Chapter 16

54 8 0
                                    

Serenity's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Serenity's PoV

Pabalik na ako sa room ko bitbit ang mga pinamili ko kanina. Matapos ko kasing idala ang mga damit ko sa laundry ay napagpasyahan ko na mag grocery muna.

"Saan ka galing?" Nagulat ako nang sumulpot si riley sa may gilid ko at inagaw sakin ang mga plastic bag na bitbit ko.

"Really riley?! Kung saan saan ka sumusulpot!" bulyaw ko sakanya.

"Sorry kung nagulat kita, papunta din kasi ako sa room ko." sagot niya.

"Saang floor ka ba?" tanong ko dahil hindi ko naman alam kung saan ba ang lalaking ito.

"Doon din sa floor mo." sagot niya na siyang ikinagulat ko. Bakit hindi ko man lang siya nakikita doon?

Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa. Malapit na kami nang huminto siya.

Tinuro niya ang pinto sa may gilid ko. "That's my room." tugon niya habang nakaturo pa rin sa may pinto ang kanyang daliri.

Room 22.

I'm about to ask something nang makarinig ako ng sigaw malapit sa amin.

"Ang cupcake ko!"

"My phone!"

Napalingon ako doon agad at nakita kong si reign pala ang isa. Nakatalikod kasi ang isa pang sumigaw kaya hindi ko ito makilala. Maging si riley ay napalingon sakanila.

"What the hell! Nakatunganga ka lang ba diyan ha?! Pulutin mo ang phone ko dahil it's your fault naman!" sigaw ng babae kay reign.

Familiar yung boses niya.

"Huhu sorry po ate, hindi ko sinasadya." sagot naman ni reign at dali daling kinuha ang cellphone sa sahig at pinunasan ito.

Dali dali niya naman itong ibinigay sa may ari. Ngayon ko lang napansin na may mga cupcake palang natapon sa sahig. Iyon siguro yung binake ni reign kanina.

"Minsan kasi, 'wag kang tatanga-tanga naiintindihan mo?!" bulyaw ng babae sakanya.

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya.

"Opo, so...sorry po." saad naman ni reign na mangiyak ngiyak na.

"And what is that?" turo ng babae sa cupcake na nasa sahig. "Cupcake? Oh maybe trash." saad nito at natawa.

Napayuko naman si reign at kukunin na sana ang mga cupcake nang biglang inapakan ng babae ang isa sa cupcake.

"Oops sorry my bad." saad naman nito at tumango lang si reign. Hindi ko na nakayanan pa at nagsimula na akong mainis nang apakan niya pa ulit ang isa at dinurog ito.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon