Napapatulala ako sa kawalan habang iniisip kung saan ako magsisimula sa paghahanap kay Ivan dahil hindi ko alam kung ano ang apelyido nito. Tanging pangalan lang talaga ang alam ko tungkol sa kaniya at nagtataka ako kung bakit ako nahulog noon kung 'yon lang ang alam ko sa kaniya? Paano? At bakit?
Alam ko rin sa ngayon na ang tanging makakasagot ng mga tanong ko at ang tanging tao na makakapagsabi agad sa akin na kung sino ang Ivan na hinahanap ko ay hindi ko gustong makita o makausap. I had enough of his grieving. I had enough of him.
He's my father but because of what he did years ago, I experienced all of this. All the pain, hurt, sadness and the sorrow that I don't think I deserve to feel. Hindi ko sana mararanasan ang mga nangyari sa akin noon dahil sa pagtaboy niya sa akin sa sarili naming bahay kahit na sabihing may kasalanan ako sa pagkawala ni mom. Pero makatwiran ba ang ginawa niya sa akin? Ang ginawa ng mga demonyong anak ng kapatid niya?
I was once idolizing him. Not because he is my father but because is one of a kind man. A man that is honorable and respectful. And that idolizing went to something. Something made me hate myself of what had happen to me.
He should have understood also that I was grieving for the loss of my mother but still, he insisted that I should be in someone's shelter. But instead of a shelter and home, I was sent to prison – to hell that took everything from me.
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang makarinig ako ng isang cellphone na nagri-ring 'di kalayuan kung nasaan ako nakaupo. I wiped my face when I felt something wet and I wasn't shock a bit when it was my tears that had fallen while I think of my past. My dark past.
Agad kong kinuha ang cellphone sa center table dahil hindi ito tumitigil sa pagring. Napabuntong hininga muna ako para mapakalma ang sarili bago tignan kung sino ang caller. Napakunot naman ang noo ko dahil sa isang unknown number ang tumatawag.
Kahit na nagda-dalawang isip kung sasagotin ba o hindi dahil hindi naman nakaregister ang number nito at baka kung sino lang itong nagp-prank ay sinagot ko na lang din para tuluyang malaman kung sino ito.
I put the phone in my right ear and I waited for the other line to talk.
"Hello" a baritone voice of a man is in the other line kaya mas lalong nangunot ng noo ko. "Iria?"
Ilang minuto akong naging tahimik at hindi sumagot dahil hindi ko kilala ang boses nito o kahit naging pamilyar man lang ito sa pandinig ko. Napapaisip din ako kung sino ang possibleng tatawag sa akin o kung sino ang binigyan ko ng numero ko pwera kay Rence at sa ibang mga kilala ko rin.
"Did I call the wrong number? But she was the one who typed her number in my phone" I heard him mumbled in a hush tone but still, I manage to hear what he had said.
"Jack?" patanong kong ani dahil siya lang ang naisip kong huli kong nabigyan ng number ko kahapon noong nasa mall kami ni Rence.
"Ikaw nga! Akala ko mali 'yon tinawagan ko" rinig ko ang mahina nitong tawa sa kabilang linya na dahilan para mapangiti ako ng tipid. "Yes, it's me, Jack"
"Akala ko kung sino na ang tumawag"
"Sorry. I should have texted you first before I call para sana nalaman mo" bumuntong hininga ito at alam kong kumakamot na ito ngayon sa likod ng leeg niya.
"No worries, Jack. Hindi ko lang kasi ineexpect na tatawag ka kaagad" mahina na rin akong natawa dahil huminga ito sa kabilang linya na parang nawala ang kaba nito. "Alam ko naman kasing busy kayong mga engineers"
"Actually, I called you dahil day off ko ngayon. And you know..."
Napataas ang kilay ko kahit na alam ko namang hindi niya makikita dahil sa naging sagot nito sa akin. I know that tone. And I was right when I told Rence that he'll see me today. Napangisi ako dahil sa naisip.
BINABASA MO ANG
Hidden Pleasure (COMPLETED)
General FictionCOMPLETED Book 2 of 3 of Pleasure Trilogy Everything has an end. So as the hidden things of every person that's around you. Will you let those things affect your current normal life? Or will you let that pass for something more hidden desires? Desir...