Chapter 6

435 9 1
                                    



It was already 4 in the afternoon when we decide to walk outside the said café. May hindi kahabaang sidewalk sa gilid ng café kaya napag-isipan naming maglakad-lakad muna habang hinintay ang oras na dumating ang sundo ko. Tahimik lang kaming naglalakad at dinadama ang sarap na dulot ng sariwang hangin mula sa maliit na gubat ng café.

Walang kahit na sino ang umimik mula noong tinanong niya ako about sa nangyari sa akin. Sampung taon na ang nakalilipas. May gusto akong itanong sa kaniya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan sa gayong hindi ko rin alam kung sasagutin niya o may alam siya.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumigil sa paglalakad at napahawak ang metal na railings sa magkabilang gilid ng sidewalk. Naramdaman ko rin ang pagtigil ni Jack sa paglalakad at tumabi sa akin sa pagtayo at paghawak rin sa metal na railings. I lean and closed my eyes to feel the relaxing breeze of nature.

Napapangiti lang ako dahil sa mga alaalang pumasok sa isip ko bago mangyari ang trahedyang nagpawala ng lahat sa akin. Ang mga araw kung saan hindi ko pa alam at kilala ang fiancé kong ipinagkasundo sa akin noon.

Whenever my summer came, we always go on parks, provinces, beaches and places where they know that I really love and made me smile. Mga lugar kung saan isa kaming normal at masayang pamilya noon. Mga lugar kung saan napapalibutan kami ng mga puno, mga huni ng ibon na masarap pakinggan at ang tahimik na nagdudulot sa amin na mag-ingay. Ingay na hindi masakit sa pandinig at damdamin. Kundi ingay na puno ng saya at walang halong mga problema.

Akala ko hindi na mag-iiba at magbabago ang mga gano'ng pangyayari sa buhay ko. Pero akala ko lang pala iyon dahil lahat may hangganan. Lahat nagtatapos at lahat ay hindi puro saya lamang. Ang akala kong perpektong pamilya ay nawala sa isang iglap na parang isa itong bula na pumutok at hindi mo na alam kung nasaan na ito o kung babalik pa ba ito.

At ngayon, nararanasan ko ang mga bagay na ilang ulit ko ng itinanong sa sarili ko kung deserve ko ba ito? Ang mga bagay na nangyari sa akin?

"I really love to see you smile, Iria" napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang sinabi ng katabi ko. "You're so beautiful that even the word goddess can't describe you"

Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. I know he had a thing for me in the past but I don't that he had it until now. Let's face the reality that everything will change. Everything won't work as you pleased and everything has an end. Kaya hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya dahil alam ko. Alam kong may nag-iba.

"Kung hindi ka nawala noon. May pag-asa ba ako?" dahan-dahan akong lumingon sa kaniya dahil sa tanong nito at nakita kong nakatingin lang ito sa harap. "Will I be given a chance to make you mine, Iria?"

"I don't know..." mahina kong sagot pero sapat lang para marinig niya at agad naman akong napa-iwas ng tingin dahil sa paglingon nito sa akin.

"Bakit?" humigpit ang hawak ko sa railings dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

Isang simpleng tanong pero bakit parang kay hirap sagutin? May pag-asa ba talaga siya noon kung hindi ako nawala? Magiging kaniya ba ako kapag nagkataon? At ano ang pakiramdam na mahalin ng isang Jackson Cruz?

"Dahil ba sa lalaking itinakda sa'yo noon ng mga magulang mo?" napa-awang ang labi ko dahil sa tanong niya.

Ito na ang pagkakataon ko para magtanong sa kaniya na hindi siya maghihinala at dahil sa tanong na iyon ay umaasa akong may alam siya kay Ivan kahit na kaonti lang.

"Do you know him?" balik tanong ko sa kaniya at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkunot ng noo ko pero hindi ito sumagot sa tingin ko. "I mean, kilala mo ba ang lalaking itinikda sa akin noon? I am just curious dahil madami kang alam sa akin and I just want to know how much you know about me and my life" mahabang litanya ko sa kaniya at nananalangin na sana, hindi niya malaman na wala na akong alam sa lalaking iyon at hinahanap ko ito.

Hidden Pleasure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon