I know this won't be the chapter that you're expecting but I tried to. Natulala ako after kong matapos ang chapter ba 'to. Haha! Hope you enjoy reading this chapter!
Chapter 36
"YOU READY?" Tumango ako sa naging tanong niya at lumapit sa kinaroroonan niya. I smiled at him and kissed his cheeks. "Talaga bang gusto mong naroon? Ken can take care of everything."
"I want to know what they will do when everything they tried to hide for years resurface." Nawala ang emosyong nakapaskil sa aking mukha dahil sa mga naisip. "Gusto kong makita kung paano sila mawalan ng pag-asa kapag nalaman nilang kahit na anong gawin nila ay makukulong at makukulong pa rin sila."
I felt his hands caressing my back to make me calm. Isang malalim na hininga ang ginawa ko para mapakalma ang sarili dahil hindi ko dapat maramdaman iyon. Tatlong buwan na lang at makikita ko na ang anghel na magpapabago sa buhay ko.
"Let's go?" Nagpatianod na lang ako kay Rence nang marahan niya akong hinila palabas ng bahay.
He opens the door and let me go out first and he followed. The soothing wind welcomes me. Ang sariwang hanging mas lalong nagpapakalma sa akin. Inilalayan niya akong sumakay sa backseat ng kotseng gagamitin namin papuntang Trial Court.
Tahimik lang kami buong byahe pero mahigpit ang pagkakakapit ko sa kamay ni Rence. Puno ng kaba ang dibdib ko dahil sa mga naisip kong posibleng mangyari mamaya sa loob ng Trial Court. I know seeing them can trigger some of my lost memories but I am willing to risk it as long as I can remember everything before the tragedy happens.
Napatingin ako sa labas nang tumigil ang kotseng sinasakyan namin. I saw the white building, indicating that we're outside the hell. Nang inilibot ko ang paningin ko ay nakita ko ang maraming media na naghihintay sa labas ng Trial Court. The police tried to stop them from flocking in our car but it was no use. Dahil sobrang dami nila at ayaw magpapigil.
Napatingin ako kay Rence ng may inilagay itong bagay sa mata ko. Isang itim na shades para siguro hindi sumakit ang mga mata ko sa mga flashes ng cameras. He opens the door in his side at nauna siyang lumabas habang hinintay akong lumabas at maingat na inilalayan.
Body guards and police officers immediately went in front of us to protect me and Rence. Hindi kami masyadong makalakad ng maayos dahil nagkakagulo ang mga media. Napahawak ako sa malaking umbok ng tiyan ko para protektahan ito dahil baka sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mangyaring hindi maganda rito.
"Miss Delcena! Miss Delcena! Is it true that you were a mistress?"
"Miss Delcena! When did you file the case against your Aunt and your cousins?"
"Miss! Totoo bang nagpakasal ka dahil nabuntis ka ng hindi kilalang lalaki?"
At doon ako natigilan sa huling tanong na aking narinig. Napatigil din si Rence sa paglalakad dahil sa pagkakatigil ko. I look at the reporters and smiled at them sweetly. Ang iba ay napapangiwi at ang iba naman ay napapaiwas ng tingin sa akin. Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad, hindi inalintana ang mga sunod-sunod na naman nilang mga tanong.
Naramdaman ko ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa noo pababa sa pisngi ko na parang may pinapahiran ito. I smiled at Rence. He's really sweet and caring.
"Thank you," nakangiti kong wika sa kanya.
"It's my duty as your husband, babe." Mahina na lang akong natawa dahil sa sinabi niiya at hinayaan siyang punasan ang mga butil ng pawis sa buo kong mukha pababa sa leeg ko. "They're already inside. The trial will start in ten minutes."
BINABASA MO ANG
Hidden Pleasure (COMPLETED)
General FictionCOMPLETED Book 2 of 3 of Pleasure Trilogy Everything has an end. So as the hidden things of every person that's around you. Will you let those things affect your current normal life? Or will you let that pass for something more hidden desires? Desir...
