Chapter 22

349 8 1
                                    

I also like this chapter. LOL! Haha!

Don't forget to vote and comment! Enjoy reading!

Chapter 22

"TODAY'S YOUR NEXT APPOINTMENT, right?" napatingin ako sa kanya ng magtanong ito.

"Ah, yes. Mamaya pa namang hapon ang appointment ko. Bakit?"

"Sasamahan kita mamaya." At umiwas ito ng tingin sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Wala ka bang trabaho? I thought you're busy these days?" nagtataka kong tanong ulit sa kanya.

"Meron pero hindi naman iyon gano'n kabusy tulad kahapon. I finished some paper works and such yesterday para masamahan kita ngayon." Kibit balikat niyang ani at bumalik na sa tahimik na pagkain.

Hindi na rin ako nagsalita pa at nagpatuloy na rin sa pagkain habang iniisip ang mga nangyari noong nakaraang linggo. Nakalabas na rin si dad sa hospital, dalawang araw na ang nakakalipas. He is now resting inside his room at kami naman ni Rence ay kumakain na ng lunch dahil nauna ito na sinabi ng kanyang doctor na mas kailangan niya ng pahinga.

"You know, pwede namang ako na lang ang pupunta mamaya sa OB ko," pagbasag ko sa katahimikan na namayani sa aming dalawa ilang minuto na ang lumipas.

Tinaasan niya ako ng kilay nang magtama ang aming mga paningin na ikinakunot ulit ng noo ko. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya bago nagsalita.

"Gusto kitang samahan, Iria," he smiled at me weakly that made my heart clenched.

"Hindi mo naman kasi kailangang gawin ito, Rence..." Umiling ako sa kanya. "It's not your responsibility and you know that."

"It is, Iria. The moment you went into my condo's door, you are my responsibility. So please, let's not argue with it. Please, babe?" Kita ko ang pagmamakaawa at pagod sa kanyang mga mata na mas lalong nagpakirot sa puso ko. "And when I said to Tito Lance that I will take the responsibility as the child's father, I am serious. I want to give the child a complete family kahit na hindi ako ang tunay niyang ama."

"Pero..."

"No buts, babe. Gusto ko ito at hindi ito labag sa loob ko." Tipid na lang akong ngumiti sa kanya dahil alam kong hindi ko na maiiba pa ang desisyon niya. "At ng sinabi ko kay mommy ang mga plano ko ay hindi naman siya tumutol at suportado niya pa lahat."

"Akala ko tutotol si tita dahil alam mo na," mahina itong natawa dahil sa kaonting kaba na narinig sa boses ko.

"Mom likes you so much that she didn't mind the child," kibit balikat niyang ani. "Kaya ng malaman niya ang mga gusto kong mangyari ay napa-oo agad ito."

Tipid na lang akong napangiti at magsasalita na sana ng magsalita ulit siya na ikinatigil ko.

"It was also her idea that I'll take the responsibility dahil gusto na niyang magka-apo kahit pa hindi akin ang dinadala mo. That's how much she likes you, babe."

"Rence, about what you said at the hospital," pagputol ko sa kanya na ikinatigil niya rin at nawala ang kaonting ngiting nakasilay sa kanyang mga labi. "Do you really mean that? You'll marry me? But you don't love me..."

"I mean what I said, Iria and you know that. Kaya 'wag ka ng mag-isip na ikakasama niyo ni baby, okay?"

"Pero kasi –"

"Let's talk about it when everything's fall into its places." Aniya na may pinalidad sa kanyang boses na minsan niya lang gawin at isa ito sa minsan na iyon.

Bumuntong hininga na lang ako dahil wala na akong masabi pa. Hindi kasi ako sigurado sa nakaraang linggo kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya kay dad. Kaya hindi ako mapakali dahil iyon ang mga naisip ko. At ngayon ay naliwanagan na ako.

Hidden Pleasure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon