Chapter 7

425 7 3
                                    



Kinakabahan at hindi mapakali sa akin kinauupuan. Mula pa kanina ang mga nararamdaman kong ito dahil sa presensiya ng isang taong kahit kailan ay hindi ko napaghandaan na magkikita kami sa ganitong sitwasyon. Bakit kung kailan na hindi pa ako handa at hindi ko gustong makita siya ay nangyayari? Bakit ba ang malas ko naman ata ngayon?

Nakayuko at namamawis ang mga palad ko habang walang imik na nakaupo sa mahabang sofa at nasa harapang pang-isahang sofa naman ito nakaupo na alam kong kanina pa nakatitig sa akin. Nasa kusina si Rence at naghahanda ng makakain ng aming bisita.

Nagpresenta ako kanina na ako na lang ang gagawa pero pinigilan niya ako at pinaupo at siya na ang gumawa. Hindi ako komportable kung nasaan man ako ngayon. Kanina pa rin tahimik ang taong nakaupo sa harap ko at kumukuha na rin siguro ng oras kung paano ako kausapin.

Napatingala lang ako ng marinig ko ang mga yabag ng sapatos ni Rence at nakita ko itong may tipid na ngiti sa akin at may dala itong isang tray na puno ng pagkain. Nang makita kung ano ang laman ng tray ay natakam agad ako dahil ang paborito kong brownies ang dala nito at dalawang baso ng strawberry juice at isang tasa ng kape.

Inilapag muna nito ang dalang tray bago naupo sa tabi ko at inabot sa akin ang isang baso ng strawberry juice na kinuha ko naman at uminom. Inabot naman nito ang tasa ng kape sa kaharap namin na inabot din naman nito na may tipid ding ngiting nakapaskil sa kaniyang labi.

"Gusto mo na bang kumain ng brownies?" mahinang bulong sa akin ni Rence na ikinatango ko naman.

Alam kong nagmamasid siya ngayon sa mga galaw namin at kung gaano kami kalapit ni Rence sa isa't isa. He doesn't know a thing about Rence and I will leave him to that. Kinuha naman ni Rence ang isang platito na may lamang mga brownies at inabot sa akin para kunin ko at kainin. I smiled at him and mouthed thank you.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagsilay ng masayang ngiti sa mga labi niya na parang masaya ito ngayon sa kung ano at saan ako. Palihim naman akong napairap dahil doon. He thinks that I am happy? Did he think that Rence is someone that who is intimate to me?

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago ko inilapag ang baso at ang platitong hawak ko at humarap sa kaniya ng tuluyan. Ramdam ko ring natigilan si Rence sa tabi ko dahil sa naging aksyon ko. Napaayos naman ng upo ang kaharap ko. Tumikhim muna ako bago ito tignan ng seryoso sa kaniyang mga matang katulad ko.

"What do you want us to talk about, dad?" seryoso kong tanong sa kaniya dahil hindi ko na maatim na nandito siya sa harap ko na parang wala siyang ginawa noon na hindi ako nasaktan ng lubusan.

"Princess –"

"Don't call me that!" pagputol at medyo tumaas ang boses ko sa pagtawag nito sa akin. "The day you let me leave the house, it is the day you are forbidden to call me that" naramdama ko ang paghagod ni Rence sa likod ko para mapakalma ako.

"I know I messed up years ago but can't you forgive me?" walang lakas at may pagmamakaawa nitong tanong sa akin.

Tumataas baba na ang dibdib ko, habol ang hininga, nanginginig ang mga kamay at namumuo ang mga luha sa aking magkabilang mga mata habang nakatingin sa kaniya na puno ng galit at panghihinayang.

"Noong humingi ako nang kapatawaran mo, binigay mo ba?" walang buhay kong balik tanong sa kaniya na ikinayuko niya lang. "Noong nagmakaawa akong intindihin mo ako, pinakinggan mo ba ako? Noong pinadala mo ako sa bahay ng mga demonyo mong pamangkin, naisip mo bang gusto kong tumira roon? Noong nawala ako, hinanap mo ba ako?" at doon na nabasag ang boses ko sa huling tanong sinambit ko.

Hidden Pleasure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon