Chapter 34

322 6 1
                                    

Chapter 34

LOOKING AT the laptop's screen for hours made my eyes sore. Mula pa kaninang umaga ako nakatutok sa harap ng laptop ko at pinag-aaralan ang mga magiging galaw ko sa susunod na linggo para tuluyan ng maipakulong ang mga mag-ina. Tito Larze isn't in the country. He's in the U.S., away from his family that I filed a case. Hindi pa rin kasi niya matanggap ang pang-aakusa ko sa mag-ina niya at ang mga pinakita ko sa kanya noon bago siya umalis.

"Can you at least tell me your plan?" nawala ang tingin ko sa screen nang marinig ang tanong na iyon ni Rence na nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ko sa kompanya namin. "Babe, I am getting more worried. Hindi ako mapapakali hanggang sa hindi ko malalaman ang mga plano mo para sa mga pinsan at tiya mo."

"Just be by my side and everything will be alright. Trust me, babe, okay?" I smiled at him to assure him but the worry in his eyes is still there. "Just trust your fiancé and wait."

"I trust you, babe. Pero hindi mo mawawala sa akin ang pag-aalala para sa kalagayan mo ngayon," puno ng pakikiusap at pag-aalala ang boses niyang ani. "At talaga bang magtitiwala at maniniwala ka sa mga pinagsasabi noon ng isa sa kambal?"

I looked at him flatly dahil sa huli niyang tinanong. "Seriously, Rence?"

"I'm just asking, Iria. May masama ba roon?"

"Wala naman pero sa tingin mo magtitiwala at maniniwala ako sa demonyong iyon?" taas ang kilay kong balik tanong na kanya na ikanangiwi niya. "Hindi ako tanga at bobo kung maniniwala ako sa mga pinagsasasabi niya. Hindi pa naman ako baliw para magtiwala ulit sa kanya. He already broke my trust years ago and now? I can only feel hatred and the rage to send them behind bars."

"Hey," hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya dahil sa galit na lumukob sa sistema ko habang iniisip kung paano ko sila maipapakulong sa lalong madaling panahon. I want to have a peace in my life now that it will only take three months before I will deliver my baby. "Calm down, okay?" He kissed my temple and I breathe heavily.

"Ang kapal din ng mukha niyang magpakita rito at humingi pa ng pabor." Kumuyom ang mga kamao ko habang binabalik-balikan ang naging usapan namin dito sa loob ng opisina ko. Isang linggo na ang nakakalipas. "Although, I can use him as my bait?"

"Iria, babe, please, don't smile like that. It's giving me creeps," he shrugged, the reason why I laugh. "There that smiles again."

Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. He can really change my mood in more ways than one that he knew. Kaya siguro sobra akong komportable sa kanya at nagsisimula na rin akong magkagusto kahit na sinabi ko na noong hindi ko siya magugustuhan dahil para ko na siyang kuya. But time changes anyone, right?

"Thank you," malumanay at may munting ngiti kong ani na ikinakunot ng noo niya.

"For what, babe?" nagtataka niyang tanong sa akin saka niyakap ko siya sa kanyang bewang habang nakaupo pa rin ako sa swivel chair ko at nakatayo siya sa tabi ko.

"For being here with me all the time," I saw him smile and he kissed my forehead lovingly. "Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon kung wala ka sa tabi ko sa mga nakaraang buwan hanggang ngayon. I am thankful that you are always by my side, supporting me in everything that I decide. Whether it is a good or bad decision that I made and I am going to make.

"I am so lucky to have you here, Rence. So lucky that I can't do anything right if I will lose you." Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong mga mata dahil sa mga emosyong bumabalot sa sistema ko habang nakatingin sa mga mata niyang puno ng pagmamahal at pagkamangha. "So please, I'm begging you. I'm begging you to not leave me."

Hidden Pleasure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon