Chapter 43

3 2 0
                                    

CHAPTER 43

(Galina's P.O.V)

"ARE you seducing me?"

Napairap ako dahil sa tanong ni Chad.

Napilitan akong papasukin siya dito sa loob ng kwarto ko dahil hindi ko maisara ang zipper sa likod ng black satin dress na suot ko para sa party ni Jackie.

Kung nandito lang si Mandy ay sa kaniya ko ipasasara ito. Ayoko rin namang matuksosi Chad sa ka-sexy-han ko, noh! I still respect the sacredness of wedding. Gusto kong birhen pa ako kapag kinasal ako_. Wait! Why am I thinking about wedding?

"At kanino mo naman gustong ipasara ko ito? Kay Jude? Siya ba dapat ang tinawag ko_." Nabitin ang question mark sa sinasabi ko nang mabilis siyang lumapit at walang salitang sinara na ang zipper ng dress ko. Naiiling akong napangiti nang makita ko ang naiilang niyang mukha mula sa reflection ng salamin sa harapan ko.

"Kailangan ba talagang ganiyan ang suot mo? Lalamigin ka n'yan mamaya sa venue."

"Thank you, pwede ka na uling lumabas," sabi ko na lamang at hindi na pinagtuunan ng pansin ang litanya niya. Tiningnan ko ulit ang repleksyon niya sa salamin habang palabas siya ng kwarto. As usual, suot niya na naman ang walang kamatayang white long sleeves niya na bahagyang nakakaluskos ang mga sleeves hanggang siko. Simula yata bata wala siyang ibang nakilalang kulay kundi puti. Well, ayos lang naman dahil magkabagay ang suot namin ngayon-black and white. Happy condolence para sa aming dalawa.

*****

"DALAWA ang regalo mo?" puna ni Jude nang makita ang dalawang paper bag na bitbit ko.

Umiling na lamang ako bilang sagot bago pumasok sa kotse.

Ewan ko ba kung bakit sa mga ganitong pagkakataon lagi na lang nakabuntot sa amin ni Chad si Jude. Hindi ko maiwasang isipin kung sugo ba siya ni satanas para sirain ang moment namin.

Kay Kiko dapat siya sasabay ngayon kaso nga lang may inaasikaso pa ito kaya hahabol na lang daw sa party. Si Cheyenne naman ay hindi makakapunta dahil hindi raw ito pwedeng um-absent sa part-time nito.

Pagdating sa venue ay sa wakas humiwalay na sa amin si satanas-I mean si Jude.

Karamihan sa mga dumalo ay mga ka-department ni Jackie. Sa sobrang dami ng mga bumabati sa kaniya ay hindi kami makalapit ni Chad.

"Mamaya na lang natin siya batiin," Chad suggested nang makitang nadadagdagan pa ang kumpulan ng mga tao sa palibot ni Jackie.

"Mabuti pa nga," I agreed.

Naglibot-libot muna kami upang maghanap ng pwedeng upuan.

"Richard! Gala!"

Napalingon kami sa direksyon kung saan may tumawag sa amin. Mariin akong napapikit nang makita ko si Jude na kumakaway sa amin sa isang table.

"Pwede bang humanap na lang tayo ng ibang pwedeng upuan?" bulong ko kay Chad.

"Walang kakilala rito si Jude, Gala," tugon naman ni Chad.

"Eh, paano kita masosolo kung lagi na lang natin siyang kasama?" angal ko na agad niyang ikinatawa.

"Tara na, maawa ka na lang kay kaniya." Inakbayan niya ako at iginiya patungo sa table ni Jude.

Wala na rin naman akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya. "Sa akin ba hindi ka naaawa?" tanong ko na tinawanan niya lang.

From my seat I watched Jackie sitting in the middle of the stage. She looks cute in her red gown. But despite the fun there seems to be something off about how she smiles. She looks happy but there seems to be something wrong... Hmm.... Or maybe it's just my imagination.

End Up With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon