Second chapter for today! Pambawi sa almost one month na walang update. Enjoy reading!
Chapter 35
LOOKING AT THE GOLD RING with an infinite design in the middle of my ring finger, I can't believe that I am now married, that I am now Mrs. Gomez. Napapangiti na lang ako habang tinititigan ang singsing na nakalagay sa daliri ko. Nagpapatunay na may asawa na ako. Na hindi na lang ako ang magde-desisyon sa mga bagay-bagay na mangyayari sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon.
Isang mainit na yakap ang naramdaman ko mula sa aking likuran na dahilan ng mas lalong paglapad ng mga ngiti ko. He rested his chin in my shoulder and he tilted his head to kiss my neck that made me shiver.
"Hey," nakangiti kong bati sa kanya nang mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "You okay?"
"Hmm," he murmured against my neck that made me chuckled in the sensation that it is giving me. "Are you really okay with this?"
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya saka ikinulong ang mukha niya sa mga palad ko at tinitigan siya sa kanyang mga mata habang nakangiti. I smiled at him. A smile that will assure him that this is what I want, that this is fine with me, to be married to him because I am starting to like him as a man.
"How many times do I have to tell you?" malumanay ang boses kong balik tanong sa kanya. "I marry you because I am starting to like you and I want to spend the rest of my life with you. I can now see my future with you, Rence."
"But how about –" inilagay ko ang hintuturo ko sa harap ng labi niya para pigilan siya sa gusto pa niyang sabihin. Umiling ako sa kanya para ipahiwatig na ayokong pag-usapan ang gusto niyang sabihin.
"Shh..." pagpapatahimik ko sa kanya. "The important thing in here is us – our marriage and our future family. Huwag mong isipin ang iba dahil makakasira lang 'yan kung anong meron tayo ngayon. Just think of today and our upcoming future, okay?"
"Hindi lang kasi ako makapaniwala na asawa na talaga kita. Na bubuo na ako ng pamilya kasama ka. Na matatawag na kitang asawa ko sa harap ng maraming tao. Na makakasama kita hanggang sa mawala ako sa mundong ito," huminga muna siya ng malalim at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa mukha niya. "This is a dream come true for me, Iria. You, marrying me in front of him, marrying the woman that I love for years. This is a dream that I don't want to wake up."
Naramdaman ko ang pagngilid ng mga luha sa magkabila kong mga mata dahil sa narinig mula sa kanya. Hindi ko lang kasi maisip ang mga napagdaanan niya noon ng hindi ko maibalik ang nararamdaman niya para sa akin. Kung paano niya nakakayang makita ako sa iba na masaya habang siya ay nangangarap na mahalin ko rin siya.
"This isn't a dream anymore, Rence. This is reality." Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya na ikinangiti niya. "At hindi ako magsisisi na pinakasalan kita dahil wala na akong hihilingin pa mula sa'yo."
O wala nga ba? Hindi mo nga ba hiniling na siya na lang sana si Reece? Na siya na lang sana ang lalaking mahal mo? Na sana, kung siya na lang ang minahal mo ay hindi ka aasa na siya ang lalaking kahit kailan ay hindi mapapasayo?
"Kaya nga hindi ako makapaniwala dahil parang hindi totoo ang mga nangyayari sa atin ngyaon. Hindi ko lang maisip na dadating ang araw na ito na matatawag na talaga kitang akin. Na magkakaroon ako ng karapatan sa'yo." Hindi ko na napigilan pa ang luhang kumawala sa magkabila kong pisngi dahil sa halo-halong nararamdaman ko ngayon.
Saya, kaba, pagsisisi at guilt. Masaya ako dahil natututunan ko na siyang magustuhan hindi bilang kaibigan at nakakatandang kapatid kundi isang lalaking alam kong hindi ako iiwan at sasaktan sa huli. Kaba dahil hindi ko alam ang mga tamang gawin sa isang relasyon lalo na at kasal na kami at bago pa lang kami sa ganito. Pagsisisi dahil alam kong matatagalan bago ko masabi at maparamdam ang gusto niyang marinig at maramdaman mula sa akin. At nagi-guilty ako dahil pakiramdam ko, ginagamit ko lang siya para makalimutan ang lalaking niloko ako.
BINABASA MO ANG
Hidden Pleasure (COMPLETED)
Ficción GeneralCOMPLETED Book 2 of 3 of Pleasure Trilogy Everything has an end. So as the hidden things of every person that's around you. Will you let those things affect your current normal life? Or will you let that pass for something more hidden desires? Desir...
