Chapter 29

80 8 7
                                    

Reign's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Reign's PoV

Ilang araw na din simula ng umalis dito si serenity. Hanggang ngayon ay nagdududa pa rin ako kung nagsasabi ba ng totoo ang guard sa dorm.

Nagbibihis ako nang may kumatok sa may pinto. Agad akong nagtungo doon at binuksan.

"Pyro.."

Napabuntong hininga ito at ngumiti sa akin. "Good Morning reign, papasok na kasi ako sa school, sabay na tayo." saad niya.

"Uhm pasok ka muna...aayusin ko lang yung gamit ko."

Tumango naman ito. Nakaupo siya sa may sofa at napapatingala sa kisame na may mga picture frame.

Biglang sumagi sa isip ko ang nakita ko noon sa ibabaw ng kama ni serenity. Hindi kaya niya inuwi yon?

Pupuntahan ko na lang pala si alice.

Pagkatapos ko na magbihis, sinabi ko kay pyro na dadaanan muna namin ang room nila alice. Pumasok na kaya siya?

Kinatok ko ang pinto, ilang segundo din ay pinagbuksan na niya ako. Nakabihis na din siya ngunit hindi pa nasusuklay ang kaniyang buhok.

Pagkakataon na ito para malaman kung nandoon pa din ba ang gamit ni serenity.

"Maaga pa naman alice...hintayin ka na namin." saad ko. Tumango naman ito at pumasok na kami doon.

"Ah alice, yung mga gamit ni serenity...nandito pa din ba?" tanong ko sakanya. Tumango naman ito.

Kung umalis nga siya kasama ng papa niya, bakit hindi niya kinuha ang gamit niya?

Sinamahan niya ako sa kwarto nila. Nandoon nga ang mga gamit niya. Pumunta kami dito noong gabing hinahanap namin siya at ganitong ayos ang nadatnan namin. Napatingin ako sa side table niya.

Charger, coin purse, earphone. Halos lahat ng ginagamit niya ay nandito.

Kinalabit ako ni alice na nasa likuran ko pala at may binigay siyang papel sa akin.

Nagtataka ka din ba? Hindi ang papa ni serenity ang kumuha sakanya nung gabing iyon. Kung hindi ako nagkakamali baka ang psychopath ang kumuha sakanya. saad ni alice sa sulat.

She's right. That psycho disguise as her dad. Napaniwala niya ang guard! And that means...lalaki ang killer. He tricked us!

"I knew it, may mali sa nangyayari." saad ko. Lumabas ako doon at nagtungo sa kinaroroonan ni pyro.

"Pyro I need to tell you someth—" natigil ako nang may mapagtanto. Lalaki ang killer, hindi dapat ako nagtitiwala kahit kanino. Kahit kaibigan ko pa.

Napatayo ito mula sa kinauupuan niya. "Bakit reign?"

"U-uhm...nakabihis na si alice, tara na." saad ko. Hindi ko mapigilang mautal, baka mapansin niya gosh!





Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon