Alice's PoV
Nandito ako sa may restroom para magmumog. Dalawang linggo din akong hindi pumasok dahil sa trauma. Tanging ang adviser lang namin ang nakakaalam sa nangyari sa akin.
Hindi ko sinabi sakanya ang totoong nangyari. Gumawa lang ako ng alibi ko na, depress lang ako kaya ko nagawang putulin ang sarili kong dila.
Pero sino naman ang maniniwalang ako mismo ang gumawa sa sarili ko nito. Buti na lang at naniwala si ma'am kaya inexcuse niya ako noon.
Nagulat ako ng may dumapong palad sa pisngi ko napapikit na lang ako. Hindi ko pa nakikita ang may gawa non pero alam ko na kung sino iyon.
Nakakasawa nang itrato na para bang puppet ako at sila ang nagmamanipula ng buhay ko.
"You bitch! Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa skwelahang ito!" sigaw sa akin ni aya at hindi pa nakuntento ay sinampal pa ulit ako.
Pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"Aya! Tama na!" awat sakanya ni thalia akala ko nagmamabuting loob lang ito sa akin pero hindi pala. "Ako naman!" sigaw niya at pinagsasabunot ako.
Pinipigilan ko pa rin ang sarili ko.
"Kaya siguro nawala ka nang dalawang linggo....dahil guilty ka! Ninakaw mo ang laman ng credit card ko!" sigaw ni thalia at sinampal pa ako.
Nagpipigil pa rin ako.
"Huwag mo ng ikaila alice, dahil alam kong ikaw ang may kagagawan non!" sigaw pa ulit ni thalia.
Tinulak naman siya ni aya at nagulat ako ng sikmurahin niya ako!
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko dahil....
bumulwak ang dugo sa bibig ko saktong sakto sa mukha ni aya.
KANINA KO PA TALAGA PINIPIGILAN.
Halatang diring diri ito kaya agad siyang napasigaw.
"AHHHHH!" tili nito. "I'm gonna kill you!" at dali dali akong sinugod. Napapikit na lang ako.
Pero nagtaka ako ng wala akong naramdamang sakit. Pagmulat ko pa lang ng mata ko ay nasa harap ko na ang sagot kung bakit hindi ako nasaktan ulit.
Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sinampal ni serenity si aya. Napasalampak ito sa sahig dahil sa lakas ng impact non.
Ngayon ko lang siya makitang galit na galit. Pati ang mga kaibigan niya ay hindi makaawat dahil siguro sa takot na baka madamay sila.
"Patayin mo siya at ako ang tatapos sa'yo." malamig na sambit ni serenity sakanya. Kahit ako ay natakot sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...