Chapter 24

5 2 0
                                    

CHAPTER 24

(Richard's P.O.V)

DAHIL sa walang magbabantay kay Chary, napilitan akong isama siya sa pagpunta ko sa university. Weekend ngayon at wala dapat akong pasok ngunit dahil sa ipinatawag kami ni Kiko ay napilitan akong umalis ng bahay. Accreditation na raw kasi next week kaya kailangan na naming ayusin ang Beehive. Kung bakit ba naman kasi hindi na ipinaayos iyon nang paunti-unti noon pa?

Pagdating sa Beehive ay kaagad na hinanap sa akin ng mga kasamahan ko si Gala.

Ang mga loko, minsan lang nila kaming nakitang magkasama tapos ngayon sa akin na nila ito palaging hinahanap.

Nagkibit-balikat na lamang ako at tinulungan na sina Jude at Kiko sa pagpipintura ng dingding. Si Chary naman ay pinabantayan ko muna sa bago naming member na si Jackie dahil nag-aayos lang naman ito ng bulletin board.

Napansin ko na parang iba ang pakikitungo sa akin ni Jackie kumpara sa iba. Masyado siyang timid sa pakikipag-usap sa akin at minsan hindi man lang ako magawang tingnan sa mga mata. Naisip ko tuloy kung ganoon ba talaga kabagsik ang hitsura ko. Nakakatakot ba talaga akong tingnan?

Bigla ko tukoy naalala si Gala. Bakit kaya sa babaeng 'yon hindi umuubra ang pagsusungit ko?

Bumuntonghininga na lang ako at pinalis na sa isipan si Gala. I promised myself last night na titigilan ko na ang pag-iisip sa kaniya. Kaya nga rin ako nagpunta rito para ma-divert ang utak ko mula sa kaniya.

To justify the name of our office, pininturahan namin ito ng yellow at brown. Gumawa rin kami ng maliliit na estante na hugis hexagon katulad ng totoong beehive.

"Dito rin ako mag-school, Kuya, paglaki ko?" biglang tanong ni Chary nang lumapit siya sa akin.

"If you want to," sagot ko habang nakatuon ang mga mata sa pinipinturahan kong estante.

"Dito ka na lang mag-aral, baby girl. Para sa 'yo namin ipamana itong Beehive," sabi naman ni Kiko na ngayon ay inaayos ang mga bombilya sa kisame.

"Okay po," sagot naman ni Chary at saka bumalik na kay Jackie na ngayon naman ay abala sa paggugupit ng mga letterings na ididikit sa bulletin board.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan nang bigla na lang may tumayo roon. It was Cheyenne at base sa suot nito ay mukhang kagagaling lang nito sa part-time niya sa coffee shop, sa labas ng university. For a second, may bahagi sa puso ko na umasang si Gala ang dumating subalit mabilis ko ring sinaway ang sarili dahil hindi ko dapat maramdaman iyon. Isa pa, imposible na dumating siya dahil sinabi niya kagabi na aalis na siya.

Binitawan ko muna pansamantala ang pagpipintura nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone ko sa bulsa. Muntik ko na iyong mabitawan nang rumehistro sa screen ang pangalan ni Gala. Bakit siya tumatawag?

It was tempting to answer her call but I chose to decline it. I decided to put my phone on flight mode kung sakali man na kulitin niya pa ako.

"Bakit may bata rito? Kaninong anak 'to?" tanong ni Cheyenne nang makita si Chary.

"Anak ni Richard at Gala," pabirong sagot ni Jude. Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Hindi po. Bother ko si Kuya tapos si Ate Gala po, friend niya," inosenteng sabi naman ni Chary.

Nagkatinginan naman sina Kiko, Jude, at Cheyenne, saka sabay-sabay na nagsitanguan at ngumiti nang may kabuluhan. "Ah, friend lang pala," sabay-sabay na sabi ng tatlo. Tinarayan ko lamang ang mga ito at ibinalik na ang atensyon sa pinipinturahan.

May kinuha si Cheyenne mula sa bag niya at inilatag iyon sa mesa kung saan naggugupit si Jackie. Lumapit ako at nakitang mga litrato namin iyon noong outreach program. Mabilis namang dinampot ni Chary ang isa sa mga larawan.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon