Chapter 9

78 14 1
                                    

Serenity's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Serenity's PoV

Maaga akong pumasok dahil nagtext sa akin si reign na magkakaroon daw ng kaunting misa para sa namatay na schoolmate namin nung isang araw.

I wonder kung paano siya namatay.

Nang makapasok na ako sa school ay dali dali akong sinalubong ni reign at binigyan ng isang kandila.

"Tara na sa gym." malumanay nitong wika. Wala na akong nagawa nang hinila niya na ako doon.

Nakatayo kaming lahat sa gym dala dala ang kandila. Ilang oras din ang lumipas nang matapos na ang misa at pinabalik na kami sa room namin.

Dinig na dinig ko ang bulungan ng kaklase ko tungkol sa namatay.

"Kawawa naman noh, balita ko pinagsasaksak daw siya sa may madilim na eskenita."

"Oo nga! Mabuti pa huwag na nating pag usapan iyon."

Bigla kong naalala yung sinabi ni-alicia na may pumapatay daw at nakita niya mismo. Dapat pala nag iingat ako.

"Serenity." saad ni reign na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. "Half day lang daw tayo ngayon." dugtong niya kaya tumango na lang ako.

"Okay ka lang ba? Namumutla ka ata." turo ni zylyn sa akin.

"Kulang lang sa tocino yan." sabi naman ni charles at sinundot sundot niya ang braso ko. "Tara sa cafeteria, may tocino sila sa menu ngayon, libre ko." bulong niya kaya agad akong napangiti at inakbayan ko siya. yeyyy hulog talaga ng langit tong si charles.

"Hoy anong binubulong mo diyan charles!" si mark na nasa gilid pala namin. "Naglilihim ka na." malungkot niyang sabi sabay hawak sa dibdib niya na animo'y nasasaktan.

"Sunod na lang kayo sa amin ni serenity!" sabi ni charles at lumabas na kami. "Bye!" tatakbo na sana kami nang mahila nila ang polo ni charles.

"Taksil ka charles! Hindi mo dapat kami iniiwan!" pagdadramang wika ni reign.

"Tama tama, kung ano man yung binulong mo kay serenity dapat alam din namin." wika naman ni zylyn.

"Aishh pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito, Sumama na lang tayo." saad naman ni pyron at sabay sabay nga kaming pumunta sa cafeteria.

Nang makarating na kami sa cafeteria ay dali dali kaming pumunta sa six sitters dahil saktong anim lang kami.

Sila reign, charles at zylyn ang umorder at kaming tatlo naman nila pyron at marky ang naiwan dito.

"Serenity." asik ni marky na nakatingin pala sa akin. "May banat ako sayo." wika niya na may malawak na ngiti. Weirdo.

"Ayan ka na naman sa mga banat mo mark, tsk huwag mo ngang biktimahin si serenity." asik naman ni pyron.

"Spill the beans." saad ko na lang dahilan para mapangiti siya lalo.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon