Chapter 35
Third Person PoV
Kakagaling ni alice sa school at pauwi na ito sakanyang dorm nang maramdaman niyang may sumusunod sakanya.
Napalingon lingon pa siya ngunit wala namang tao kaya ipinagpatuloy niya lang ang paghakbang sa hagdanan.
Nabigla na lamang siya nang may biglang may sumakal sakanya. Sinubukan niyang manlaban ngunit may panyong itinakip sa ilong niya hanggang sa unti unti itong nawalan ng malay.
Pagkagising niya ay nakatali na ang kamay at paa niya sa loob ng selda kung saan nakahandusay ang nanghihinang si serenity.
Napahikbi na lang si alice dahil hawak lang pala ng salarin ang matalik nilang kaibigan.
Kung sana sinabi ko na lang sakanilang delikado ang lumuwas.
Sabi nito sa kanyang isip. Gusto niyang daluhan si serenity ngunit mahigpit ang pagkakatali sakanya.
"Be right back ladies. Kailangan ko muna silang ipagdrive...patungo sa impyerno HAHAHA."
Nanlaki ang mata ni alice. Hindi siya pwedeng magkamali dahil ang nasa likod ng krimen na nagaganap ay si
Mark
Si mark na naging matalik nilang kaibigan.
"Mukhang magkakaroon mamaya ng munting reunion HAHAHA." saad nito at lumabas na sa hideout.
Reign's PoV
Si mark na lang ang hinihintay namin dito sa may parking lot at luluwas na kami mamaya.
Ilang minuto din ang lumipas nang makita na namin siyang patungo dito.
"Did I make you wait?" tanong nito nang makalapit na siya sa amin.
"Hindi naman mark mga isang dekada lang kaming naghintay sayo." sarkastikong saad ni charles. Natawa naman ako sa sinabi nito, kanina pa kasi kami naiinis dahil napakatagal niya.
"Sa gulong ka charles."
"Aba, siraulo ka ah!"
Sumakay na kaming lahat bago pinaandar ni mark ang kotse.
Alas syete na nang gabi at madilim na sa labas. Ipinikit ko na muna ang mata ko dahil nakaramdam ako ng antok.
"Reign gising!"
"Kumapit kayo!"
"Helpp! Stop the car!"
"Hindi ko macontrol!"
"Dude ayaw ko pang mamatay!"
Naalimpungatan ako dahil sa sigaw na yun. Pagmulat ng mata ko ay nagulat na lang ako nang wala ng kontrol ang sinasakyan namin at tatama ito sa isang malaking puno.
BOOGSH!
Napapikit ako nang tumama na ang sinasakyan namin sa may puno. Sobrang tindi ng hilo ang nararamdaman ko at ramdam ko pa ang likidong tumutulo sa noo ko.
Sumisirko ang paningin ko ngunit nagawa ko pang tignan ang isang pigura ng tao na nakatayo sa gilid at nakita kong hinihila niya ang mga kaibigan ko.
Then everything went black.
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...