Chapter 27

330 11 0
                                    

Don't forget to vote and leave a comment! Enjoy Reading!


Chapter 27

MULA pa kaninang umaga ako nakatungo sa desk sa loob ng opisina ni dad dahil hindi ko masyadong maintindihan ang mga nakasulat at nakakaramdam ako na may mali sa mga nakalagay doon. The first five years was fine but the second one isn't. Parang may mali na dapat kong pagtuunan dahil unti-unting bumaba ang sales at may mga loopholes sa mga reports na iyon. Especially sa financial department.

I wanted to call Rence to ask him but he told me when he drop me off early this morning that he will be busy due to his operations this day. Alam kong may alam siya sa mga ganito dahil naranasan niya na ring mamahala sa kanilang hospital noong umalis sina tito at tita para sa anniversary ng mga ito at ang mga kapatid niya ay pumunta sa ibang bansa para mag-attend ng conference.

He's one of the reliable people I can trust this time dahil hindi naman ako pwedeng tumawag kay dad at baka mapasama pa lalo ang lagay niya na ngayon ay nagiging mabuti na. Also, I have one person in mind but I don't want to distract him. So shall I wait for Rence later to ask this? Pero magagawa ko pa bang magtanong kung sobra na itong pagod sa mga operation niya?

I have no choice but to call Reece, huh? Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair para sana personal na puntahan si Dechel para tawagan ang secretary ni Reece na may importante akong kailangan sa boss niya ng may isang katok akong narinig mula sa labas ng pinto ng opisina.

Kunot ang noo akong naglakad palapit saka sinabi na "Come on in" nang bumukas ito at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dechel. I smiled back at her.

"May kailangan ka?" nakangiti kong tanong sa kanya. She closes the door first before she answered my question.

"Ah yes, Miss Delcena." Naupo na lang ako sa sofa sa loob ng opisina at minuwestra sa kanya ang kaharap na sofa. She sits there as I am waiting for her words. "Mr. Xiamin called a minute ago and he's asking if you need something for this day?"

Bakit kailangan pa niyang tumawag? Can't he wait for my call? Akala ko ba sobrang busy niya at hindi na niya maisipan pang maunang tumawag? But it's fine, I'm gonna ask his secretary anyway. At mas pinapadali pa niya ang trabaho ko dahil tumawag na rin naman pala siya. I'll just wait for him to come here instead.

"Yes. I need his expertise in some of the papers that you had given me this morning. Lalabas na rin sana ako para ipatawag sa 'yo ang secretary niya at tanongin kung available siya ngayon. at dahil sa sinabi at tinanong mo ngayon, Can you call him again and tell him that I need his experience?" Ngumiti muna si Dechel bago tumango at tumayo. "And please, pakiorderan ako ng mushroom soup at vegetable shake. Thank you!"

"Copy that, Miss Delcena. Pakihintay na lang po ng inorder niyo." She bow her head at tumalikod na ito para lumabas.

Hindi na ako tumayo pa mula sa kinauupuan ko dahil nakaramdam ako ng katamaran at gusto ko na lang maupo sa komportableng sofa. Kinuha ko ang phone kong nasa bulsa ko lang at tinext si Rence sa pinabili kong pagkain kay Dechel at kung bakit ko pinatawag si Reece rito sa opisina. Baka may maisip na naman kasi 'yon mamaya kapag sinundo niya ako rito at maabutan niya si Reece.

After I typed and send him the message, I yawn. I feel sleepy all of a sudden. Kinusot-kusot ko ang mata ko at pinigilan ang sarili na hindi makatulog pero dahil sa hindi ko na kinakaya ang bigla kong pagkakaantok ay humiga ako sa mahabang sofa at inunan ang throw pillow. Patagilid akong nahiga at mas isiniksik ang sarili sa sofa dahil baka mahulog ako mamaya kapag nakatulog ako at kung mapano si baby.

Hidden Pleasure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon