Chapter 39
"DAD! I told you to leave the twins alone!" naiinis kong saway kay dad dahil magpahanggang ngayon, ayaw niyang iwan ang kambal na mahimbing na natutulog sa mga kuna ng mga ito. Isang buwan na ang nakakalipas mula noong ma-discharge kami sa hospital. "They're sleeping. Can't you see?"
"Princess, I wanted to be with my grandchildren. 'Wag mo naman akong pagbawalan." I rolled my eyes at him and sit beside him in the long sofa. "If only your mother was here, she'll be happy and proud of you."
Malungkot akong ngumiti dahil sa huling sinabi nito. I missed her so much. Kung sana, hindi ko na lang siya inayang lumabas. Edi sana, nandito pa siya sa tabi namin kasama ang mga apo niya.
"I know what you are thinking, Iria. Stop blaming yourself, anak. I was at fault to by blaming you. It was selfish of me. I'm really sorry." Niyakap ko si dad nang mahigpit at doon ko pinakawalan ang luhang pinipigilan kong dumaloy. "I wasn't a good father to you. And still, I know you can't forgive me for what I have done years ago."
"Slowly but surely, Dad." Mahina ang boses kong wika at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Let's all forget the past and let's just focus on our present and for the upcoming future ahead of us."
"Ate Iria." Sabay kaming napatingin ni dad sa tumawag sa aking pangalan. I smiled at her.
"Halika ka at maupo, Maze." Dahan-dahan naman itong naglakad palapit sa kinaroroonan namin at naupo sa pang-isahang sofa na katapat namin ni dad. "May kailangan ka? Just tell me."
"Magpapa-check up po sana ako. I want to check if my baby is fine." Tumango ako bilang sagot na ikinangiti niya. "Thank you po! You're really a good person, Ate."
"Get ready. Ako na magsasabi kay manong na ihatid ka sa OB ko."
"Thank you po talaga. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon kung hindi niyo inalok si Joshua na rito kami patirahin." I saw how her eyes twinkle because of the unshed tears. "Kahit na sa nagawa niya noon sa'yo."
"Labas ka at ang magiging anak niyo sa nangyari noon. I really didn't know that he has someone that he can treasure." Tumayo ako at lumapit sa kanya at yinakap siya. "You are always welcome here, Maze. Don't forget that."
"Sige po at maghahanda na ako sa pag-alis. Salamat po ulit at sa inyo po, Tito Lance."
Umalis na ito at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay kung saan siya namamalagi. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi ko sa naisip na isang malakas na babae ang nahanap ni Joshua.
Totoo nga ang sinabi noon ni Joshua na kakatok ang fiancée niya isang linggo mula nang magkausap kami. Dala ang kanyang mga maleta ay nakatayo siya sa labas ng mansiyon habang nakayuko. I was puzzled at first but when she introduces herself, I smiled.
"I'm Mazeline Tanado. J-Joshua's fiancée." Nakayuko niyang pakilala. She's ashamed and shy yet here she is, standing in front of our house. "Pasensya na po sa abala."
"Come inside, Mazeline. At hayaan mo na lang ang mga dala mo riyan. Sila na ang bahala." Nauna na akong maglakad papasok ng bahay at iginiya siya sa salas. "Ang akala ko, hindi ka na pupunta sa bahay. It's been a week since Joshua told me."
"I'm sorry. I was scared to come here because I am so ashamed of what Joshua had done to you, Miss Delcena." Hindi makatingin niyang ani.
"It's okay. How are you? Your pregnancy? Nakapagpa-check up ka na ba?" Unti-unti niyang iniangat ang kanyang tingin sa akin at nakita ko ang pagngilid ng mga luha nito sa kanyang mga mata. I smiled at her.
"Nagkalakas loob lang akong pumunta rito dahil may mga lalaking nagtangka sa buhay ko sa tinitirhan ko noon." Nawala ang ngiting nakapaskil sa 'king mga labi sa narinig. "I was scared for my life and for my baby. Alam ko naman kung sino ang mga lalaking iyon pero hindi ko inaakalang gagawin nila 'yon sa akin."
BINABASA MO ANG
Hidden Pleasure (COMPLETED)
General FictionCOMPLETED Book 2 of 3 of Pleasure Trilogy Everything has an end. So as the hidden things of every person that's around you. Will you let those things affect your current normal life? Or will you let that pass for something more hidden desires? Desir...