Chapter 37

32 3 0
                                    


Reign's Pov

Napadaing si serenity nang dampian ko ng betadine ang kanyang tinamong saksak.

"Hey stop that! Talian mo nang tela para huminto ang pagdurugo niyan." saad ni zylyn kaya sinunod ko na lang.

Naghanap ako dito sa loob ng kwarto na pwedeng gamiting pang defense.

BLAG!

Natigil kami nang marinig namin ang kalabog malapit dito.

"H-hide...tara sa ilalim ng kama." bulong ko at agad naman silang kumilos para makapunta don.

"Alam kong nandito lang kayo." rinig namin ang boses ni mark sa labas.

Third Person PoV

Isa isang binuksan ni mark ang bawat room para hanapin sila.

"Kapag nahanap ko kayo...katapusan niyo na." saad niya at sinipa ang isang pinto.

Room 6

"Hmm sinasabi ng instinct ko na may tao dito." saad niya.

Papasok na sana siya nang marinig niya ang kalabog mula sa itaas. Gumawa pala ng distraction sina pyro at charles para maalis ang atensiyon ni mark sa pinagtataguan nila reign.

"Mali ang instinct ko HAHAHA." saad niya at naglakad palayo sa Room 6.

Kaagad lumabas si reign upang silipin sana si mark ngunit awtomatikong napahawak ito sa kanyang tagiliran.

Sumirit ang dugo mula doon. "Akala niyo ba ay malilinlang niyo ako?!" sigaw ni mark at hinila pa ng malakas ang buhok ni reign saka ito napasalampak sa sahig.

"Ahhh!"

Charle's PoV

"G*go! Tapatin mo akong hay*p ka!" sigaw ko kay mark.

May nakahandusay na tao sa sahig ngunit hindi ko mapuna kung sino iyon dahil sa dilim.

Nasa gilid ko si pyro habang may hawak na baseball bat na nakuha niya sa room na nanggalingan namin kanina.

"Paano ba yan? Hindi niyo nailigtas ang prinsesa HAHAHAHA duwag!" sigaw ni mark at tumakbo papunta sa'min.

"Pyro ngayon na!" sigaw ko at sakto namang hinampas ni pyro si mark ng hawak niyang bat.

"Huwag mong hahayaang mabuhay yan pyro! Pupuntahan ko lang sila." saad ko at agad na tumakbo sa Room 6.

Lumapit ako sa nakahandusay at nanlumo ako nang makitang nahihirapan na ito sa paghinga.

"R-reign...huwag mong ipikit ang 'yong mata please..makakatakas tayo dito. Lumaban ka lang ha?" saad ko sakanya at kumuha ng tela na pwedeng itali sa sugat niya.

"Si...s-serenity...'wag niyo siyang papabayaan ha.."

Third Person PoV

Todo hampas lang si pyro kay mark ngunit sinasangga lang iyon ni mark gamit ang kanyang braso. Sinipa niya ang paa ni pyro kaya nabitawan nito ang baseball bat.

"Ang hihina niyo talaga." saad ni mark. Mula sa dilim lumabas ang kasama niya na nakamaskara at may hawak itong patalim.

"Tapusin mo na siya." saad ni mark.

Ginilitan ng lalaki ang leeg ni pyro at sumirit ang dugo mula dito.

"Pumalpak ang plano ko nang dahil sainyo...pero ayos na din dahil hindi na kayo makakatakas dito ng buhay!" saad ni mark.

Dormitory 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon