Chapter 5

94 19 0
                                    

Serenity's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Serenity's PoV

Naalala kong magpaparegister nga pala ako sa school pero...nakaramdam ako ng pagod dahil sa biyahe kaya napagpasyahan kong magshower na muna bago matulog.

Pagkabukas ko pa lang ng kwarto, laglag ang panga ko ng tumambad sa akin ang napakakalat na silid.. will this day get any worst?!

Pero nagulat din ako ng may babaeng nakaupo sa may kama at parang nakashabu?. Kagat kagat kasi nito ang kuko niya at may sinasabi ito pero hindi ko maintindihan.
Sasakit lang ang ulo ko sakanya...makashower na nga lang.

Akmang lalabas na ako nang magsalita ito.

"Na...natatakot a..ako" nauutal na asik niya. Seriously baliw ba tong tao na to?

Teka..tama ba yung narinig ko? Natatakot siya?

"Hey, saan ka natatakot?." wika ko na lang dahil nacucurious ako sa pinagsasabi nito.

"Nakita ko si..s..siya walang a..awa niyang p..pinatay yung tao...na..tumu..tuloy...sa dormitoryong ito.

Mababaliw na talaga ako sakanya.

"Seriously...wala akong naintindihan sa sinabi mo, kumalma ka muna pwede?" ayokong magsungit sakanya pero naiinis na ako.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa....

Hinila niya ako at itinapat ang mukha niya sa akin hindi na ako nagpumiglas nang magsalita ulit siya.

"May pumapatay dito sa dormitoryong toh! Wala na tayong takas sa impyernong toh! Papatayin niya tayong lahat!" sigaw niya...kadiri tumalsik pa yung laway niya sa mismong mukha ko.

Natawa na lamang ako, confirmed baliw nga talaga "Alam mo kulang ka lang sa tulog at kain mabuti pang sumabay ka na lang sakin sa baba." sabi ko na lang para matapos na ang usapan pshh.

"Maniwala ka saakin! Parang aw..awa mo na!"

Kung wala lang akong awa dito baka nasuntok ko na siya.

"You know what....you're just wasting my time here. Pagod na pagod ako ngayon so please...manahimik ka muna pwede?" asik ko na lang at iniwan na siya sa kwarto.

-------------

Maghahating-gabi na pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Naalala ko na naman ang pamilya ko pati na rin ang kaibigang inakala kong magiging kakampi ko hanggang sa huli.

Kahit naman galit ako sakanila, hindi ko maiwasang malungkot dahil wala pang tumatawag sakanila kahit isa.

Wala nga talaga silang pakialam.

Napatingin ako sa kama na katabi lang ng akin. Buti pa itong baliw na 'to, mahimbing na ang tulog. Hindi ko pa alam kung anong pangalan niya at wala naman akong balak na tanungin.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon