Third Person PoV
Hilong hilo man. Patuloy pa rin sa paglalakad si Ivory sa madilim na kanto. Galing kasi ito sa bar at lasing na lasing ito.
Nang biglang may nakabangga sakanya at napasalampak siya sa sahig. Tinulungan naman siya nito at inalalayan.
Ang hindi niya alam ay ito pala ang tatapos sa buhay niya.
Nang masigurado ng salarin na walang makakakita at makakarinig sa gagawin niya ay dali dali niyang inundayan ng saksak ang biktima.
"Ahhh!" parang gripo na umagos ang dugo nito galing sa hita niyang nasaksak.
Hindi pa nakuntento ang salarin at sinaksak niya pa ang kabilang hita nito dahilan para magsilabasan ang napakaraming dugo nito.
Para na tuloy naliligo si ivory sa sarili niyang dugo.
Patuloy lang siya sa pagsaksak nang may marinig siyang kalabog malapit lang sa kanila. Saktong paglingon niya sa pinanggalingan ng tunog ay siyang pagtakbo ng bulto ng tao.
May nakakita sa ginawa niya.
Dahil sa galit at inis ay pinagtataga pa rin niya ang biktima kahit nalagutan na na ito ng hininga.
Dali dali siyang umalis doon at nagtungo sa pinagtaguan kanina ng witness, Nang may maapakan siya.
Student Id ng witness.
Napangisi na lang ito dahil siya na ang susunod niyang ililigpit.
-----------
Serenity's Pov
Mag-iisang oras na din kaming nagtatawanan at nagkwekwentuhan. Ngayon lang ulit ako makaramdam ng ganitong saya.
"Serenity, may regalo pala ako sayo....check mo na lang mamaya sa freezer." nakangiting wika ni reign.
Ano naman kaya yun?
"Bakit ang tagal ni mark at pyro?" tanong ni zylyn. Bumili kasi sila ng chips sa convenient store.
Nagulat kami nang sumigaw si charles.
"Omg! Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" sabi niya na may patakip takip pa sa bibig na para bang gulat na gulat.
"Ilabas mo utak mo para malaman namin."
"May isip ka pala."
"Tanong mo sa pagong."
Sabi naming tatlo dahilan para magtawanan na naman kami. Si charles naman ay nakatingin na pala sa amin ng masama.
"Pinagkaka isahan niyo talaga ako! huhu." wika niya habang nakasimangot.
"Ano nga pala yung naiisip mo?" tanong ko na lang sakanya.
"Buti pa si serenity, concern sa akin."
"Hindi noh, curious lang ako sa nasa isip mo." pambabara ko at nagtawanan naman si reign at zylyn.
"So yun nga, nagtataka kayo kung bakit antagal dumating nung dalawa diba?"
Tumango naman kaming tatlo.
"Paano kung....ahihihi paano kung may lihim na pag iibigan pala sina mark at-"
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang lumipad ang unan sa mismong mukha niya. Sapul.
Nasundan pa ito ng isa kaya ang nangyare
Naghampasan kami ng unan.
Hampas dito. Hampas doon.
"Awat na...pagod na ako." saad ni charles na hinihingal na nga. Natawa na lang ako sa itsura niya.
Saktong nag aayos kami ng kalat ng dumating sila mark at pyro dala ang mga chips na binili nila.
"Yeyy! More food to eat!" masayang wika ni reign na may patalon talon pa sa sofa.
"Bakit pala ang tagal niyo?" Alam niyo bang iniisip ko pa lang na nagta-"
Hindi ko na pinatapos pa si charles dahil alam na namin kung anong sasabihin niya. Binato ko siya ng remote.
*POK*
"Aray! huhu kanina ka pa!" pagrereklamo niya at natawa ulit kami.
"Ano yun charles?" nagtatakang tanong ni pyro.
"Wala yun!" sabay pa naming wika nila reign at zylyn.
Nagkibit balikat na lang siya at sumalampak sa sofa.
"I'm thirsty." saad ko. Tumayo ako at dumiretsyo sa kusina para kumuha ng tubig.
Bigla kong naalala yung sinabi ni reign kanina na ibibigay niya sa akin. Nasa freezer daw iyon at biglang nagningning ang mga mata ko sa nakita.
Punong puno ng tocino ang freezer!
Hindi pa kumasya dahil nasa baba yung iba.
Napatalon na lang ako sa tuwa at dali daling nagtungo kay reign para yakapin siya ng napaka higpit.
"Nakita mo na? Sabi ko na nga ba matutuwa ka eh." nakangiting sabi niya at niyakap din ako pabalik.
"Thank you so much! Sobrang saya ko!" tuwang tuwa kong saad sakanya siya naman ay natawa sakin.
"Sali!!" sigaw ni charles at dali daling nakiyakap sa amin.
"Me too!" sigaw din ni zylyn at agad nakiyakap.
"Me three!" sigaw din ni mark and lastly, "Me four!" dali daling tumakbo si pyro sa amin at naki group hug.
Ahhh hindi na ako makahinga dahil sa yakap nila kaya agad akong bumitaw.
"Guys, I'm kinda sleepy na. Let's call it a night." pagpapalusot ko na lang at dali dali din silang bumitaw sa isa't isa.
"Okay! Tara tulog na tayo!" sabi naman ni reign. Hinila niya si zylyn at inakbayan kaming dalawa.
"Good Night boys!" sigaw ni zylyn sa kanila. Sa may sahig sila matutulog at kaming tatlo naman ay sa kama ko.
"Good Night!"
Dali dali naman kaming pumasok sa kwarto. Naalala ko nga pala si alexa, hindi kaya siya uuwi?
"Saan yung ka roommate mo serenity?" tanong sa akin ni zylyn. "Uh ang sabi kasi niya may bibisitahin daw siya sa hospital." sabi ko na lang at tumango lang din siya.
"Good Night Serenity, Good Night Zylyn, sweet dreams." si reign na nasa gitna namin.
"Good Night."
Ang daming nangyari sa araw na toh. Pero matutulog akong may ngiti sa labi. Maybe I deserve nothing but happiness.
Si alexa at alice ay iisa. Makakalimutin lang talaga ng pangalan si serenity. ^_^
Thanks for reading!♡︎
VOTE AND COMMENT!♡︎
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...