Chapter 21

389 9 1
                                    

Don't forget to vote and comment! Enjoy reading!

Chapter 21

NAPAHILAMOS NA LANG AKO ng dalawa kong kamay sa mukha ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil sa sunod-sunod na tawag ng mga board members ng kompanya. They wanted to know if dad can still manage the empire dahil kung hindi ay ipu-pull out nila ang kanilang investment at kung mangyayari man iyon ay paniguradong babagsak ang buong empire.

Ilang ulit na rin ako pinapaalalahan ni Rence na ilayo ang sarili sa stress dahil hindi iyon makabubuti sa bata sa sinapupunan ko pero hindi ko magawa kahit na ilang araw na ang nakakalipas at nagising na si dad. Hindi na rin maitatago ang umbok ng tiyan ko dahil nag-apat na buwan na ito noong nakaraang linggo.

Ang mabuti lang doon ay hindi pa rin nalalaman ni dad na buntis ako dahil sa mga malalaking t-shirts na sinusuot ko para itago ang pagbubuntis ko hanggang sa maging tuluyan na talaga siyang maayos.

"Stop worrying, Iria. The case is now starting. Kendry will handle everything," naupo sa tabi ko si Rence at patagilid akong niyakap kaya isinandal ko ang ulo ko sa balikat nito. "Just focus on tito's recovery first and please, don't stress yourself, babe."

"Paanong hindi, Rence? Dad's in the hospital, Tito Larze is angry with me, the board members want to talk to dad or me, the case and my pregnancy..." Naipikit ko ang mga mata ko dahil sa mga naisip. "Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. I want the case to end already and send the twins and their mother to jail because of what they did to me years ago. Then I'll call for a meeting in the company after I talk to dad."

"And about Tito Larze?" He rested his chin on my temple.

"I'll talk to him after everything. Ang hindi ko lang malalaman ay kung magagalit pa ba siya pagkatapos marinig ang iku-kuwento ko sa kanya tungkol sa ginawa ng mga minamahal niya sa akin."

"I'm just here, babe. I'll be by your side until the end." At hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin patagilid.

"Thank you..."

"Iria..." Sabay kaming napaangat ng tingin ni Rence ng marinig namin ang boses ni dad.

I smiled at him when our eyes locked at agad naman akong kumalas sa pagkakayap ni Rence at mabilis na naglakad papalapit sa kama niya at inilalayan siyang maupo ng maayos.

"How's your feeling, dad?"

"Better that you're here," napangiti ako sa sinabi niya.

"I'm glad to hear that. Gusto mo bang kumain muna?" Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo ni Rence mula sa pagkakaupo sa sofa at naglakad papalapit sa amin ni dad. "May gusto ka bang kainin?"

"Kailan mo balak sabihin sa akin, Iria?" Napakunot ang noo ko dahil sa naging tanong niya.

"Ang alin po?" nagtataka kong balik tanong sa kanya. "Ano po ang dapat kong sabihin, dad?"

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago sinabi ang mga salitang nagpatigil at nagpakaba sa akin ng husto. How did he know? Sobra akong nag-iingat kapag alam kong gising siya!

"When will you tell me about the baby?" Seryoso ang mukha at boses niyang tanong sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napakurap kurap ako at sinubukan kong magsalita pero walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Ilang minuto rin na naging gano'n ako hanggang sa naramdaman ko ang isang haplos sa likod ko na dahilan para mapaayos ako ng upo sa gilid ng kama ni dad.

"Pananagutan ko po ang bata, Tito. Sorry kung hindi agad namin sinabi sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ni Iria..." Nanlalaking mga mata akong napatingin kay Rence dahil sa sinabi niya.

Hidden Pleasure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon