang sumakay na ito at naupo sa driver's seat. Nagpaalam na ito sa ina pagkatapos, tuluyan nang pinaandar ang sasakyan at saka umalis.

"May problema ba si Mama?" takang tanong niya nang lumiko sila sa intersection. Naguguluhan siya sa naging reaksyon nito kanina.

"Alas-kwatro ang end ng klase mo ngayon, 'di ba?" tinanong lang din siya ni Richard sa halip na sagutin ang tanong niya. Napabusangot siya. Hindi siya tanga para hindi maramdaman na may tinatago ito at ang Mama Cora nila.

"What is it?" Salubong ang mga kilay na humarap siya kay Richard. "Ano'ng hindi niyo sinasabi sa akin?"

"Ano naman ang itatago namin sa 'yo?" tugon ni Richard nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

"Kung may problema kayo ni Mama pwede niyo namang i-share sa akin 'yon. After all, part na ako ng family niyo, right?" sabi niya, seryosong nakatitig kay Richard. Naghintay siya ng sagot subalit nanatiling tahimik ang lalaki. Dismayado na lamang siyang napabuntonghininga. Mukhang wala talaga itong plano na magsalita. Kung pipilitin niya pa ito ay baka magtalo na naman sila ulit.

*****

ILANG minuto na ang nakararaan matapos magpaalam ang professor nina Galina subalit naroroon pa rin siya sa loob ng classroom, nakaupo at nakatulala sa kawalan.

Dahil sa unang linggo pa lang ng second semester ay hindi pa gaanong abala ang lahat. May ilang estudyante na hindi pa rin pumapasok sa klase at ang ilan naman ay mas piniling tumambay na muna sa opisina ng kani-kanilang club.

Napapitlag siya nang biglang kinatok ni Kiko ang kaniyang desk.

"Lalim ng iniisip ah," nakangiting wika nito bago naupo sa bakanteng desk sa tabi niya.

Matamlay niyang nginitian si Kiko. Sa paglipas ng mga buwan, mas lalo pang napalapit ang loob niya rito. Malapit na kaibigan na ang turing niya rito lalo pa't isa ito sa naging takbuhan niya noon kapag hindi sila nagkakasundo ni Richard.

Masaya siyang makaklase ulit ito ngayon sa isang subject.

"Iniisip ko lang si Chad." Matamlay siyang bumuntonghininga.

Naglaho ang ngiti ni Kiko. "Nag-away na naman kayo?"

"Hindi naman totally..." Nakangiti siyang ngumiwi. "Well, kilala mo naman kami, 'di ba? Para talaga kaming aso't pusa minsan. Away, bati. Gano'n."

"Madalas," Kiko corrected her.

Natawa siya at pabiro itong hinampas sa braso. "Pero seriously speaking... Nag-aalala ako."

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon