Reign's PoV
"I understand your concerns to your friend, pero kung ngayon kayo luluwas madami dami kayong mamimiss na lessons." saad ng adviser namin.
"Malayo po ba yun ma'am?" tanong naman ni charles.
"Sa pagkakaalam ko, malayo nga. Nalalapit naman na ang isang linggong bakasyon niyo. Kaya siguro mas mainam na hintayin niyo na lang okay?"
Tumango naman kaming apat. Sa susunod na buwan pa iyon.
"Okay ma'am, we'll wait na lang po. Thank you." saad ni pyro at lumabas na kami doon.
"Malayo pa yung one week vacation natin ihh!" saad ni charles.
"Malapit na yan, kaysa naman mahuli tayo sa mga lessons diba?" wika ni pyro. Tumango tango na lang si charles.
"Ako na magluluto ng fries." saad ni charles.
Nandito kami ngayon sa room nila alice. Wala nga pala siyang kasama dito dahil wala nga si serenity.
Nakaupo sa sofa si pyro habang nagbabasa ng libro. Si alice naman ay pumunta din ng kusina, dahil wala naman akong magawa dumiretsyo na lang ako sa kwarto nila.
Umupo ako sa may kama ni serenity. Namimiss ko na talaga siya. Inaalis ko ang sapatos ko ng bigla kong maalala ang mga gamit niya sa ilalim ng kama.
Hinila ko palabas ang isang karton. Dali dali ko naman iyong binuksan at gaya ng dati, bumungad sa akin ang mga litrato nilang magkaka pamilya.
Natigil lang ako sa paghalughog nang may kumatok sa pinto.
"Reign."
Hindi ko na lang binalik ang karton. Hindi naman siguro sila magagalit sakin dahil nangingialam ako ng gamit.
"Pyro."
"Pwede ba akong pumasok? I'm kinda bored na eh." saad niya. Tumango naman ako.
"What are you doing here?" tanong niya sa akin at umupo sa kama ni alice. Napatingin siya sa mga gamit ni serenity na nasa sahig. "Oh, nasa harap ko na ang sagot." saad niya.
Bumuhos na naman sa aking isipan ang mga alaala na kompleto pa kaming magkakaibigan. Naramdaman ko na lang ang patak ng luha saking mga mata.
"You miss them?" tanong sakin ni pyro. Tanging tango lang ang binigay ko.
"Gusto kong bumalik sa dati ang lahat, pero mukhang malabo na iyon dahil unti unti na tayong inuubos ng killer." saad ko. "Natatakot na ako sa mga nangyayari." dugtong ko pa.
"Kalma ka lang reign, maibabalik din sa dati ang lahat."
"Paano ka nakakasiguro?" Tumingin ako sakanya at nakita kong sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi.
"Don't lose hope, diba nga pupuntahan pa natin ang tirahan ni serenity." saad niya. Wala naman na akong ibang masabi kaya tumango na lang ako.
Nakarinig kami ng sigaw mula sa labas.
"Nakahanda na ang miryenda!" saad ni charles.
"Mauna ka na pyro, susunod ako." saad ko sakanya. Tumango lang naman ito at lumabas.
Ibinalik ko ang aking tingin sa mga gamit niya at naisipan na ibalik na ito sa ilalim ng kama.
Bigla akong napaisip kung anong motibo ng killer? Bakit niya ginagawa ito?
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakahanda na ang miryenda sa mesa at nakatutok silang tatlo sa tv. Bigla namang naramdaman ni charles ang presensiya ko kaya umusog siya ng konti sa sofa. "Upo ka dito." saad niya. Nang makaupo ako doon ay inabutan niya ako ng fries at tumingin siya sakin.
"Anong ginawa mo dun sa loob?" tanong niya at kumuha ng fries sa bowl.
"Namiss ko lang si serenity." malungkot kong saad.
"Magkikita din kayo non, babalik din siya dito." saad niya at ngumiti ng malawak na nagpagaan ng loob ko. Sinuklian ko din siya ng ngiti at ibinaling ko ang tingin sa tv.
Inilipat ko sa balita ang channel nagbabaka sakaling may nasagap silang balita tungkol sa krimen na nangyayari dito sa lugar na ito at nakapagtatakang wala man lang silang ibinalita tungkol doon. Maging sa kwarto ko ay lagi kong inaabangan ngunit wala din.
Hindi ko maintindihan pero parang may maling nangyayari dito.
-----------------
Serenity's PoV
Para na rin akong pinatay matapos kong masaksihan na malagutan ng hininga ang kaibigan ko. Sana pinatay na lang din ako ng killer hindi yung pinapahirapan niya pa ako ng ganito.
And then it hit me.
May naghahanap din kaya sa akin? Nakakalungkot namang isipin na hindi ako makikita ng pamilya ko. Sa totoo lang namimiss ko na sila.
At isa pa ang killer na yon. Pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko siya makilala dahil sa gamit nitong voice changer.
Alam kong malabong makatakas ako dito pero kailangang kong tumakas sa impyernong ito.
Third Person PoV
Matapos maihatid ni alice sina reign ay dali dali itong tumakbo sa kanyang kama na tila natataranta.
Dapat sinabi ko na agad sakanila na maling desisyon ang lumuwas ngayon. sabi ni alice sa kanyang isip.
Malakas ang kutob niya na may hindi magandang mangyayari sa biyahe ng kanyang kaibigan ngunit may pumipigil sakanyang sabihan sila agad. Marahil ay ayaw niyang maudlot ang plano nila o ayaw niyang madismaya sila sakanya.
Bigla niyang naalala ang kapatid niya. Kung hindi dahil sa kuya niya ay malamig na bangkay na sana siya noon.
Makakatakas ako dito kuya. Tutuparin ko ang hiling mo. sabi nito sa isip.
Thanks for reading!
VOTE and COMMENT
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Misterio / SuspensoSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...