Chapter 14

407 14 0
                                    



"Ken?" hindi makapaniwala kong usal nang tuluyan ko nang masilayan at makita ang buong mukha nito nang inikot na nito ang swivel chair na kinauupuan.

A grin was plastered in his lips while looking at my shocked face. He wave his hand at me na ikinaawang ng labi ko. How didn't I remember his full name?

"Your handsome and best uncle, sweetheart" he grin and winked at me that made me shivers. "What's with the shivering?" napanguso naman ito sa naging reaksiyon ko na ikinatawa ko.

"Tito, kailan ka pa naging gano'n?" ako naman ngayon ang napangisi nang diinan ko ang pagkakasambit ng 'tito' na mas lalo niyang ikinanguso at tinignan ako ng masama. "You're making me cringe because of your words"

"Uh-huh?" napailing na lang ako dahil sa parang bata na naman ito ngayon. "I told you not to call me 'tito', Iria. You know how I hate it" and he rolled his eyes at that made me laugh hard.

Ayaw na ayaw niya kasing tawagin ko siyang tito dahil isang taon lang naman ang tanda niya sa akin. He was the youngest brother of mom. Kaya noong tinawag ko siyang tito sa park noong naglaro kami, he walks out. Ewan ko sa kaniya. Kinakahiya ata akong pamangkin.

Simula noon, kinausap niya akong Ken na lang daw ang itawag ko sa kaniya dahil hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Ang ang pogi niya raw para maging tito ko. Kaya ayon, kapag naiinis o gusto ko siyang asarin, tinatawag ko itong tito na agad naman niyang ikina-walk out.

We were so close when I was in my younger years but because he was sent abroad, we lost our communication. Naging busy din kasi siya sa pag-aaral sa pagiging abogado niya na pareho naming pangarap noon. Pero nang dahil sa nangyari sa akin noon, hindi ko na natupad ang pangarap ko. I am happy and proud of him. Dahil natupad niya ang pangarap namin.

"Yeah. Yeah. By the way, I am so proud of you, Ken" I smiled at him sincerely. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong mata dahil sa luhang namumuo rito. "Mabuti at natupad mo ang pangarap mo"

"You are my inspiration, sweetheart. This is our dream and I make it happen" he lean in his desk to wipe the tears that starts to fall from my eyes. Tears of joy. "But you, you can still make your dream come true"

Umiling ako sa sinabi nito na ikinakunot ng noo niya. "I can't" garalgal at tipid kong ani na mas nagpakunot ng noo niya.

"Why is that?"

"I can't defend myself. So how can I defend those people who want to? When I, myself is a mess?"

"I'll help you" may tipid na ngiting nakapaskil sa kaniyang labi na ikinangiti ko na rin. "Huwag kang mag-alala, Iria. Tutulungan kitang maabot ang pangarap na ipinagkait sa'yo. Lalo na ang hustiyang matagal mo nang dapat na nakuha"

"I'll take and manage the company when I send them to jail. Kaya hindi ako makakapag-aral ng abogasya dahil mawawalan ako ng oras"

"Alam na ba ni kuya Lance ang nangyari sa'yo?" I nod my head while he sits back in his swivel chair. "Anong sinabi niya? Bakit hindi na lang ang family lawyer niyo ang paasikasuhin niya ng kaso mo?"

Sinamaan ko ito ng tingin na ikinangiti niya lang ng alanganin. "Ayaw mo bang ikaw ang humawak sa kaso ko?" walang buhay kong tanong sa kaniya na agad naman niyang ikinailing at lunok.

"Hindi naman sa gano'n, Iria. Kasi alam mo na, mas madali ang lahat kapag si kuya Lance na ang gagawa" pagpapaliwanag nito na ikinaikot ko na lang ng mga mata ko sa kaniya.

"I want to take this by myself and I promised him na kapag hindi ko nagawa, siya na ang gagawa nng lahat para mapakulong ang kambal at ang ina nilang demonyo" bumuntong hininga muna ako bago nagsalita ulit. "And I am thankful that you will be my attorney" I smiled at him and he smiled back at me.

Hidden Pleasure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon