Serenity's PoV
Monday na ngayon at naghahanda na kaming magkakaibigan para sa pupuntahan naming beach resort. Nag iimpake si alice ng damit naming dalawa habang ako naman ay nagluluto ng babaunin namin.
Kahapon pa umalis si tara dito sa dorm at wala man lang akong balita sakanya. Sana ligtas siya ngayon.
Napatigil ako sa pagluto nang nagvibrate ang phone ko.
Reign calling...
[Good Morning! Nakahanda na ba kayo? Sunduin ka namin later diyan sa room niyo!] masiglang bati ni reign sa kabilang linya.
[Uhm I'm still cooking, sige I'll wait for you guys."]
[CHARLES!!! give me back my phone!] nagulat ako sa sigaw ni reign.
[Naaamoy ko na yang niluluto mo dito! Hmmmmm tocino yan noh??] saad ni charles.
[Yep]
[Sabi na eh HAHAHA, patayin ko na itong cellphone ni reign kasi baka masunog yang niluluto mo byee!] saad nito at nagulat ako nang
*BOGSH*
[Charles!! What the heck! Bakit mo binagsak ang phone ko?!] sigaw ni reign at parang nagkakagulo na doon.
[Papatayin ko na nga yang phone mo diba?] saad naman ni charles.
Siraulo.
[You frog! I'm gonna kill you!] sigaw ni reign at narinig kong tumakbo ito.
Baka hinabol ang batang kumag.
[Uhm okay guys, bye.] saad ko na lang at pinatay ang tawag.
Pagkatapos kong mailuto lahat ng tocino ay inilagay ko ito sa malaking tupperware. Madami dami din ito at siguro naman ay kakasya na ito sa aming lahat.
Pinuntahan ko naman si alice sa kwarto at nakita kong nagbibihis na ito. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Are you ready?" tanong ko at tumango ito sabay thumbs up.
Ang usapan namin ay limang araw kami doon para naman mawala ang stress namin. Nakarinig ako ng katok sa may pinto kaya dali dali akong lumapit doon.
"Ready na ba kayo guys!??" masiglang saad ni reign at pumasok sa loob kasama sina mark, charles, pyro at zylyn at si riley?
Napansin naman nila ang pagtataka ko kaya nagsalita agad si reign.
"Sasama siya sa atin." saad niya at ngumiti kaya tumango na lang ako.
Napatingin ako kay zylyn. Nagtama ang tingin namin at siya ang unang umiwas ng tingin.
"Yep, we're ready for the roadtrip." saad ko naman.
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...