Third Person PoV
Matapos makita ng salarin si serenity na nawalan na din ng malay ay isinagawa na niya ang kanyang plano. Halos lahat ng dumalo ay nanunuluyan lang sa dormitoryong ito.
Room 14: Stacy, Alexa
Room 15: Darwin, Jason
Room 16: Kris, Jana
Room 17: Abe, Yaella
Room 18: Dan, Ely
Room 19: Gerry, Drake
Room 20: Sydney, FreyaLabing apat ang mamamaalam sa mundo ngayon HAHAHA! Actually anim na ang patay dahil hinaluan ko ng nakamamatay na lason ang kanilang alak. (Referring to room 14,15 and 16). saad nito sakanyang isipan.
Isa isa niyang binitbit ang mga bangkay at dinala sa kanyang kotse na nasa parking lot. Binilisan niya ang pagmamaneho patungo sa leighton lake.
Nang makarating na siya ay ihinagis niya ang tatlong bangkay sa may ilog at ang natirang tatlo ay ibinaon niya sa lupa.
My work here is done.
Ah! May walo pa pala sabi ng salarin sa kanyang isipan.Dali dali siyang bumalik para idala ang walo sa may storage room ng dorm. Kung saan nandoon ang magkapatid na nakakulong sa selda na ginawa niya para sa kanila.
Soundproof ang storage room na 'to kaya't napakaswerte ng salarin dahil walang makakarinig sa mga palahaw nila.
"Surprise! May bago na kayong magiging kasama dito." saad nito sa magkapatid na sina donie at alice.
Halos lupaypay na ang katawan ni donie dahil sa tinamo nitong sugat. Lagi lagi kasi siyang binubugbog ng salarin sa tuwing nagmumura at sumisigaw ito.
Tanging iyak na lamang ang nagagawa ni alice dahil hindi naman na ito makakapagsalita pa.
"Dahil hindi ko naman kayo kayang pagsabay sabayin. Apat muna ang papatayin ko ngayon." saad nito na may nakakalokong ngisi.
---------------
Serenity's PoVNagising ako na masakit ang ulo at walang maalala sa nangyari kagabi. Napamasahe na lang ako sa sentido ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
Argghh masyado ba akong nagpakalasing kagabi?
Dumako ang tingin ko sa mga kasama ko. Tulog pa silang lahat. Aishh buti na lang at weekend ngayon.
Tumayo na ako at dumiretsyo sa kusina nila reign. Umiinom ako ng tubig nang makita ko si charles na tila nahihilo rin dahil siguro sa epekto ng alak. Dali dali akong kumuha ng maiinom at nilapitan siya.
"Here." saad ko at inabot sa kanya ang basong may tubig. Inabot niya naman iyon at nilagok.
"Aishh bakit ganon? Hindi naman ako masyadong naglasing kagabi pero nahihilo pa rin ako hanggang ngayon." nagtatakang tanong niya.
Bigla kong naalala na kahit ako ay hindi naman masyadong uminom. Kung maaalala ko ay isang baso lang ng alak ang ininom ko kagabi.
Something is not right.
"Umalis na ba yung iba?" tanong sa akin ni charles. Nilibot ko ang tingin ko sa kasamahan namin at ngayon ko lang napagtanto na mangilan ngilan na lang kaming nandito.
"Siguro." saad ko na lang.
"Aish ang sabi nila drake gigisingin nila ako dahil sabay kaming pupunta sa court ngayon. Iniwan nila ako." malungkot nitong saad na naka pout pa. psh kumag.
Binatukan ko naman ito. "Maglalaro kayong may hang over? Siraulo baka natulog ulit yon sa dorm nila." sabi ko naman. Napangiwi naman ito dahil sa pambabatok ko sakanya.
Tumayo naman ito at nagtungo sa kusina, kinuha niya ang kaserola at sandok. Nagtaka ako kung anong gagawin niya doon.
Lumapit ulit siya dito sa sala at ipinagtapat niya ang kaserola at sandok.
*KLANG* *KLANG* *KLANG*
Paulit ulit niyang hinampas ang kaldero gamit ang sandok. "Gising na! Gising na! Gising na!" sigaw nito at patuloy pa rin sa paghampas.
Napatakip na lang ako ng tenga dahil sa nakaririnding tunog nito.
"Charles! It's annoying!" sigaw ni reign na gising na pala dahil sa ingay. Maging ang iba ay nagising din dahil dito.
"Good Morning!" masigla niyang bati ngunit sinamaan lang siya ng tingin. Napa peace sign naman ito at umupo sa tabi ko.
"Anong nangyari? Saan ang mga iba? Bakit wala akong maalala sa nangyari kagabi?" sunod sunod na tanong ni reign na napapamasahe pa sa sentido niya.
"Ako din, wala akong maalala." saad ni zylyn.
"Maging ako." si pyro.
Tinaas naman ni mark ang kanyang kamay. "Wala din akong maalala." seryoso nitong sabi.
Kahit ang iba ay sumang ayon din dahil maging sila ay wala ding maalala. May naaalala naman ako pero parang malabo.
Napatigil ako sa pag iisip nang makita kong tulala lang si mark para bang napakalalim ng iniisip nito.
"Ayos ka lang?" tanong ko sakanya.
"Kasi ano...yung mga wala dito, sa pangatlong palapag silang lahat. Hindi ba nakapagtataka na sabay sabay silang umalis? saad nito at maging ako ay napaisip.
Maaari namang sabay silang umalis dahil pareho lang naman sila ng palapag. But it doesn't make sense. Kung halos lahat ng nandito ay walang maalala at nahihilo pa rin malamang ganun din sila.
Imposible din namang sabay silang nagising kasi kung ako man ay gusto nang umalis dito na hilong hilo. Wala na akong ibang iisipin pa kundi ang sarili ko lang. Tsaka nasa huling palapag kami.
Aishh! Lalo lang sasakit ang ulo ko nito.
Hinila naman ni charles ang kamay ko. "Alis na nga tayo dito." saad niya. Akmang tatayo na ako nang may humigit din sa kabilang braso ko. Here we go again.
Napatingin ako doon at si riley lang pala. "Sabay na kaming bababa." giit niya.
"No riley, wala akong tiwala sayo." sabi naman ni charles at hinila pa lalo ang kamay ko.
"Gosh! nasasaktan si serenity!" giit ni reign at hinila ako palayo sa dalawa. "Bitbitin niyo na lang ang mga regalong natanggap niya at dalhin niyo sa room nila." dugtong niya pa at lumabas na kami.
Dahan dahan lang kami sa paglalakad. May sinasabi si reign pero hindi ko maintindihan dahil sumasakit na ang ulo ko.
May nakasalubong kaming babae na hapit na hapit ang itim nitong suot sakanyang katawan. Biglang bumuhos sa aking isipan ang bulto ng tao na balot na balot ng itim na tela ang mukha at may hawak na patalim.
Napahinto ako sa paglalakad ng may mapagtanto ako.
Hindi kaya, yung taong nakita ko noong pinatay nila ang ilaw at yung nakatayo sa harapan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay ay iisa?
Hindi ko siya nakita kagabi, pero maaaring nagpalit ito. One thing's for sure, that person is the killer.
Kailangan ko lang ng sapat na ebidensya na makakapagpatunay na tama ang hinala ko.
;guess who? •_•
Thanks for reading!♡︎
VOTE AND COMMENT!♡︎
BINABASA MO ANG
Dormitory 365
Mystery / ThrillerSerenity, left the place where she grew up because she felt her family and friends had abandoned her and so, she moved to the City of Leighton. She found a dormitory to stay in. Dorm without rules with fifty rooms and a psychopath. Will she be abl...