Chapter 46

4 2 0
                                    

CHAPTER 46

"WAIT, what? You did what?" hindi makapaniwalang sabi ni Kiko kay Galina. Kasasabi lamang ng dalaga na inalok nito ng kasal si Richard.

"Huwag mo nang ipaulit, sinabi ko na eh," nahihiyang sabi ni Galina bago uminom ng tubig. Nasa loob sila ng convenience store at nakaupo sa tabi ng glass wall.

"Hindi lang kasi ako makapaniwalang ginawa mo 'yon," sabi niya habang nakatitig dito. Sobra talaga siyang nahihiwagaan sa pagkatao ni Galina.

"Bakit? Kayong lalaki lang ba ang may karapatang mag-alok ng kasal?" Bahagya pa itong pumiyok dahil sa pagtataas ng boses.

Umiiling-iling siyang tumawa. "Hindi naman sa gano'n pero..." Nakangiwi siyang napakamot sa batok at nag-alangang ituloy sabihin ang nasa isip. "Teka, ano naman ang sagot ni Richard?" tanong niya na lamang.

Nagkibit-balikat si Galina. "Nothing."

Napakunot siya. "What do you mean nothing? Wala? As in wala?" Ipinatong niya sa mesa ang hawak na bote ng softdrink at hinarap ito. "Kahit pag-iisipan ko wala siyang linyahang gano'n?"

"I take silence as yes," nakangiti namang sabi ni Galina.

Napaawang ang bibig niya. Hindi niya masabi kung nagbibiro ba ito o hindi nito lubos na nauunawaan ang sitwasyon. "Ano ka ba, Gala? You need to confirm it first. Huwag kang magpadalos-dalos."

"Kahit naman tumanggi siya ikakasal pa rin kami. Hindi ako papayag na hindi," pabirong sabi nito saka tumawa.

Iiling-iling siyang sumandal sa upuan. Napangiti siya nang mapait nang tila biglang may kumurot sa puso niya. "Good luck."

Napatingin si Galina sa kaniyang cell phone nang nag-ring iyon. Napangiti ito nang makita sa screen ang larawan ni Richard. Tumatawag ito.

Nagpaalam ito sa kaniya na sasagutin muna ang tawag pagkatapos, lumabas na ito ng convenience store. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa sumilong ito sa isang puno.

Malungkot siyang napangiti. Ngayon niya nakumpirma sa sarili na hindi simpleng attraction ang nararamdaman niya kay Galina. Noong unang araw pa lamang na nakita niya ito sa kanilang university ay nakuha na nito ang atensyon niya. Iyon nga lang, torpe siya at bukod do'n, ramdam niya rin na sa umpisa pa lang ay may nanalo na sa puso nito. Walang iba kundi si Richard.

Napansin ni Kiko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Galina habang nakikipag-usap ito kay Richard sa cell phone. Tiyak niyang may masamang balita itong natanggap dahil mukha itong nataranta. Saglit pa itong natulala nang natapos itong makipag-usap. Sumandal ito sa katabing puno at gigil na ginulo-gulo ang buhok.

Nginitian niya ito nang lumingon ito sa kaniya. Sinenyasan siya nito na kailangan na nitong umalis. Nakangiti naman siyang nag-thumbs up na lamang bilang tugon.

*****

KINAKABAHANG bumaba ng taxi si Galina nang huminto na ito sa coffee shop sa tabi ng kanilang university kung saan sila magkikita ni Richard. Mas tumindi pa ang kabog ng dibdib niya nang matanaw niya na ang napakaseryosong anyo ni Richard. Nakaupo ito sa tabi ng glass wall at malalim ang iniisip.

Kaninang nag-usap sila nito sa cell phone at inalok siyang makipagkita ay naramdaman niya kaagad na may mali. May hinuha siya na natuklasan na nito ang inililihim nila ng Tita Cora niya.

Pilit ang ngiting kinawayan niya si Richard nang dumako sa direksyon niya ang mga mata nito. Subalit nadismaya siya nang nanatiling blanko ang ekspesyon ng mukha nito.

Pumasok na siya sa coffee shop. Una siyang napatingin sa counter kung saan nakaupo si Cheyenne. Part-timer ito sa coffee shop na iyon.

Tipid namang ngumiti sa kaniya si Cheyenne pagkatapos bumaling sa table ni Richard. Tila batid din nito na may mahalaga silang pag-uusapan ni Richard.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon