Chapter 23

60 8 1
                                    

Serenity's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Serenity's PoV

"Ahhh! Riley!" sigaw ko nang buhatin niya ako at dinala sa dagat. "Son of a biscuit eater! Bitaw!" Nagpumiglas pa ako pero huli na ang lahat ng bitawan niya ako doon.

"Yiiii!" kantyaw pa nila sa amin.

Aish humanda talaga siya sakin!

"Ahhh!" Nakarinig ako ng sigaw. Pagmulat ng mata ko ay nakita kong si charles pala iyon.

"Bakit ka sumisigaw?" tanong ni reign sakanya.

"Ah trip ko lang?" saad niya at nakakuha siya ng batok kay reign.

Dahil basa naman na ako ay lumangoy langoy na lang ako. Nakita ko pa si riley na lumapit kila charles at nagwisikan ng tubig.

Napatingin ako kay reign at mukhang nagkakatuwaan sila ni alice. Nakakatuwang makitang nakakangiti na ulit siya ng walang halong peke sa kabila nang dinanas niyang sakit sa kamay ng masamang tao at pagkawala ng kanyang kapatid.

"Guys balik muna ako sa cottage." saad ni reign at dali daling umahon.

Lumangoy ako palapit kay alice dahil wala siyang kasama. "Nag enjoy ka ba?" tanong ko sakanya. Tumango naman ito sa akin. Umahon na muna ako at naupo sa may buhangin. Sakto namang dumating si reign ngunit hindi na niya dala ang kaninang malawak niyang ngiti.

"Reign, may problema ba?" tanong ko sakanya pero umiling lang ito at tumabi sa akin. Muli na naman itong tumayo. "Guys kain na, mag start na ang boodle fight natin." malumanay nitong sambit.

Umahon naman na ang tatlo doon at lumapit sa amin. Hinawakan pa ni reign ang kamay namin ni alice at nagsimula ng maglakad.


"Wooh! Gutom na ako!" sigaw pa ni charles na animo'y hindi nakakain ng isang taon.

"Dude daming chix." saad naman ni pyro sa likuran namin.

"Ayoko." tipid na sagot ni riley.

"Eh ikaw charles?" tanong ulit ni pyro.

"Pass."

"Look oh, may yayamaning dibdib." saad ulit ni pyro sabay turo sa mga babaeng nagtatakbuhan patungo sa kani kanilang cottage.

"Passado!" sigaw nito.

Napatingin ako sakanila at napakalawak ng ngisi ng dalawang kumag.

"Busog na ako." bulong pa ni charles habang nakatingin sa mga babae.

Natigil naman sa paglalakad si reign at humarap kay charles. "Eh di wag ka ng kumain! Wala ka namang ambag!" sigaw nito.

Nagsalubong naman ang kilay ni charles. "Anong walang ambag?! Meron kaya!" sigaw din nito at nagbangayan na nga ang dalawa.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon