Serenity's PoV
Nang makalabas na ako doon ay dinaluhan nila agad ako.
"Anong nangyari bakit ang tagal niyo?" tanong ni charles.
"Kaya nga, anong nangyari?" pagsesegunda naman ni reign.
"Umamin na ang suspek." saad ko na siyang ikinagulat nila.
Halos lahat ng nandito ay napatingin sa akin.
"Sino?"
Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Si sean." saad ko.
Lahat sila ay gulat sa narinig.
"Yung class president niyo yun diba?"
"Naturingan na president tapos kriminal pala."
"Omg hindi ako makapaniwala."
Kanya kanya na sila nang bulungan. Lumabas muna ako dahil naiirita na ako nang may magsalita sa likod ko.
"Serenity."
Napaharap ako sa nagsalita. Si zylyn pala.
"Sino ka ba talaga?"
Nagulat ako sa tanong niya.
"Zy, what the hell are you talking about?" saad ko naman.
"Baguhan ka pa lang dito pero nakuha mo na agad ang atensyon ng lahat."
"Zy-"
Humakbang siya palapit sa akin. Wala akong ibang makita sa mata niya kundi galit. Ibang-iba sa zylyn na nakakasama namin.
"Sa tuwing kasama ko si reign sa dorm, wala siyang ibang bukambibig kundi ikaw. Ang sakit lang, ako yung nandyan parati sa tabi niya pero ikaw yung hanap." malamig niyang saad.
"Maging sila charles, ano ba ang meron sayo na wala sa akin? Sila na lang ang natitira sa buhay ko, huwag mo naman sana silang ipagkait sa akin serenity!" saad niya at tuluyan ng pumatak ang luha niya.
"Hindi ko naman sila ipinagkakait sayo zylyn, kung ayaw mong nakikita na ako yung lagi nilang sinasamahan hindi ko na kasalanan yon." wika ko sakanya. Ayaw ko nang pahabain pa ang pagtatalo namin kaya bumalik na lang ako sa loob para magpaalam sakanila na uuwi na ako sa dorm.
"Oh saan ka galing?" tanong ni reign.
Tumabi naman ako sakanya. "Uuwi na ako sa dorm." tipid kong saad.
"Hatid na kita." saad ni charles.
"Ako na, hatid na kita serenity." si pyro.
"Here we go again. Tara na nga." saad naman ni reign.
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Misterio / SuspensoSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...