Serenity's PoV
Matapos kong makabili ng yelo ay kumuha ako ng t-shirt ko sa loob ng kotse at ibinalot ang yelo dito.
"Here." sabi ko sakanya at inabot naman niya yon at nagpasalamat saka inilapat sa namamaga niyang labi.
Nang bumubuti na ang pakiramdam niya ay tumingin siya akin. "Pwede na ba akong magtanong?" asik niya habang hawak pa rin ang yelong nababalutan ng damit ko.
"Spill the beans."
"Mag isa ka lang?" tanong niya sakin.
"Yes,why?"
"Papunta ka ng Leighton City, tama?"
"Yes,why?"
"Can you do me a favor?"
"Ano?"
"Pwedeng makisabay?"
"Yes wh- wait what the hell!" sinamaan ko siya ng tingin. Geez hindi porket may kasalanan na ako sakanya eh pwede na siyang humingi ng pabor sakin. We're strangers after all.
"Please! Doon din kasi ang punta ko." pagmamakaawa ng kumag sakin.
"Paano ka nakarating dito kung wala kang sasakyan huh?" tanong ko sakanya. this is a stop over after all, imposibleng dito siya nakatira eh wala namang ka bahay-bahay dito.
"Unfortunately, naiwan ako nung bus na sinakyan ko dahil nakatulog ako sa kinauupuan ko kanina."
"Kasalanan ko pa ba?" pagtataray ko sakanya sinasayang niya lang ang oras ko.
"Oh I'm sorry, Thank you nga pala sa oras mo. Maghihintay na lang ako ng bus na mag istop over dito." malumay na pagkakasabi niya na may bahid na kabiguan.
Wait is he guilt tripping me? Nakaramdam naman ako ng awa sakanya dahil baka manigas lang siya kakahintay dito malamig at madilim pa naman sa parte na toh.
Akmang aalis na siya sa harapan ko ng hinawakan ko ang balikat niya. "Hey, I don't know who you are because we're strangers after all pero sige pwede ka nang sumabay sa akin, and mind you na hindi ko ito ginagawa dahil naguilty ako o naaawa ako, papayag ako sa pabor mo dahil alam ko yung pakiramdam nang nag iisa." asik ko namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko. Dali dali ko naman itong pinunasan dahil ayokong may nakakakita na mahina ako.
Humarap naman siya sa akin nang may ngiti sakanyang putok na labi at tinapik ang balikat ko."Hey it's okay to cry. The feeling is mutual, I've been there. Cry if you want...ako lang naman ang makakakita." pang aalo niya sakin. Okay mabait naman pala itong lalaking toh.
"No I won't c..cry beacause I don't want to" pinangako ko sa sarili kong hindi na ulit ako iiyak.
Matapos ang nakakailang na katahimikan ay inilahad niya ang kamay niya sa akin. iwww baka may germs.
Nahalata niya ata ang pandidiri ko kaya natawa ulit siya.
"Hey don't worry malinis ang kamay ko." napa irap na lang ako
"Riley Vasquez" asik niya nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ba ang kamay niya pero tinanggap ko na lang ito at nakipag shake-hands.
"Serenity" saad ko na lang at hindi ko na sinabi pa ang buo kong pangalan. Hindi naman kami close nang taong toh.
"Nice name, Let's go? I'll drive, you should rest." Riley.
Tumango na lang ako dahil pagod na din naman akong magmaneho. Okayy, do I need to thank him for his kindness? Nah wag na lang baka nagbabalat kayo lang pala ang tao na toh.
Way to go Leighton, here we come.
Thank you for reading!♡︎
VOTE AND COMMENT!♡︎
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...