Chapter 15

59 9 0
                                    

Serenity's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Serenity's PoV

"Hindi ka naman talaga kabilang dito sa pamilyang ito eh, and you will never be! Sampid ka lang!"

"Ha! Friends? Kailan man hindi kita tinuring na kaibigan!"

Hingal na hingal ako nang magising. What a stupid dream.

Nagtungo na lang ako sa kusina para uminom ng tubig. Habang pinapakalma ang sarili, ngayon ko lang napagtanto na wala pala dito si alice.

Kahapon pa naman siya lumabas sa hospital.

Hindi kaya...

Sa mental institution na siya dinala?! Oh no!

Natawa na lang ako sa naisip ko.

Napagpasiyahan ko na maglakad lakad muna. Weekend naman at wala akong ibang inaatupag. Nang makalabas na ako ng silid ay napadako ang tingin ko sa pintuan ni kuya donie.

Nakaawang kasi ito. Maglalakad na sana ako nang marinig kong nagsasalita ito na tila ba may kasama siya sa silid na iyon.

"Alice, go take a bath first." saad ni kuya donie.

WAIT....

Alice?

OMG! Napatakip na lang ako ng bibig sa naisip ko, no hindi maaari! Nililinlang lang ako ng tenga ko!

"You can use my bathroom, baka tulog pa ang kasama mo doon, kaya dito ka na maligo." dinig ko pang sambit ni kuya donie.

PAKSHET!

No....I can't even think straight right now...Gosh! Tama ba talaga ang narinig ko?

"Baby, magpapaalam ka pa ba sa kasama mo?" tanong ni kuya donie sa girlfriend niyang si alice at hindi si alice na alice.

Tama! Baka ibang alice lang yan 'diba...madaming alice ang nagkalat sa mundo.

Bwisit! Ano ba kasing pake ko kung sino iyon! Aishh!

Gustuhin ko mang ihakbang ang paa ko palayo doon ay hindi ko magawa. Pinipigilan ako ng isip ko at sabi niya ay makinig lang daw ako sa mangyayari.

"Faster...baby, malelate na tayo sa flight." wika niya. Aalis na siya?

Nakakalungkot isipin na wala na akong magiging kargador kung sakali mang aalis na din ako dito huhu.

Ilang minuto din ang lumipas ay dinig ko na lalabas na sila kaya lumayo ako ng konti sa may tapat ng kanilang pinto at nagkunwaring nagsstretching lang.

Sakto namang napatingin ako doon, inilalabas ni kuya donie ang mga bagahe mula sa loob ng kanyang silid.

*dug dug dug dug*

Parang tinambol ang puso ko dahil sa nakita. Kitang kita nang dalawang mata ko kung paano alalayan ni kuya donie si alice palabas ng room niya.

Nagkunwari naman akong nagjojogging malapit sakanila at dumiretsyo sa may tapat ng pintuan namin.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon