Chapter 30

377 6 0
                                    

Enjoy reading!

Chapter 30

"WHAT are you doing here?" gulat at hindi makapaniwalang naiusal ko sa taong bumungad sa akin pagkabukas ng pinto ng conference room.

"Checking on you," casual niyang sagot sa tanong ko na parang normal lang na pumunta siya rito kahit na hindi ko siya ipatawag. "And I was about to come inside when the door open." Nagkibit balikat siya at umalis sa harap ko para bigyan ako ng daan.

Tumikhim muna ako bago inayos ang sarili at hindi na siya pinansin pa habang naglalakad papalabas. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo ng isang bulto sa sofa sa lobby ng floor kaya napaharap ako rito at napangiti.

I saw how her eyes watered in happiness and relief. Humakbang ako papalapit sa kanya at walang pagdadalawang isip na sinugod ito ng yakap. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng magkabila kong mga mata dahil sa saya. After months without seeing her, I missed her!

"I missed you, Sab!" masaya at medyo basag ang boses kong wika at kumawala sa yakap naming dalawa. "How are you? It's been months since we last met. Hindi ko alam na rito ka pala nagta-trabaho sa kompanya ni dad."
"Ikaw'ng bobita ka! Hindi ka man lang nagsabi na ikaw ang tagapagmana nitong emperyo na ito!" Namalisbis na ang luha sa kanyang pisngi na ikinatawa ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ang akala ko ay magkapangalan lang kayo pero hindi ko inexpect na ikaw talaga!"

"Ganito mo ba ako namiss kaya ka umiiyak ngayon?" I tried to make our conversation light dahil nadadala na ako sa pag-iyak niya. Ngayon pang buntis ako at alam ko ang hormones ko. "Stop crying, Sab. Tara sa office?"

"Gaga ka talaga at talagang hindi mo sinabi sa aking binuntis ka pala ni –"

"Let's talk in my office, shall we?" pagputol ko sa sasabihin niya dahil ayokong malaman ng lalaking nasa likod namin ang katotohanang tinatago ko sa kanya. "Ano na?" pinandilatan ko siya ng mga mata para itikom niya ang kanyang bibig dahil baka mabuking ako at lalala ang sitwasyon ko.

"Okay. Okay." Nauna na akong maglakad papunta sa opisina ko at ramdam ko namang nakasunod sila sa akin.

Dechel open the door for us and I said my thanks to her when we finally entered my office. Dumiretso ako sa swivel chair ko at agad na naupo dahil pakiramdam ko, sobra akong napagod ngayon kahit na kakasimula pa lang ng araw ko.

"I think you should rest for today, Iria. Masama sa 'yo ang stress." Ang baritonong boses nito ang nanuot sa pandinig ko na bumasag sa katahimikang namayani sa loob ng opisina.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita siyang nakatayo malapit sa pintuan at tipid ko itong nginitian saka bumuntong hininga ng malalim para pakalmahin ang sarili at ang isip ko. Idinako ko ang tingin kay Sab na nakaupo sa ngayon sa pang-isahang sofa at may nagtataka at nagtatanong na mga tingin ang ipinupukol niya sa akin.

"The day had just begun and you're already stressed. Hindi maganda sa buntis iyon at alam kong alam mo na inadvise 'yon sa 'yo ng OB mo." Umiling lang ako sa kanya na hindi nakatingin at hinilot ang sintido gamit ang dalawa kong kamay.

"I'm fine, Reece. Don't you have work?" Hindi ko makakausap si Sab tungkol sa nangyayari sa buhay ko dahil nandito pa siya. Kailan ba kasi siya aalis? "And as you said, the day had just begun. Why are you here and not in your office?"

"I got... worried." Dahil sa naging sagot nito ay naibalik ang tingin ko sa kanya at nagtatanong ang mga matang tiningnan siya. "I heard from your secretary that you'll have a meeting with you department heads and..."

"You already saw and know what happened. You can leave now." Walang gana kong saad at nakita ko ang pagdaan ng sakit at kalungkutan sa kanyang mga mata na agad din namang nawala kaya baka imahinasyon ko lang iyon? "I have some things to do, Reece. So, please, leave."

Hidden Pleasure (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon