Chapter 30

95 7 0
                                    


Third Person PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person PoV

Matapos niyang iligpit ang bangkay ni riley, bumalik siya sa kanyang hideout.

Pagpasok niya doon ay nakita niyang walang malay ang dalawang dalaga sa selda.

"Tignan natin kung hanggang kailan kayo tatagal." pabulong na asik niya.

Lumapit siya sa bulletin board na nasa gilid kung saan nandoon ang mga litrato ng mga nabiktima niya at bibiktimahin pa lang. Namarkahan ng pula ang mga biktima na. Kinuha niya ang litrato ng isang babae.

Room 23

"Hmm ikaw na pala ang susunod HAHAHA." napahalakhak siya na parang wala ng bukas.

Lumabas na siya doon para simulan ang kaniyang plano.

Reign's PoV

Naglalakad ako ngayon papunta sa school. Nawawalan na ako ng ganang mag aral pero iniisip ko din si dad, baka madissapoint siya. Hays.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na wala si serenity. Sana lang ay nasa mabuting kalagayan siya ngayon.

Napahinto ako sa paglalakad.

Ayokong isipin na baka dinakip nga siya ng psychopath na iyon. Malakas at Matapang si serenity kaya alam ko na sa puntong ito, ligtas siya.

*KRINGGG *KRINGGG

Binilisan ko na ang paglalakad dahil tumunog na ang bell ng school palatandaan na magsisimula na ang klase.

Malapit na ako sa room namin nang biglang...

*BLAG

Napaupo ako sa sahig nang may bumangga sa akin. Agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili.

"Bitch bulag ka ba?! ohh ikaw pala yan reign." sarkastikong saad ni aya. Napatingin ako sa dalawang bagong alipores niya na nakatingin din pala sa akin.

"Oo ako nga aya, hindi naman ako bulag. Ikaw yung bumangga sakin eh...baka ikaw?" saad ko. Nakita kong nagsalubong ang kilay nito.

"Anong sinabi mo?!" iritadong tanong niya.

"Hindi ka lang pala bulag, bingi ka pa!" sigaw ko at kumaripas na ng takbo patungo sa room.

"You Bitchhh!"

Narinig ko pa ang sigaw niya ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa upuan ko.

Napalingon ako sa may bintana at nakita kong papunta na dito sila aya. Sobrang sama ng tingin nito sa akin.

"Good Morning class, today is april first so...happy april fool's day!" saad ng aming guro na nakatayo sa harapan. "Alam ko namang pagod na din kayo sa pag aaral kaya naman vaccant niyo muna sa subject ko." Nagsigawan naman ang lahat sa tuwa. Nakita naming hawak na nito ang bag niya at handa ng lumabas ng room ng huminto ito sa tapat ng pinto.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon