Nagising ako nang maramdaman ko na parang hinahalungkay ang tiyan ko na agad ko namang ikibalikwas at ikinatakbo papunta sa loob ng banyo. Mahigpit akong napakapit sa gilid ng sink nang hindi ko na mapigilan ang sariling sumuko. Puno na ng butil ng pawis, mangiyak-ngiyak at nanghihina man ay hindi ko magawang maupo sa sahig ng banyo dahil patuloy pa rin ako sa pagsuka ng tubig pero hindi ko alam kung bakit ganito.
Naramdaman ko ang isang kamay na humahaplos sa aking likod habang hindi pa rin matigil tigil ang pagsusuka ko ng tubig. Hinihingal man ay nagpapasalamat akong sa wakas ay natigil na rin ang paghalungkay ng tiyan ko na dahilan ng pagsuka ko. Nagmugmog kahit na nanghihina na inilalayan pa rin ng isang kamay ang likod ko. Inabot ko ang isang puting towel na binigay nito sa akin at pinunasan ang bibig at noo dahil sa napuno ito ng pawis.
Tatayo na sana ako nang tuwid ng mabuwal ako at matutumba sana kung hindi lang ako nasalo at inilalayan ng isang malakas na bisig na mula sa likod ko. Hindi na ako nakapagprotesta pa ng pangkuin ako nito dahil na rin sa panghihina. Inihilig ko ang ulo ko sa malapad nitong dibdib at ipinikit ang mga mata na parang sobra akong napagod sa pagsusuka.
Naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko sa dahan-dahan at puno ng rahan na paglagay nito sa akin. Namumungay na mga mata ko itong tinignan at nang mamukhaan ay napangiti ako sa kaniya dahil sa nakikitang sobrang pag-aalala sa mga mata nitong magandang pagmasdan.
"How are you feeling?" puno ng pag-aalala nitong tanong sa akin nang naupo ito sa gilid ng kama ko at sinusuklay ng marahan ang buhok ko.
"Fine" mahina kong ani pero sapat lang para marinig niya.
"Want something to eat?" umiling lang ako sa tanong nito at ipinikit ulit ang mga mata sa pagod na nararamdaman. "Kailan pa ito nangyayari sa'yo? Puking every morning?"
"Last week" tipid kong sagot sa kaniya habang nakapikit pa rin.
"You're now in your first trimester" tumango-tango lang ako dahil sa sinabi niya.
Alam ko naman kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang hindi ko lang matanggap ay ang sobrang panghihina ko kapag nagsusuka ako sa umaga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nagagawa ng pagbubuntis ko. If only mom was here. Malalim akong napabuntong hininga dahil sa mga naisip. I shouldn't think that way.
"May iba ka pa bang nararanasan pwera sa pagsusuka sa umaga?" patuloy lang ito sa pagsuklay sa buhok ko na napakasarap sa pakiramdam. Para ako nitong hinihele sa paraan ng pagsuklay nito. He really knows how to make me calm in situations like this.
"Dizziness, cravings, emotionally unstable and irritable" hindi ko na magawang imulat ang mga mata ko dahil sa ginagawa nito.
Malamyos naman nitong pinupunasan ng isang malambot na bagay ang noo, pisngi at leeg ko na mas lalong nagpapagaan ng pakiramdam ko. Ngayon lang kasi niya ako naabutan na ganito ang sitwasyon ko dahil na rin sa wala ito mula noong nakaraang linggo dahil sa trabaho nito sa hospital. At ngayong nandito siya ay parang gumaan talaga ang pakiramdam ko. Dahil noong wala siya, para akong palaging binubugbog sa umaga lalo na pagkatapos kong magsuka.
"Let's go to your OB and after that, we'll go to the supermarket to buy some groceries. You okay with that, babe?" malambing nitong tanong na ikinatango ko lang. "Get ready and I'll wait you outside"
Naramdaman ko ang pagtayo nito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko at bago ito maglakad papalabas ay humalik muna ito sa noo ko na ikinangiti ko na lang. That's what I love about him. His gestures na parang magnobyo o mag-asawa kami kahit na matalik lang talaga kaming magkaibigan.
BINABASA MO ANG
Hidden Pleasure (COMPLETED)
General FictionCOMPLETED Book 2 of 3 of Pleasure Trilogy Everything has an end. So as the hidden things of every person that's around you. Will you let those things affect your current normal life? Or will you let that pass for something more hidden desires? Desir...