Chapter 36
Third Person PoV
Naalimpungatan si alice nang makarinig siya ng kalabog malapit sakanya. May kutob siya na baka may nangyaring masama kila reign.
Napalingon siya sa isang selda at nanlaki ang mata nito nang makita si zylyn at reign na nakahandusay sa sahig at may mga tinamo silang sugat.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto at nakita niyang hila hila ni mark si charles habang si pyro ay binuhat niya na parang sako.
Matapos niyang ibinagsak ang katawan nila charles at pyro sa loob ng selda ay umupo muna si mark sa gitna.
"Hindi pa ba nagigising yang kasama mo alice? Baka hindi na humihinga yan...pero sabagay mamamatay na din naman na kayong dalawa mamaya at isusunod ko ang tatlo."
saad ni mark na siyang nagbigay kilabot sakanya.Napatingin siya sa kaibigan niyang walang malay. Naiyak na lang ito dahil wala na silang takas.
Nanlaki ang mata niya nang pumasok si mark sa kanilang selda.
"Magkakasama na kayo ng kuya mo." saad ni mark habang nilalaro ang patalim sakanyang kamay.
Umiiyak si alice habang umiiling iling.
"Naririndi talaga ako kapag may umiiyak kaya kailangan mo na talagang lumisan sa mundo."
Akmang sasaksakin niya na si alice nang may sumipa sakanya.
"A-ahhh buhay ka pa palang hayop ka!" sigaw ni mark kay serenity.
"Mahina ako ngayon, pero namiss ko 'to." saad niya at tinadyakan niya ulit si mark.
"Alice umalis ka na!" sigaw ni serenity sakanya.
Gusto niya mang makatakas ngunit nasa kabilang selda pa ang kaibigan nila.
Kailangan ko ang susi.
"S-sinasabi ko sayo serenity...hindi mo gugustuhin kapag ginantihan kita."
"At hindi mo din gugustuhin kapag ako ang nakalaban mo." seryosong saad sakanya ni serenity at sinikmura si mark.
"Alice! yung susi nasa drawer!" sigaw niya. Nahihirapan man dali daling pumunta doon si alice para hanapin ang susi.
"Teka bakit nakakulong tayo?!" umalingawngaw ang boses ni charles sa kabilang selda. "Hoy gising nakidnap tayo!" sigaw niyang muli habang ginigising ang mga kasamahan niya.
Napadako ang tingin ni charles kay serenity at mark.
"Buhay si serenity!"
"Sino bang may sabing patay na siya ungas!"
Naalimpungatan ang mga kasama niya at lumingon din doon.
"Kailangan niya ng tulong...siguradong may armas ang p*tanginang traydor na yan kaya kailangan nating makatakas dito."
Lumapit naman sa kanila si alice ngunit laking gulat nila nang biglang tumunog ang bawat paligid ng room.
"This is bad...alice amin na ang susi." saad ni pyro. Iniabot naman ni alice ang susi at nakuha iyon ni pyro.
Pero lahat sila ay natigil nang may sumaksak kay alice.
Napatakip ng bibig si reign dahil sa nasaksihan.
"A-alice..."
Tatlong beses niya itong sinaksak.
"Paano tayo makakatakas...may kutsilyo siya." bulong ni pyro.
"H-hayop ka mark! Mamamatay tao pala ang kinaibigan namin! Paano mo 'to nagagawa sa sarili mong kaibigan! Andaming nasayang na buhay ng dahil sayo!" bulyaw ni reign.
Nagulat sila nang umiyak si mark habang tinatakpan niya ang tenga nito.
"H-hindi ako.....wala akong kasalanan...h-hindi ako mamamatay t-tao...hindi" saad niya at napaupo ito sa sahig.
"A-anong nangyayari sakanya?" naiiyak na sambit ni zylyn.
"Buksan niyo na ang pinto." pabulong na saad ni charles.
Agad silang lumabas doon. Inalalayan ni pyro si alice.
"S-si serenity!" saad ni reign at pumunta sa kabilang selda. Nanlumo na lang ito nang makitang may dugong umaagos sa tagiliran nito.
"S-serenity...tatakas na tayo." saad ni reign at inalalayan si serenity.
"TAKAS NA DALII!" sigaw ni charles at lahat sila ay lumabas sa hideout ni mark.
Dahil sa pagmamadali nila ay hindi man lang nila ikinulong si mark o kahit itinali man lang.
"HAHAHAHA mga duwag. Kung pinatay niyo na lang sana ako edi hindi na kayo mahihirapan pa tsk." saad niya at agad dinampot ang kanyang patalim.
Takbo lang sila ng takbo. Napakadilim sa buong dormitoryo.
"Paano tayo makakalabas?!" sigaw ni charles at napasabunot sa kanyang ulo.
"Guys...hindi lang tayo ang tao dito sa dorm! May naririnig ako kaninang mga boses. Tara sa taas!" sigaw ni pyro.
"Matatrap tayo kung lahat tayo ang pupunta don!" -charles.
"Iisa lang ang kalaban dito charles! Naisip mo ba yon?!" sigaw naman sa kanya ni pyro.
"Paano ka nakakasiguro?!"
"Guys! Huwag na kayong magtalo....kailangan ni serenity at alice ng paunang lunas may tinamo silang saksak!"
"May galos at sugat din kayo."
"May emergency kit ako sa room ko." saad ni zylyn.
"Lahat naman ng room may emergency kit." sarkastikong saad ni reign.
"Dumako muna kayo sa dorm na 'yon." turo ni pyro sa room 6. "Pupunta kami ni charles sa pinakamataas na floor para icheck kung may mga tao nga don." saad ni pyro at tumango sila.
Charle's PoV
Tinatahak namin ni pyro ang hagdan pataas na hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Walang kahit na anong ilaw dahil black out dito. Pinlano talaga 'to ni mark.
"A-ahhhh!" nagmamadali kaming nagtungo sa room na malapit samin dahil sa narinig naming sigaw ng isang babae mula sa floor na ito.
"P-paanong nakarating dito si mark nang hindi natin siya nakikita sa baba?" tanong ko kay pyro.
"Yun na nga eh. Isa lang ang nasa isip ko..."
"Hindi nag iisa si mark."
"C-charles kung hindi yan si mark....nasa baba pa siya!" saad ni pyro sa'kin.
Nanlaki ang mata namin pareho dahil sa napagtanto.
"Sila reign!"
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...